Kabanata 15:Lolo

113 11 0
                                    

[Chapter 15]

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong na pipi sa tanong ni Francis, tila naubusan ako ng mga salitang dapat sabihin. "Binibini ikaw ba ay ayos lang? ikaw ba'y nilalamig?" Muli nya pang tanong talagang hindi sya maaawat sa pagtatanong hanggat hindi ko sinasagot. Umiling ako sa kanya bago magsalita, "A-ah o-oo ayos lang ak-ko ano palang ginagawa mo rito?" Nauutal ko pang tanong sa kanya,napangisi naman sya. "Tila ikaw nga ay nilalamig pa binibini"nakangisi nyang wika,matik naman akong napailing. "Bakit nga pala gising ka pa?" Pag iiba ko ng usapan, "ikaw binibini?" Balik nyang tanong,sarap talaga nitong kausap e,gaganahan ka talagang i untog sya sa pader.

"Ikaw ang tinatanong ko sagutin mo muna" nagpipigil ng inis Kong sabi,"hindi ako makatulog binabagabag parin ako ng nangyari kanina"bigla ay seryuso nyang wika,saka ibinalik ang tingin sa buwan. "Likewise"tanging sabi ko nalang,dahil pareho rin naman kami ng iniisip yun nga lang mas madami ang akin.

"Laykways?ano ang ibig sabihin ng iyong tinuran binibini?"naguguluhang tanong nya pa, natawa naman ako ng mahina dahil sa accent nya ang baduy lang HAHAH. "Likewise,ang ibig sabihin ng salitang yan ay pareha o pareha tayo" paliwanag ko pa,Sana pala pinabaunan ko nalang ang character ni Francis ng dictionary nakakapagod ginawa pa'kong Google translate.

"Talagang hindi mo ako binibigo binibini sa iyong galing sa Pag wika ng ingles"namamangha nya pang wika. Parang ang tanga nya lang. "May naiisip ka bang dahilan tungkol sa nangyari kanina?"Pag-iiba ko nalang ng usapan,matik naman syang umiling. "Wala akong maisip binibini,ito ang unang pagkakataon na nangyari ang bagay na ito" wika nya,sabagay ito nga naman dahil never ko namang isinulat na pinana ang kabayo nya.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala paring nagsasalita ni Isa sa'min,tahimik lang kami mula nung hindi ko sinagot ang sinabi nya. At mukhang malalim din naman ang iniisip nya, kung ako siguro ang buwan ay magtatago na ako at tatakpan ang mukha ko dahil sa mariing pagkakatitig ni Francis dito.

Hindi ko nalang sya pinansin,at nag isip nalang din ng mga bagay at paraan. Agad akong napalingon sa kanya ng maalala ko ang isang bagay. "Ah Francis bakit nga ba parang konektado yung librong inirekomenda mo sa obrang na nadaanan natin kanina sa pasilyo,ganun na ganun yung panimula ng libro e."napalingon naman sya sa'kin ng hindi man lang nagbabago ang reaksyon sa mga mata nya,malalam parin ito at puno ng awtoridad.

"Ang pintor ng obrang iyon at ang sumulat ng librong iyon ay iisa"aniya habang pinaglalaruan ang maliit na sanga ng kahoy sa kamay nya,na hindi ko alam kung saan nya nakuha. Napatango tango naman ako,"ganun ba? ang lungkot naman pala ng nangyari sa kanya" nalulungkot Kong wika,"syang tunay sya ang aking lolo sa talampakan"wika nya nagulat naman ako sa sinabi nya,anong lolo sa talampakan? ba't may lolo sya eh hindi ko naman iyon isinulat,ni hindi ko nga isinama ang family history nila.

"Pakiulit nga ng sinabi mo"naka dikit ang dalawang kilay Kong wika,tumango naman sya saka ibinalik ang tingin sa buwan. "Sya si Francisco de León ang lolo ko sa talampakan,Isa syang huwarang heneral ng taong 1564,kilala din sya sa husay nyang makipaglaban,marami syang nahuli at napaslang na mga indyo, na naging dahilan sa paghihiganti ng mga ito. María Salya ang pangalan ng kanyang iniibig,anak na babae ng isang gobernadorcillo masaya ang Pag-iibigan nila hanggang sa isang araw,habang tinatanaw nya si Salyá na pinaglalaruan ang mga kumpol ng dahon ng Narra,ay bigla na lamang itong tinamaan ng boga,na syang dahilan sa pagkasawi nito. Labis ang pag damdam nya sa nangyaring iyon,kaya tinugis nya ang mga rebeldeng pakana niyon,nagtagumpay naman sya sa ginawa nya nahuli at napaslang nya ang mga ito. Hanggang sa pagkabalik nya sa bayan, ay agad nyang isinulat ang sturya ng kanilang pag-iibigan pinamagatan nya itong detras de El Verano,na ang ibig sabihin ay sa likod ng tag-araw,ito ang napili nyang pamagat dahil ito ang panahon na pinaka gusto nya,ngunit sa mismo ding panahong ito ay nangyari ang pinakamasakit nyang ala ala, pinalimbag nya upang magsilbing aral sa mga mambabasa,I pininta nya upang pagaanin ang kanyang kalooban, ngunit dahil sa mismong librong iyon ay lalo lamang nagalit ang mga kastila sa mga indyo na syang naging dahilan sa pagiging malupit pa nito lalo sa kanila ." Mahaba nya pang litanya,ang weird talaga nito ni Francis,pinaulit lang ang sinabi nag kwento na.

Té Amo Mí Amor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon