[Chapter 1]
Nagising ako dahil sa malakas na pagkakakatok sa pinto ko na para bang ilang segundo na lang ay gigibain na ito ng taong kumakatok kapag hindi ko ito binuksan.
Inis akong tumayo at nagtungo rito.
" Ano ba?!gigibain mo ba ang pinto ko? "
Bulyaw ko pagkatapos buksan ang pinto, kahit pa hindi ko kita ang taong binubulyawan ko dahil naka-pikit pa rin ang mga mata ko, antok na antok pa 'ko at ang smurfs na 'to ay ayaw man lang akong patulugin.
" Hoy, Zanthe!alas otso na ng umaga! kanina pa bumabati sa 'yo ng good morning si haring araw, pero ikaw dinaig mo pa ang mantika kung matulog pati pwet mo humihilik!, " maagang pagbubunganga na agad ang sumalubong sa akin.
Nakakunot ang noo kong binuksan ang mga mata ko, medyo nahirapan pa ako dahil nakakasilaw ang liwanag na sumalubong sa akin.
" Ke aga-aga nambubulabog ka, " masama ang tingin na saad ko kay Leica, dahil bukod sa pambubulabog nya sa pagtulog ko ay tinawag nya pa ako sa tunay kong pangalan.
Ayaw na ayaw ko talagang tinatawag ako na Zanthe dahil parang panlalaki ito at mas sanay akong tawagin sa palayaw kong Sansa.
" Ano?!hoy Zanthe baka gusto mong ipalamon ko sayo ang buong kalendaryo, at nang kapag na itae mo na ay ma re-realize mong araw ng linggo ngayon at male-late na tayo sa simba! " nakakadiring aniya.
Dahil dun ay nanlaki ang mga mata ko, dali-dali akong tumakbo sa Cr at agad nag buhos ng tubig.
Sa sobrang pagkataranta ko ay naka pangtulog akong naligo, at wala pa akong dalang twalya kaya tumutulo pa sa basa ang damit ko nang lumabas ako sa banyo.
Smurfs!talaga oh mababasa na naman ang carpet ko.
Alas onse na ng taghali at kakatapos pa lang naming mag simba, nilalamok na ako dito sa kinatatayuan ko at halos malusaw na ang payong kong dala dahil sa init, kakahintay kay Leica na nakikipag patalastasan pa sa manloloko nyang nobyo sa cellphone.
" Sa, ano sa tingin mo?hihiwalayan ko na ba dapat si Neil? " nakataas ang dalawang kilay nyang tanong sa 'kin pagkatapos ng patalastasan nya sa manloloko nyang nobyo.
Hindi ko sya sinagot dahil pagod na ang dila ko kakaulit ng sagot sa paulit-ulit nyang tanong.
" Sa? ".tawag nya pa sa 'kin, pero hindi ko sya pinansin at nagkunwaring abala ako sa paghihintay nang taxi.
" Sa? " muli nya pang tawag sa 'kin sabay kalabit, hindi ko pa rin sya pinansin dahil siguradong kapag sinagot ko sya ay mapapagod lang ako kakapaliwang at kakaulit ng mga parati kong sinasabi.
" Zanthe Rasonable ano ba!?nakikinig ka ba!? " dere-deretso at buo ang pangalan kong sigaw nya, dahilan para sumakit ang tenga ko dahil sa matinis nyang boses.
" Ano ba smurfs paulit-ulit na lang sagot ko sayo hiwalayan mo na yang manloloko mong unggoy na boyfriend! " dere-deretsong sigaw ko sa kanya pabalik. Para tuloy kaming tangang dalawa dito na nagsisigawan sa gilid ng kalsada napapalingon tuloy ang ilang napapadaan sa 'min.
" E mahal ko sya e, " sagot nya na ngayon ay nakatitig na sa akin at parang may pinapasan na isang sakong bigas sa likod nya dahil sa pagod nitong awra.
Hindi naman na ako nagulat pa sa sinabi nya, dahil noong nagsaboy ng katangahan ay buong lakas nyang ginamit ang mapuputak nyang bunganga para masalo lang lahat.
Napaikot na lang ako ng mga mata, ano pa bang magagawa ko?e isang drum siguro ng gayuma ang pinalaklak ng smurfs na Neil na yun sa ubod ng tanga kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Historical Fiction"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...