[Chapter 9]
Parang biniyak ang ulo ko sa sakit pag-ka gising ko, nanlalabo pa ang mga mata ko, kigwa naman oh!. " Binibini, gising ka na! " biglang sigaw ni Sanya sa tabi ko, kigwa na naman! masakit na nga ulo ko sumisigaw ka pa!, di ko na lang sya sinagot o pinansin pa ang sakit-sakit talaga ng ulo ko.
Dali-dali syang lumapit sa 'kin saka inalayan akong maupo sa kama, pagkatapos ay nag-paalam, tatawagin nya raw ang Doña. Napabuntong-hininga na lang ako, akala ko ay hindi na ulit mangyayari sa 'kin ang bagay na yun, dahil ilang linggo na rin nang hindi na ako binabagabag nito, pero kahapon lang ay ayan na naman, nakakainis!hindi ko pa nga alam kung paano ako makakalabas sa mundong to, dumagdag pa ang isang yun!, hindi ko alam kung bakit paulit-ulit may isang boses na bumubulong sa 'kin, at ang malas talaga dahil nakakakilabot na nga yung bigla-bigla na lang may bumubulong, dumagdag pa yung panget na mensahe.
'magsisisi ka!'
Kinilabutan ako nang bigla ko itong maalala.
Ano ang ibig sabihin nun? Teka!may kinalaman kaya to sa notebook?
Pagkaroon ko ng idea matapos maalala ang mga nakasulat sa weird notebook ' escribir y arrepertersi ' posible nga!dahil mula nung nagsulat ako sa notebook na yun, ay sumunod ang pagkapunta ko sa loob ng kwento, at sunod naman ay ang kakaibang bulong at mensahe nito, pero hindi ko lang maintindihan kung bakit palagi akong nawawalan ng malay sa tuwing nangyayari yun.
Kaimbyerna!talaga tong buhayng to! ano ba kasing nagawa ko at ginawang kababalaghan ang buhay ko? " anak!maayos na ba ang iyong pakiramdam? ", biglang sigaw ni Doña Eliza, habang tumatakbo papunta sa kama ko, pagkarating nya ay agad nya akong niyakap, bakas na bakas sa mga mata nya ang pag-aalala at labis na pagkatuwa, kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko mabuti na lang at andyan si Doña Eliza.
" Don Epifanio?maaari nyo po bang suriin muli ang kalagayan ng aking anak? ", muling wika ni mama matapos humiwalay sa pagkakayakap sa 'kin, napatingin naman ako sa bandang kanan ko at nakita si Don Epifanio na nakatayo. Naka suot sya nang makapal na salamin at isang bonggang kulay puti na kamiso de tsino, saka pina ibabawan nya nang kulay itim na coat pang Europe.
Isa nga pala syang mahusay na doktor, na sinundan ng anak nyang si Francis kilala at tanyag ang apilyedo nila sa larangan ng medisina, maging sa Laguna, Bulakan, at kahit sa bansang Europa man ay tanyag ang apilyedong Verano sa galing nito sa pangga-gamot.
Tumango sya saka lumapit sa 'kin, kinuha nya ang stethoscope mula sa kayumanggi na maletin(maleta) na dala nya, saka ito tinutuk sa dibdib ko para pakinggan ang heartbeat ko, sunod naman ay kinapa nya ang leeg ko at gamit ang liwanag ng isang lampara ay tiningnan nya ang dila ko, bahagya akong nahiya dahil kakagising ko lang at hindi pa ako nakapag-toothbrush, baka nangangamoy kanal pa ang bibig ko!. Napayuko na lang ako pagkatapos nya akong suriin.
" Ella está bien ahora, pero aún así te daréalgo de medicina, la ayudará a dejarsu dolor de cabeza(She's fine now,but still I will give some medicine, it'll help her cease her headache) ", wikang Don Epifanio, grabe bilib talaga ako sa kanya wala akong sinabi na masakit ang ulo ko pero alam nya, mag-ama nga talaga sila ni Francis mahusay manghula. Tumango naman si mama saka nagpasalamat, nag paalam na rin si Don Epifanio na pupunta na raw sya sa sarili nyang bahay paggamutan, " Sandya anak, wala bang masakit sa iyong katawan? ", tanong ni mama saka muling bumalik sa pagkakaupo sa kama ko, umiling naman ako sa kanya bilang sagot, inabot nya ang dalawang kamay ko saka hinimas-himas ito bago mag salita, " ikaw ba ay sigurado anak?", muli nya pang tanong, tumango naman ako sa kanya saka marahang ngumiti para hindi na sya mag-alala pa, unti-unti namang humupa ang pag-aalala sa mga mata nya.
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Historical Fiction"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...