[Chapter 19]
Nakatitig lang ako sa mga obrang nakasabit sa dingding ng suit namin,habang marahang sinusuklay ni mama ang buhok ko at inaayos ito.
"Anak ikaw ba ay dadalo mamaya?" Maya maya'y tanong ni mama, na nag pa kunot ng noo ko. "Ho?ano pong ibig nyong sabihing dadalo mama?" Nalilito ko paring tanong sa kanya,narinig ko naman ang pag buntong hininga nya bago magsalita. "Mukhang iyong hindi na ulinigan,ang ukol sa piging na idadaos mamayang hapon sa malawak na asotea ng barko"wika nya.
Nalilito man ay gumapang naman ang kasabikan sa sistema ko,kung ganon ay may kasiyahan pala mamaya!. "Para saan po pala ang piging mama?"parang bata kong tanong,matapos sumagi sa isip ko ang curiosity tungkol sa naturang piging. At sa ikalawang beses ay narinig ko na naman ang pag buntong hininga ni mama bago mag salita,"mamaya ay ipagdidiwang ang ikaapat na anibersayo ng brako, kaya'y lahat ay inaanyayahan na dumalo,mapa purong kastila man o may dugong kastila"paliwanag pa ni mama,na lalong nag pagapang ng kasabikan sa sistema ko.
"Ganun po ba mama? syempre naman pupunta ako" masiglang sagot ko,kahit pa natangahan ako Kay mama dahil sa pag tanong nya sa'kin ukol sa bagay na 'to,e di naman pwede talagang hindi ako pupunta. "Ikaw po mama?"pahabol ko nalang na sabi, pansamantala naman syang tumigil sa pag susuklay sa buhok ko at,matamang tinitigan ang repleksyon naming dalawa sa kaharap na salamin.
At sa Ika-tatlong pagkakataon ay bumuntong hininga na naman muna sya,bago mag salita"aking susubukan,sapagkat ako ay may kailangang asikasuhin mamaya"sagot nya na lalong nag pakunot ng noo ko.
"Napakarilag mo aking anak!"bigla natutuwa nyang wika,na napa ngunahan ang dapat sanang tanong ko sa kanya. Pero sa halip na tanungin pa sya ay tiningnan ko na lang ang aking sarili sa salamin,namamangha Kong na-i-awang ang labi ko. Grabe! ang ganda nung pagka braid!mukha akong prinsesa. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitingnan ko ang sariling repleksyon sa salamim.
Parang pinaikot yung buhok ko sa ulo ko,na nagmumukhang korona. Pinalamutian pa ito ni mama,ng hugis bulaklak na makukulay na balahibo ng paboreal. Hanga na talaga ako sa pagiging hair dresser ni mama,grabe!kahit ako nga hindi ko man lang alam kung pano magtali ng maayos ng buhok.
"O sya ikaw ay maghanda na ng iyong isusuot mamaya,kung ikaw man nga lang ay dadalo,mamaya mo na pala titigan ang napaka marilag mong wangis"natatawa nyang wika,sabay tulak sa'kin ng pabiro mula sa pag kakaupo ko sa silyang nasa harapan nya. Napatawa nalang din ako,sabay titig sa mga mata nya,at ilang segundo lang ay ramdam ko na ang pag ragasa ng emosyon ko,agad akong nagnakaw ng halik sa kanyang pisngi.
"Te Amo Mama!(I love you mother)"pahabol kong sabi sa kanya, bago mag lakad papunta sa kwarto ko. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pag takas ng isang matamis na ngiti mula sa kanyang labi.
"Sanya, bilisan mo ng maligo at mamasyal tayo!"excited Kong wika sa Kay Sanya, na ngayon ay nasa banyo ng kwarto ko at naliligo. "Saan po tayo tutungo binibini" tanong nya pa, "ah basta magmadali ka nalang dyan"tanging sagot ko nalang sa kanya,"opo" maikli nyang sagot.
Naglakad ako papunta sa kama namin, dahil dito ko narin ipinatulog si Sanya para may kasama ako. Dinampot ko ang bayong na sisidlan ng mga damit ni Sanya, mula sa ilalim ng kama. At dahil sa pag kasabik ay ako na mismo ang pumili ng maisusuot nya, para hindi na kami matagalan pa.
Tahimik lang akong binabaybay ang mga pasilyo ng barko habang panay naman ang tanong at kwento ni Sanya na ito din raw ang unang pagkakataon na sumakay sya sa barko. Huminto kami ng marating namin ang dulo ng barko,ang kaparehong pwesto na pinuntahan ko kahapon.
Napakaganda ng tanawin mula rito, kitang kita ang matingkad na kulay dilaw sa himpapawid na dulot ng papasikat na araw. May mga ibon pang lumilipad rito,at sinabayan pa ito ng mabanas na ihip ng hangin. Kung iisipin ay napaka perpekto na ng panahon, ng oras, ng lugar, ng tanawin, pero hindi ko parin maiwasang isipin na ang lahat ng ito ay parte lamang ng kathang-isip na mundo.
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Fiksi Sejarah"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...