I.
Ikaw ang marilag na nagbibigay kulay sa kalangitan
Ang mahinahong alon sa kulay asul na dalampasigan
Ang alitaptap na nagbibigay liwanag sa kadiliman
At ang binibining aking napupusuan..II.
Halika't samahan mo 'kong iguhit sa mga bituin
Ang aking mga ngiti sa tuwing ika'y kapiling
Binibini, kong sinisinta
Pagmasdan mo ang buwan at damhin ang dulot mong ligaya...Koro.
Sa 'yo lamang titingala
Aabutin ang rurok ng iyong mga mata
Pakinggan mo ang pintig ng aking puso
Sing liwanag ng buwan ang pag-ibig ko sa iyo
Sa 'yo lamang titibok ang puso ko
O binibini kong sinisinta, ikaw ang aking buwan...III.
Hayaan mong ibulong sa iyo ng hangin
Ang mga salitang nais kong sabihin
Ikaw ang aking tubig at apoy
Ang ilog ng pag-ibig kong dumadaloyIV.
Halika't sumandal sa aking kandungan
Sabay nating pagmasdan ang liwanag ng buwan
Sumabay sa agos ng pag-ibig
Damhin ang bawat pintig..
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Historical Fiction"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...