[Chapter 18]
Marahan ang ihip ng may katamtaman na init na hangin,at napaka sarap sa pakiramdam ang bawat haplos nito sa aking balat. Grabe!hindi ko naiimagine na mararanasan ko ang ganito,first time kong sumakay ng barko at lalong lalo na at ito'y papunta pa sa Cebu,my dream city!gosh I'm so excited na!..
"Tila ika'y maligaya anak ko" wika ni papa,kaya umikot ako sa banda nya,upang makita lamang ang nakangiti nyang mukha. Lumapad naman lalo ang ngiti ko saka tumango,"ah oo po papa,ang ganda po pala talagang sumakay ng barko pag ganito" patungkol ko sa pwesto ko ngayon na naka extend ang mga kamay,at waring niyakap ang bawat ihip ng hangin, matapos Kong ibalik muli ang tingin sa malawak na dagat.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni papa, "ako'y nagagalak din anak ko,sapagkat ngayon ko lamang nasaksihan ang labis mong saya"wika nya pa, napangiti naman ako ang sarap lang sa pakiramdam na tinatawag nya Kong anak ko,kahit hindi talaga halata o bagay sa strikto at puno ng awtoridad na katulad nyang tao ang mga paglalambing kagaya niyon.
"HENERAL MARCELO"bigla ay may tumawag sa kanya, napalingon ako sa pinanggalingan ng boses,upang makita lamang ang mga nakangiting ama nila Francis kasama ang ama ni Sansa 2. Tinapik muna ni papa ang likod ko sabay paalam na pupuntahan ito,tumango nalang ako sa kanya saka ibinalik ulit ang tingin sa malawak na dagat.
Ang magkahalong kulay kahel na reflection ng sunset sa asul na dagat,ay wari walang katapusan ang kagandahan. Inextend ko ang dalawa kong kamay muli,saka may ngiting sinalubong ang bawat pag ihip ng hangin sa balat ko,na wari ba ay sinasalubong din ako nito. Napakaperpekto na para sa'kin ang sandaling ito, pansamantala kong nakalimutan ang mga tila walang kalutasan kong mga problema. Naka pikit lang akong dinama ang sarap ng simoy ng hangin sa dagat,medyo amoy malansa ito pero para sa'kin ay napakabango parin niyon.
" Binibini —"bigla ay na out balance ako ng may magsalita sa bandang tenga ko,napa sigaw pa'ko sa gulat at napapikit sa takot na baka sa dagat na ang bagsak ko, na sa dulo pa man din ako ng barko. Ilang segundo ang lumipas ay wala akong naramdaman na nabasa ako,o nahulog man lang. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko,upang makasalubong lamang ang mariing tingin ni Francis. Dahil sa gulat ay nahampas ko sya sa bandang dibdib nya,na sana pala ay hindi ko ginawa matapos kong maramdaman ang katigasan nito. Biglang nag likot ang kalamnan ko ng matapos ay suyurin nya ako ng tingin,ang mga mata ay nanguwe-ngwestyon,siguro ay iniisip nya na ngayon na napaka pusok ko.
"Binibini ikaw ba ay ayos lang?marahil ay aking naabala ang iyong napakagandang sandali"wika nya pa,habang ako naman ay hindi na magawa pang mag angat ng tingin dahil sa hiya. Pinilit Kong bahagyang mag taas nang tingin,upang makita lamang ang nakangisi nyang mukha. Kahit kailan talaga pahiya sya! "Ano bang ginawagawa mo dito at dahil na naman sayo ay muntikan na'kong mahulog"pagsusungit ko pa,lalo namang lumapad ang kanyang ngisi.
"Sinalo naman kita aking binibini"ngingisi ngising wika nya pa.
Sinalo naman kita aking binibini,bakit parang may laman?bakit parang double meaning?
Sa ikaapat na pagkakataon ay iyo nga akong sinalo,pero ito na nga ba ang huli?na mahuhulog ako?
Narito na naman ang paglilikot ng kalamnan ko,"hoy Francis tigil tigilan mo nga ako sa mga banat mo"asar kong wika sa kanya sabay duro habang pilit na binabaliwala ang paglilikot ng kalamnan ko,pero napakagat lang sya sa ibabang labi nya nagpipigil ng tawa.
Mala Rosas ang kulay ng kanyang mga labi,at napakalambot nitong tingnan napakasarap hal— teka nga! ano ba tong iniisip ko? Smurfs!parang ang manyak ko lang sa panahong to.
"Ano ang ibig sabihin ng banat binibini?"nagpipigil ng tawa nya paring sabi,ano bang nakakatawa?may ubo ata to sa utak e.
"Ewan ko sayo maiwan ka nga,o eto"pagsusungit ko sabay abot ng isang piso sa kanya. Binigyan nya naman ako ng nagtatakang mga tingin. "Ano ang aking gagawin dito binibini?" Naguguluhan nya pang tanong, napangisi naman ako bago nag salita,"humanap ka ng kausap mo"pilosopong wika ko.
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Historical Fiction"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...