[ Chapter 35 ]
Sa isang mundong binuo ng imahinasyon, may imposible pa ba?
Kung nakatadhana nga ang lahat ng ito na mangyari, nakalaan na rin ba ang wakas? Isang pag-iibigan sa nakaraan, ang muling naisulat sa kasalukuyan, ngunit ang mga hadlang ay walang katapusan.
" Sansa... " Napukaw ang atensyon ko sa pamilyar na tinig.
Nilingon ko ang likuran ko, kung saan nanggaling ang tinig. At hindi nga ako nagkamali sa hula ko.
" Bakit ka pa nabuhay?, " Sarkastiko nya pang tanong, binigyan ko lang din naman sya ng isang ngisi na puno ng sarkasmo.
" Baka nakalimutan mong, nasa loob tayo ng nobelang isinulat ko, hindi ako pumapatay ng karakter kahit kontrabida pa man, " makahulugan kong wika sa kanya. Ngumisi naman sya sa sinabi ko.
Isang silya lang ang nasa pagitan namin, pero pabulong pa rin ang pag-uusap namin. Parehong nag-iingat na hindi marinig ng mga katabi at mga taong nakaupo malapit sa 'min ang mga pinag-uusapan namin.
" Baka iyo ring nakaligtaan na ako ang may-ari ng talaarawang iyong sinulatan, kaya't ako ang may kontrol sa lahat nang pangyayari sa nobelang ito, " sarkastiko nyang sagot. Sandali naman akong napa-isip, kung sya nga ng may kontrol sa mga pangyayari sa nobelang ito bakit hinayaan nya 'kong makatakas? At bakit?
" Kung gayon ay bakit hindi mo ma-kontrol ang tibok ng kanyang puso?, " Banat ko sa kanya. Gusto kong matawa sa reaksyon nya na para bang umuusok na ang ilong sa inis.
" Bakit hindi ka pa mamatay?, " Panunungayaw nya pa sa 'kin. Gusto ko na namang matawa dahil sa galit at pagkagigil sa boses nya.
" Ano ang iyong akala? Hahayaan kitang magtagumpay sa iyong mga plano?, " Nakangisi kong sagot sa kanya. Inaasar.
Hindi ko inaakalang aabot kami sa ganito, na kung noon ay panay ang tawa at usap namin ngayon ay para bang hinihiling na namin ang kamatayan ng isa.
" Ngunit matatali ka rin naman, kaya't hindi rin kayo magiging masaya ni Francis. Subukan mong tumakas sa inyong pag-iisang dibdib ni Hastin Sansa at titiyakin kong gagapang ka sa aking mga paa, " banta nya pa sa 'kin. Sasagot pa sana ako kaya lang nakabalik na si mama galing sa pangungumpisal.
" Sa kahuli-hulihang patak ng tinta ay apat na salita ang muling babakas sa maduming papel na tadhana "
Bigla kong naalala ang sinabi nung lola sa panaginip ko. Nakalimutan ko ito dahil sa labis na pag-aalala kay Francis. Pero ano nga ba ang ibig-sabihin niyon?
Apat na salita...
Apat na salita ang wawakas sa nobelang ito. Ngunit ano iyon? Alam kong iyon nga ang isinulat ko bilang wakas sa nobelang nilikha ko, ngunit hindi ko maalala kung ano nga ba iyon!
Manila, Disyembre 17, 1898.
Madilim ang kalangitan, na para bang nakikiramay ito sa kapighatian na nararamdaman ko ngayon.
Panay din ang pagbagsak ng tubig ulan, na para bang dinadamayan nito ang mga luha kong walang tigil din sa pagbagsak ngayon.
Nakayakap lang ako sa dalawang tuhod ko, habang tinatanaw ang madilim na kalangitan. Ang tunog ng kulog na tila ba isang bangungot sa tenga ko. Kahit pa natatalsikan na ako ng tubig ulan dahil nakapatong lang ako sa bintana ko, ay wala na akong pakialam dito.
Hindi ko inaakalang ang ulan pa rin ang magsisilbing saksi, sa lahat nang kasawian sa buhay ko. Ito ang naging saksi sa pagkawala ng totoong mga magulang ko, at ngayon ay it rin ang saksi sa pagkatalo ko sa laro ng pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Historical Fiction"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...