"Dee... wake up..." masuyong bulong ni Sef sa akin habang mahinang tinatapik ang pisngi ko. We're under the umbrella tree kung saan kami nagrereview for our midterm exam.
I slept around 2:00 AM this morning kaya hindi ko na napigiling makaidlip habang nagbabasa ng notes na hiniram ko kay Sef.
When I opened my eyes, I was greeted by Sef's coal black eyes. His face is just an inches away from me. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. We look intimate in this position but it's just nothing. Walang malisya.
Close na kasi kami. Bilis 'no? Isang buwan pa lang ang nakalipas. Pero feeling ko talaga, nakatadhana kaming maging magkaibigan. Bukod sa pareho kami ng abilidad, we understand each other well. There's nothing to hide and there's no need to pretend.
We are good friends already. He's my study buddy. But for me, he's actually a mentor.
Magaling siyang magturo. Caring na kaibigan kahit hindi halata kasi seryoso lang siya. As I get to know him more, I understand him more. He's the quiet type. He thinks more than he talks. Pero kapag nagsalita, laging may laman. Direct to the point.
He's full of wisdom. Madalas akong tamaan ng mga salita niya. At dahil magkaibigan na kami, hindi ako makaiwas sa mga salita niyang tagos sa buto.
We stared at each other for like 10 seconds. Bago niya itinulak ang noo ko gamit ang hintuturo niya. He look disgusted over something on his sleeve.
"Laway mo, tumutulo." Nakangiwing saad niya na tinitignan ang tumulong laway ko sa kanyang manggas.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang "bakas ng kahapon" sa manggas niya. Napatakip tuloy ako sa bibig ko. Naramdaman ko ang bahagyang basa mula sa gilid ng aking labi at pisngi.
Jeez! Ilang beses ba akong mapapahiya sa harapan niya? Laging ganito ang eksena.
Inabutan niya ako ng tissue na kinuha niya mula sa bag ko. Alanganin akong ngumiti sa kanya at binuntutan pa iyon ng tawa to drive the awkwardness away.
"Huwag kang mag-alala, di mo ikamamatay." Pahayag ko nang makapag-ayos na ng sarili.
"Wala na?" Tanong ko nang muli akong humarap sa kanya. Kumuha lang siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng kaliwang mata ko. Tinanggal yata 'yong morning star ko.
"Paano kung infectious? O kaya may rabies?" Pagbibiro niya.
"Ang OA Sef, ha." Tinampal ko siya sa balikat. Napuna kong nailagay na niya sa loob ng aking bag ang ilan sa mga gamit ko. He's done checking out my face.
"Let's grab something to eat." Yaya niya bago tumayo. "Tagal mong gumising." Dagdag niya bago inilahad ang kamay sa harapan ko.
Napaingos ako sa gesture niya. Sanay na ako sa style niyang ito. Yong aakalain mong napakagentleman, sweet at caring niyang boy friend tapos, akala lang pala. Ang lakas maka-scam.
I rolled my eyes making him laugh heartily. Padarag kong iniabot sa kanya ang bag ko at tumayong mag-isa. Tatawa-tawa pa rin siya nang sikuin ko ang tagiliran niya at naunang maglakad. Alam ko namang 'yong bag ko ang kukunin niya at hindi yong kamay ko. I know better.
Hindi ako naiinis, ah. Sadyang nakakaasar lang kasi ilang beses akong nabiktima at nagoyo ng mga ganoon niyang gestures.
"Ganyanan? Pagkatapos mo akong gawing human pillow, at tagabitbit ng bag mo, lalayasan mo na lang ako?"
BINABASA MO ANG
Breaking Free From Envy
Literatura KobiecaMETANOIA SERIES 3 [COMPLETED] "If I was a pain you are willing to endure, you are the love I am amenable to wait..." -Dee I am Freya Dionne Jacinto, broken with my sana all. But He gave me the strength to break free from envy. DATE STARTED: July 19...