[Chapter 16]
"Binibini?ano ang iyong isinusulat?" Muling tanong ni Sanya, sinenyasan ko lang sya na huwag munang maingay,dahil pilit ko pang inaaalala ang mga previous chapters ng nobelang ito. Kasalukuyan ko palang isinusulat ang chapter one nito base sa mga kakarampot Kong ala ala sa pagsulat ko nito,at sa mga nasaksihan ko. kailangan ko na talagang malaman muli ang mga mangyayari sa nobelang ito,dahil pakiramdam ko ay unti unti itong nagbabago.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko,dahil sa pagkabigo,kahit anong focus ang gawin ko ay palagi paring nanaig ang pag-aalala ko at pagka praning ko. Hindi ko tuloy maalala ng maayos ang mga nangyari at ang mga isinulat ko. "Binibini kayo ba ay ayos lang?" Muli na namang tanong ni Sanya,naririndi na'ko at naaasar sa Paulit-ulit nyang pagtanong, siguro ay tinitriger talaga ng pag-aalala at kagustuhan Kong maalala ang lahat,ang Pag ka pikon ko. Tumango nalang ako sa kanya dahil baka may masabi pa akong hindi maganda dulot ng nararamdaman ko ngayon. Nagtatalo ang isip at puso ko kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagsusulat,Pero sa huli ay nanaig parin ang isip ko. Kaya pansamantala Kong inilapag ang bolpen ko at pumunta sa terrace ng kwarto ko para makalanghap ng sariwang hangin.
"Binibini kayo po ba ay may suliranin?maarin nyo pong sabihin sa'kin kung inyung mamarapatin at ng sa gayun ay gumaan ang iyong pakiramdam"wika pa ni Sanya nang makarating sya sa gilid ko at umupo sa katabi Kong silya. Sana nga lang ay pwede Kong sabihin sayo Sanya,pero hindi pwede dahil baka isipin mo lang na nababaliw na ako dahil hindi mo naman talaga maiintindihan.
Ilang minuto na ang lumipas at wala paring nagsasalita ni isa sa'min mula nung hindi ko pag sagot sa tanong nya. Tinititigan ko lang ang mga Sunflower na sumasabay sa saliw ng preskong hangin. Wala ako sa mood mag salita o Kahit pumansin ng tao dahil binabagabag pa'rin ako ng mga katanungan sa isip ko. Nang makuha ang saktong oras para mapa kalma yung utak ko ay naisipan kong lumabas at kumain ng siopao,ito yung nagsisilbi Kong lunas sa lungkot. At kahit alam Kong malabo akong maka kita ng siopao,ay gusto ko paring maglakad at maghanap.
"Binibini? ika'y saan tutungo?" Tanong na naman ni Sanya,"ah Sanya pwede bang samahan moko sa labas gusto ko kumain ng siopao" tanong ko pa sa kanya. Napatango naman lang sya kahit pa halata namang nag aalangan at naguguluhan sya. Pumunta nalang ako sa closet ko at pumili ng masusuot, gustong gusto ko na talagang mag suot nalang ng square pants at baggy shirts pero wala namang ganun,kaya sa huli ay isang pares ng dilaw na baro at saya ang napili ko.
"Saan ang iyong lakad Sandya?"tanong ni mama ng minsan ko syang naka salubong sa hallway ng mansion. "Lalabas na muna ako mama,may bibilhin lang ako" pag papaalam ko pa sa kanya. Sinuri nya naman ng tingin ang kabuuan ko,"ikaw ba ay ayos na talaga?" Muli nyang tanong,siguro nga ay hindi parin sya nakaka get over sa ikwenento ko kanina sa kanya about sa bangungut ko,sabagay kahit ako man din. "Okay na po ako wag na po kayong mag alala"paninigurado ko pa sa kanya.
"Mang Andres ang kalesa" wikang Sanya ng makarating kami sa labas ng mansion,dali dali namang kinuha ni mang Andres ang kalesa. "Saan pala ang ating punta señorita?" Tanong pa ni mang Andres,Napa isip naman ako. Saan ba ang maaaring may tinda ditong siopao? ,"Ah sa binondo mang Andres'' wika ko sa kanya,siguro naman ay may siopao sa binondo dahil iyon naman ang China town sa panahon ngayon.
Tahimik lang ang byahe namin sa kalesa,hindi naman nag sasalita si Sanya. Habang naka dungaw lang naman ako sa labas ng kalesa,nakakahanga parin talaga,na kung paanong ang aliwalas ng paligid ngayon,walang building at walang mga nagsisik sikang sasakyan. Gumapang ang excitement sa katawan ko ng maalalang ang Binondo ang lugar na kung saan ko nabili yung weird notebook,baka makahanap ako ng sagot o Kahit clue man lang.
Mahigit ilang oras ang naging byahe namin patungong binondo sakay ang kalesa. Kaya parang nag freeze na din ang mga butt cells ko, sobrang ngalay. "Ikaw ba ay may ibig bilhin rito binibini?" Tanong na naman ni Sanya,sabay lahad ng Kamay nya para alalayan ako pababa ng kalesa. Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot "Señorita rito ko na lamang ho,iiwan ang kalesa ako'y sasama na sa inyo upang ako'y makatulong sa pagbubuhat ng iyong bibilhin" Alok pa sakin ni mang Andres, automatic naman akong napailing. "Huwag na po mang Andres maiwan nalang po kayo dito upang magbantay sa kalesa babalik naman po ako agad" sagot ko sa kanya,hindi naman talaga ako magtatagal e bibili lang naman ako ng siopao.
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Historical Fiction"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...