( I love you )
Maaari nga bang maglaho ang pagmamahal? O sadyang muli lamang kinilala ng aking puso ang syang tunay kong iniibig.
Hindi ko inaasahang makita ang iyong mala-tsokolateng mga mata sa kuwadra ng mga kabayo.
Nakayuko ka roon sa likod ng isang haligi na wari bang pinagtataguan mo ako.
Tila may isang kung anong kiliti ang dumaloy sa aking katawan sa sandaling nagtama ang ating mga mata. Hindi kita kilala ngunit batid kong ikaw ang anak ng Heneral na noon ay kausap ng aking ama.
Hanggang sa tuluyan na ngang pinaglapit ang ating mga landas mula nang pangyayaring iyon. Hindi ko mawari kung bakit, ngunit ibig kitang palaging masilayan kaya't lihim kitang sinusundan sa tuwing ika'y lumalabas.
Naalala ko pa ang ningning sa iyong mga mata noong makita mo ang isang tindahan ng aklat.
Noon ay hindi ko maintindihan kung ano ang iyong mga tinuturan naghahanap ka ng isang librong tungkol sa pangkukulam kahit pa alam mong ito'y ikakapahamak mo. Sariwa pa sa aking ala-ala ang lungkot sa iyong mga mata matapos malamang walang ganoong libro.
Nakakatawa kung paano umaawang ang iyong mga labi sa tuwing ika'y humahanga sa maliliit na bagay.
At kung gaano mo ako sungitan noon, maging ang pag-arko ng iyong mga kilay at ang iyong pag-irap sa kawalan.
Hanggang ngayon ay naalala ko pa ang bawat nota ng kantang iyong kinanta. May halo mang lungkot ang liriko nun ngunit ang iyong mala-anghel na tinig ang nagbibigay galak sa aking puso.
Hindi kabilang sa hinuha ko ang lalong mapalapit sa iyo. Tila habang tumatagal ay unti-unti hanggang sa tuluyan na ngang nabaling ang aking atensyon sa iyong mala-lupang mga mata. Na kay sarap pagmasdan katulad ng liwanag ng buwan.
Kasabay nang pag-ayampyas nang kalmadong alon sa dalampasigan, ay ang pag-alon ng pagsinta ko para sa isang binibining, may mga matang kasingganda ng liwanag ng buwan nang hindi ko namamalayan.
Marahil ay totoo nga ang sinasabi ng karamihan, walang wasto o hindi pagdating sa pag-ibig. Oo nga't ako'y nakatakda ng matali sa isang binibini, ngunit bakit hindi ko pa rin mapigil ang puso kong palaging nagnanais na masilayan ang iyong kagandahan?.
Sa unang pagkakataon na naglapat ang ating mga labi, ay kakaibang galak ang naramdaman ko sa aking puso. Na para bang narating ko na ang rurok ng kasiyahan sa sandaling iyon. Hindi ko inaasahang ang isang binibining may kasingganda ng liwanag ng buwan ay iibigin pabalik ang isang katulad ko.
Galak. Iyon lamang ang tanging bagay na nararamdaman ko sa tuwing ika'y aking kapiling mahal ko. Kahit pa sa sandaling nabatid ko na ang mundong kinabibilangan ko, ay isa lamang pa lang bahagi ng iyong imahinasyon. At isa lamang nobela ng muling pagkasulat ng nakaraan.
Sinubukan kong labanan ang muling pagka-ulit nang mga pangyayari ng nakaraan. Sinubukan kong bigyan ng isang magandang katapusan ang ating pag-iibigan.
Ngunit nabigo pa rin ako dahil hindi ko nabatid ang iyong tuluyang pagsuko.
Marahil ay hindi sa magandang wakas nagtatapos ang lahat ng kuwento ng pag-iibigan. Dahil kahit muli mang isulat ang nakaraan, kung ang tadhana ang katunggali ay hindi pa rin ito mananaig.
Ang makita ang iyong luhaang mga mata, na hanggang ngayon ay aking hinahangaan dahil sa taglay nitong kagandahan, ay parang sinasaksak ng libong palaso ang aking puso.
Madalas kong makita ang mga ngiti sa iyong mga mata na lumalandas sa iyong mga labi. Ngunit ngayon ay napalitan na ito ng luha na lumalandas sa iyong mga pisngi.
Sa huling pagkakataon ay nais kong muling maramdaman ang alon nang galak sa aking puso sa tuwing nagdadaop ang ating mga labi.
" Te amo mi amor Salyá, " ang huling salitang binitiwan ko sa iyo.
Napangiti ako sa iyong huling sinabi.
" Yo también te quiero... Apollo Francisco... " ( I love you too)
Paalam mahal ko, nawa'y sa muling pagkasulat ng ating pag-iibigan ay nawa'y makamit natin ang walang hanggang kaligayahan sa ating mga puso habang kapiling ang isa't-isa. Hihintayin kita mahal ko, hanggang sa tuluyang maglaho ang liwanag ng buwan, at hanggang sa tuluyang matuyo ang lahat ng tubig sa karagatan.
Adios mi amor....
( Farewell my love )
Ito po ang buod ng P.O.V ni Francis ngunit hindi rito nagtatapos ang kabanata ng nobela. Ang susunod na kabanata ay sya nang ikalawa mula sa kahuli-hulihang kabanata. Kaya't abangan, salamat sa pagbabasa! :›
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Historical Fiction"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...