[Chapter 7]
" Bakit po binibini? ", tanong ni Sanya hindi ko man lang namalayang nakatitig na pala ako sa kanya, " ah w-wala ", nauutal ko pang sagot sa kanya, hayst bakit ba kasi nau-utal ka pa Sansa masyado kang obvious.
" Tayo na po binibini at malalim na ang gabi, ihahatid ko na po kayo sa inyong silid, " yaya nya sa 'kin at naunang tumayo.
Tumango na lang din ako sa kanya mukhang wala naman siguro syang nalalaman, pero kailangan ko pa rin syang bantayan.
" Nawa'y makatulog kayo nang maayos binibini, " wika nya pa matapos nya akong mahatid sa kwarto ko, ba't parang ang weird nya?
" Ah ikaw rin Sanya sige good night, " naiilang kong sagot sa kanya.
Bahagya pang napatagilid ang ulo nya na para bang inuunawa ang huling salitang sinabi ko, magsasalita pa sana ako kaso naunahan nya na ako.
" Kayo'y mag-iingat binibini, " magalang nyang tugon bigla naman akong na goosebumps.
Ano ang ibig nyang sabihin? posible kayang may alam talaga sya?.
Tatawagin ko pa Sana sya para tanungin kung ano ang ibig nyang sabihin kaso nagpatuloy na sya sa paglalakad.
Hindi pa man sumisikat ang araw ay niyaya na ako ni mama o Doña Eliza na mamalengke, excited naman akong sumampa sa kalesa.
Dalawang kilometro rin ang naging byahe namin bago kami nakarating.
Namamangha kong tinitingnan ang mga nakahilerang paninda sa pamilihan, habang abala naman ngayon sa pagkikilatis nang gulay at prutas na bibilhin si mama.
Iniabot ko sa kanya ang isang buo na Watermelon napangiti naman sya dahil maayos ang pagkakapili ko.
Sunod ay inabot ko naman sa kanya ang sakto sa lutong na Saging tinaggap nya naman iyon at muling napangiti.
" Tila ikaw ay bihasa sa pamimili ng prutas aking anak, " malambing nya pang saad napangiti naman ako.
Ang sarap talaga sa pakiramdam na tinatawag kang anak ng iyong ina o kahit ibang tao man.
" Nasanay lang po mama, " sagot ko sa kanya, ngumiti naman sya saka ibinalik ang atensyon sa mga tinda.
Inikot ko naman ang paningin ko sa paligid, at halos magliwanag ang mata ko sa nakita ko isang book store!
At dahil miss ko nang magsulat at magbasa ay, nagpaalam ako saglit kay mama na pupunta sa tindahan ng mga aklat, pumayag naman sya at sinabihan akong dun na lang daw nya ako dadaanan binigyan nya pa ako ng pera pambili.
Ngunit nang buksan ko ang palad ko para bilangin ang binigay nya ay para akong matatae na ano, 7 pesos! 7 pesos lang ang binigay nya!,
Makakabili kaya ako nito ng notebook, ballpen at libro?e chichirya sa kanto lang ang nabibili ko rito sa modern world.
Ipinagkatiwala ko na kay Batman ang mga hinuha ko at nilakasan ang loob na pumasok sa loob ng book store.
Pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na sa 'kin ang nagtataasang cabinet ng libro, napanganga pa ako.
Hindi ko inaasahang ganito pala karami ang tinda nilang libro.
" S-señorita Sandya kayo po ba ay may kailangan? " Tila natatakot na wika ng isang babaeng may katandaan na.
Sa tingin ko ay mukhang sya ang may-ari ng tindahang 'to.
Ngumiti naman ako sa kanya saka lumapit at nagsalita.
" Ahm ale, may libro po ba kayo tungkol sa mga witchcrafts? " tanong ko sa kanya nagitla pa sya sa tanong ko pero nanatili lang syang naka tungo.
" Paumanhin Señorita ngunit hindi ko maunawaan ang salitang iyong tinuran, " magalang, at tila natatakot pa rin nitong sabi, na para bang kapag nagkamali sya sa sagot nya ay babatukan ko sya, napailing na lang ako sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Historical Fiction"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...