[ Chapter 33 ]
" Isa man akong karakter, gawa man ako sa salita at tinta, ngunit ang pagmamahal na inaalay ko sa iyo sinta, ay tunay at hindi kayang bigkasin ng salita, " wika nya matapos maghiwalay ang mga labi namin. Napangiti naman ako sa sinabi nya. Muli nyang inilapat ang labi nya sa labi ko.
Natapos ang matamis na sandaling iyon. Nakangiti naming pinagmasdan ang repleksyon ng buwan sa payapang tubig. Nakasandal ako sa balikat nya habang nakayapos naman ang isa nyang kamay sa balikat ko. Maya-maya lang ay bigla nyang tinanggal ang kamay nya mula sa pagkakayapos sa 'kin, saka kinuha ang gitara at nagsimulang kaskasin ito na sinabayan nya ng pagkanta.
~Ikaw ang marilag na nagbibigay kulay sa kalangitan
Ang mahinahong alon sa kulay asul na dalampasigan
Ang alitaptap na nagbibigay liwanag sa kadiliman
At ang binibining aking napupusuan..Sa unang saknong pa man lang ng kanta ay parang nahulog na ang atay ko. Idagdag pa ang malamig at napakaganda nyang boses, na parang hinahaplos ang puso ko. Tumingin sya sa 'kin nang nakangiti habang pinagpapatuloy ang pagkanta nya.
~Halika't samahan mo 'kong iguhit sa mga bituin
Ang aking mga ngiti sa tuwing ika'y kapiling
Binibini, kong sinisinta
Pagmasdan mo ang buwan at damhin ang dulot mong ligaya...Napangiti ako sa kanya, ang kantang iyon.. hindi ko pa iyon narinig sa tanang buhay ko. Mahilig ako sa mga luma at mga kundiman na mga kanta, at halos lahat na ata ay napakinggan ko na. Kaya nakakapagtaka na bago iyon sa pandinig ko. Pero ito na ata ang pinakamagandang kundiman na narinig ko lalo na't, ang taong mahal ko ang unang nagparinig sa 'kin nito.
Nagpatuloy ang pagkanta nya, isinandal ko namang muli ang ulo ko sa mga balikat nya, habang seryusong pinapakinggan ang boses at pagkanta nya. Hanggang sa huling liriko ng kanta ay matamis pa rin ang ngiti nya, saka hinalikan ang noo ko.
" Iyo bang na-ibigan binibini?, " Wika nya tumango naman ako saka ngumiti nang malapad.
" Matagal ko nang binuo ang kantang iyon, simula noong aking mapagtanto ang tunay kong nararamdaman para sa iyo, " dagdag nya, na lalong nagpalapad sa mga ngiti ko. Tiyak kong kumikinang ang mga mata ko ngayon dahil sa labis na paghanga habang tinitingnan sya.
Sinong mag-aakalang iisa ang aming nararamdaman?
Muli kong binalikan ang mga pagkakataon na kung saan ay naiinis pa 'ko sa kanya. Naroon iyong dahil sa panay na pagsulpot nya na parang isang kabute. Naroon naman iyong dahil sa mga pagngiti at pagtingin nya sa 'kin na nagpapabilis nang tibok ng puso ko. Parang isang panaginip lang sa 'kin ang lahat ng 'to, ang bilis ng mga pangyayari. Sa tagal kong pilit na pinaniwala ang sarili ko sa isang kasinungalingan ay lalabas at lalabas pa rin pala ang katotohanan at iyon ay ang...
Nahulog na nga ako sa kanya...
Ilang minuto kaming naging tahimik, pinagmamasdan lang namin ang buwan, at dinadama ang malamig na ihip ng hangin sa payapang tubig. Ngunit kahit ganoon ay hindi ako nakaramdam ng ilang dahil wari'y kahit hindi kami nag-uusap ay nakakaintindihan at nag-uusap pa rin kami sa pamamagitan ng sabay at tugmang pintig ng mga puso namin.
Napatitig naman ako sa gitarang nasa tabi nya. Bukod sa pagsusulat at pagkakarate ay hilig ko rin ang musika. Tahimik at maingat ko itong kinuha ng hindi nya namamalayan, pero alam kong napansin nya naman yun.
Sinimulan kong kaskasin kuwerdas nito, agad naman syang napatingin sa 'kin. Pero ibinaling ko lang ang tingin ko sa maliwanag na buwan.
~ Para kang asukal,
Sing tamis mong magmahal
Para kang pintura,
Buhay ko'y ikaw ang nagpinta
Para kang unan,
Pinapa-init mo ang aking tyan...
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Historical Fiction"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...