Kabanata 6

353 146 116
                                    

"Final exam is waving!"


"Ugh! Review na naman!"


"Huwag na...Tamang katabi lang ayos na."


"May reviewers na kayo?"


"Paxerox ako..."


"Ako din!"


"Hashtag Gradwaiting!"


"Excited na kayo guys?"


"Magka-college na tayo!"


Napabalik ang diwa ko sa kasalukuyan mula sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan dahil  sa sunod-sunod  na ingay ng mga kaklase ko. 


Kung maka-react  ang mga ito ay parang end of the world na. Eh, halos lahat naman sila ay sa BCA din magka-college. Lilipat lang sa kabilang building.


Napatingin ako sa kanan ko. Sef is just one seat apart from me. He's busy scribbling something on his notes. And studious niya talaga kahit kailan. Doon ako bilib sa kanya. He has goals in life. Achiever at an early age. 


Madaming nagkakagusto sa kanya. Kaya noong naging malapit kami, nagkaroon na ako ng mga bashers. Lalo na noong naging kami. Siguro kung nasa lower class ako at hindi ako Jacinto, I'm already bullied.


Wala na kaming klase ng alas-tres. Kadalasan, sa library ako nagpapa-tutor sa kanya o kaya ay sa ilalim ng umbrella tree malapit sa open field.


He's my study buddy. We became friends, eventually. Tapos doon kami na-develop. Iyon lang, we will separate ways as strangers. Masaklap na katotohanan  para sa mga magkaibigang naging magKAibigan pero hindi magkakatuluyan. Napasimangot ako.


Kinuha  ko ang cellphone at nagtipa  ng mensahe para sa kanya. May naisip ako kagabi na bahagi  ng "Unloving Sef project" ko. Memorable 'yong mga landian moments namin ni Sef sa ilalim ng puting ilaw- este sa ilalim ng punong umbrella. Naisip kong palitan ng huling alaala. I called it "undoing the past". 


Titignan ko kung effective. Kapag hindi, I'll carry out the plan B. Just wait and see.


"I heard you won't be studying here at BCA for college..." 
Binura ko. Baka kasi sabihin niyang ini-stalk ko siya.


Hindi naman sa sumasagap pa rin  ako ng balita tungkol sa kanya. Nagkataong narinig ko lang. Tsismosa ang mga tao dito. Ang lalakas ng radar. Kakaimbyerna! Daig pa ang mga paparazzi.


Two weeks na kaming wala, remind ko lang. Two weeks na walang kamustahan. 14 days, 2 hours and 24 minutes 6 seconds. Calculated ko. Pero joke lang. Estimation lang. Not exactly pero malapit  na do'n. 


Medyo marunong  na akong mag-Math. Akala niyo, ha. Siyempre dahil sa kanya. Dahil kay Sef natutuhan kong mahalin ang mga bagay  na kinaiinisan ko. Gaya ng Math at Science. Not totally. Slight. Mas mahal ko 'yong nagtuturo, eh.


Paano ko pala siya kakalimutan? Halos lahat ng bagay sa paligid ko at halos lahat  ng nalalaman ko, siya  ang nagturo. It's related or associated to him, somehow.


"Miss na kita, baby-"
Binura ko ulit  ang itinipa ko sa keypad ng cellphone. Ano bang sasabihin ko?


"I love you, still..."

Breaking Free From EnvyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon