Kabanata 6:

217 24 3
                                    

[Chapter 6]


Asul na asul ang kalangitan at malayang lumilipad ang mga ibon kasama ang sariwang hangin.

Nagsasayawan naman ang mga tuyong dahon ng Narra sa ritmo ng hangin habang inilalahad ko naman ang dalawa kong palad upang saluhin ito.

Kung may cellphone lang sana ako ngayon ay talagang kukuhanan ko ng picture ang magandang setting na ito kaso wala e.

Hays ang hirap pala ng buhay nila noon walang cellphone walang internet.

Pero masarap naman dahil sariwa ang hangin na malalanghap mo at wala masyadong building ang paligid at talagang nagkakaroon ka ng quality time para sa sarili mo at sa pamilya mo dahil hindi pa uso ang mga karaniwang pinagkaka-abalahan ng mga taong nabuhay sa modern world na mga video games, Facebook, Instagram, YouTube o kahit ano pa mang may kinalaman sa internet na syang minsan kumakain ng oras natin nang hindi natin namamalayan.

Napasandal na lang ako sa malaking trunk ng Narra at inisip kung ano kaya ang mga nangyayari sa modern world ngayon.

Nataasan na kaya ang sahod ng mga public employees?nasulusyunan na kaya ang matinding traffic? hindi na kaya patay sindi ang tubig sa poso? wala na kayang mga palaboy na bata sa lansangan? nasugpo na kaya ang mga lumalaganap na krimen sa pagamit ng droga? tinatangkilik na kaya ng mga kabataan ang kultura ng sariling bansa? malinis na kaya ang tubig sa Manila bay? hindi na kaya nag-papakatanga si Leica sa manloloko nyang unggoy na boyfriend?

Nakakalungkot talagang isipin ang mga kasalukuyang nangyayari sa modern world hayst, ang dami na talagang nag-bago mula sa panahong to, ibang-iba na talaga ang modern world mula sa mga nakikita ko ngayon sa lumang Pilipinas.

Napatigil na lang ako sa pag-iisip nang makita ko ang tagapagsilbi ni Sandya na syang palaging kumakatok sa kwarto ko tuwing umaga.

" Señorita pinapapunta po kayo ng iyong ina sa asotea kayo raw po ay magtatahi, " magalang nitong sabi na bahagya pang nakatungo, tumayo na naman ako at pinagpagan ang bandang pwet ko.

" Ano pala ang iyong pangalan? " tanong ko sa kanya nang akma na syang maglalakad.

Sa totoo lang alam ko naman ang pangalan nya e dahil ako naman ang lumikha sa kanya, pero sadyang ang dami lang talagang character ng mga tagapagsilbi ang binuo ko kaya hindi ko na matandaan kung ano ang pinangalan ko sa kanya.

Namamangha nya akong tiningnan.

" Kinakausap nyo na po ako Señorita! " nakangiti nya pang sambit.

Oo nga pala nakalimutan ko rin palang likas na maldita ang character ni Sandya at matapobre kaya hindi nya kinakausap at tinatrato nang maayos ang mga tagapagsilbi nya kaya maka ilang ulit na din syang linayasan ng mga tagapagsilbi nya.

" Sanya, Sanya po ang aking pangalan Señorita ", natutuwa nya pang ani.

Nginitian ko naman sya at tinanguan, kinawit ko pa ang kamay ko sa mga braso nya at nagpa-umunang maglakad.

Halata mang nabigla sya sa ginawa ko ay ngumiti na lang din sya.

" Nagagalak po ako Señorita na hindi muna ako inaaway, sabi ko na nga ba at darating din ang araw na kakausapin mo na ko at alam ko naman pong mabuti ang inyong puso taliwas sa mga sinasabi ng kapwa kong tagapagsilbi, " muli nya pang wika at binigyan ako ng isang malapad na ngiti

Té Amo Mí Amor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon