[Chapter 3]
Alas-sienco pa lang ng umaga, ngunit heto kami ni Leica at naglalakad na sa hallway ng apartment namin papuntang trabaho. Maaga kaming papasok ngayon dahil may kailangan pa akong tapusin sa opisina.
“ Mga hija alam nyo ba ang daan papunta sa tinitirhan kong unit? ”, tanong ni lola Marcosa sa ‘min ni Leica.
Matanda na sya at nasa edad 80 na, hirap na rin syang maglakad kaya palagi nyang dala ang baston nya o tungkod at ulyanin na din sya, madalas talaga syang lumalabas sa unit nila kapag hindi sya nababantayan nang private nurse nya kaya palagi syang naliligaw at nakakalimutan ang daan pabalik sa unit nya.
Tumango kami ni Leica at ngumiti sabay alalay kay lola papunta sa unit nito, na isang unit lang naman ang pagitan mula sa kinatatayuan namin ngayon.
Agad syang sinalubong ng babae nyang nurse pagkabukas ng pinto, hindi ko tuloy mapigilang maawa kay lola matanda na ito at walang ibang nag aalaga sa kanya kundi ang nurse nya, minsan lang din dumalaw ang mga anak nya, na syang dapat mag-alaga sa mama nila ngunit ipinapasa nila ang responsibilidad nila sa iba.
Nakakalungkot talagang isipin na kapag naging matanda na ang isang magulang ay basta-basta nalang itong pinapa-alagaan sa ibang tao,hindi ba dapat kailangan mong sulitin ang mga panahon na yun bilang anak?
Dahil yun na ang time na makakabawi ka sa lahat ng paga-aruga na binigay sayo nang iyong ina. Pero bakit tila nakakalimutan nila ito? naging focus sila sa sarili nilang mga pamilya at hindi na nga nila na bibigyan ng oras si lola Marcosa, nakalimutan nilang iparamdam dito ang pagmamahal ng isang anak.
Napailing na lang ako sa lungkot na nararamdaman ko, kung buhay siguro ngayon ang mga magulang ko ay nasa edad 64 na sila pareho, at siguradong inaalagaan ko na sila ngayon sayang nga lang dahil wala na sila, hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon na maibalik sa kanila ang pagmamahal at paga-aruga nila sa 'kin.
Nakakainggit tuloy yung mga anak ni lola Marcosa dahil nabigyan pa sila ng pagkakataon na ibalik ang pagmamahal at paga-aruga ng mama nila, yun nga lang hindi nila pinahalagahan.
“ San, kamusta nga pala yung dinner nyo ni Mark kagabi?mag-update ka naman oh ”, biglang tanong sa 'kin ni Leica habang pinipindot ang button ng elevator.
Napapikit na lang ako sa hiya, bakit nya pa ba kasi pinaalala, nakakainis naman oh!.
“ Hoy Sa! nayy..ano?nag confess naba? ”, muli nya pang tanong gusto ko sana syang sagutin na ‘oo at gusto nya pa akong ligawan’ kaso aasarin nya naman ako nang to the max, at itutukso kay mark.
“ Hoy Sa, may problema ka ba? ”, muling tanong ni Leica sa 'kin dahilan para mabalik ang diwa ko, kanina pa pala kami nakarating sa ground floor.
Napailing na lang ako at saka marahang ngumiti.
“ Wala naisip ko lang ang kalagayan ni lola Marcosa, nakaka-awa sya, ” palusot ko sa kanya, hindi naman siguro ako nagsinungaling 'diba?dahil kahit papano ay totoo namang iniisip ko kanina si lola at naaawa ako dito.
“ Oo nga eh, pero Sa balik tayo sa topic kamusta pala yung dinner nyo kagabi ni Mark?ano nag confess naba sya? ” napabuntong hininga na lang ako, matapos muli syang magtanong.
Kahit kailan talaga hindi ako nito titigilan hanggang hindi nakakakuha ng sagot.
“ Ano?anong confess pinagsasabi mo?kahit kailan talaga exaggerated ka, kumain lang kami sa tapsilogan, ” pagsisinungaling ko sa kanya.
Ayaw ko sanang mag sinungaling dahil kaibigan ko naman sya, kaya lang hindi pa talaga ako handang maging tampulan ng tukso at panga-asar ni Leica.
Napatango naman sya mukhang kumbinsido sya.
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Historical Fiction"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...