Kabanata 14:' Painting'

122 7 0
                                    

[Chapter 14]

Pala isipan parin sa'kin ang mga nangyari ilang minuto lang ang lumipas. Mula nung biglang tumigil ang kabayo,at sa nalaman Kong pinana ito. Labis naman ang pag-aalala ni Francis kaya minabuti nyang huwag daw muna kaming mag patuloy sa paglalakbay at sumilong muna. At kahit sa gitna ng kamalasan naming ito ay dinalaw parin naman kami ng swerte, ng eksaktong sa isang bahay panuluyan,o motel huminto ang kalesa.

Nag umpisa na kaming mag lakad,napapagitnaan kaming dalawa ni Sansa 2 ni Francis at mang Carlos na para bang body guard namin sila at obligasyon nilang protektahan kami. Nang makarating sa bungad ng panuluyan ay sinalubong kami ng isang medyo may katandaan ng lalaki. Naka suot ito ng isang pangtulog pang Europa at nababakas naman sa hitsura nito na may dugo itong kastila.

"Buenas noches Señor,Señorita como puede ayudarte(good evening señor, Señorita how may I help you?"pambungad nitong tanong saka bahagyang yumuko. "Kayo po ba ay may dalawa pang bakanteng silid?"tanong naman ni Francis pabalik,"pasensya na señor ngunit iisa na lamang ang bakante,ang ibang silid ay okupado na"magalang nitong sagot. Liningon naman kami ni Francis na may magtatanong na tingin,"Sa Inyo ba ay ayos lamang mga binibini?na tayo'y magsalo sa iisang silid?"tanong nya,awtomatiko naman akong napailing ngunit kasalungat ang naging sagot ni Sansa 2.

"Iyon ay ayos lamang sa'kin Ginoo,sapagkat wala naman tayong maaaring magawa pa iisang silid na lamang ang bakante"wika pa ni Sansa 2,sinabayan nya pa ng paliwanag na feeling ko ay sinadya nya para paringgan ako,well wala na nga naman akong magagawa,kaya tumango nalang ako bilang Pag sang ayon ng sumulyap sa'kin si Francis na para bang inaantay ang pagbabago ng decision ko.

"Amin na pong kukunin,magkano ba ang iyong singil?"muling tanong ni Francis dun sa motel granny,"dalawang piso lasa isang tao lamang señor"magalang parin nitong sagot. Gusto Kong tumalon at magwala sa tuwa dahil sa narinig ko. Seryuso nga talaga na ang baba pa ng value ng pera sa panahong to,dahil kung nasa modern world kami ay baka tig t-three thousand pa ang isang gabing pamamalagi namin.

Kinapa ko naman ang bulsa ko para maghanap ng barya,Pero mukhang kakambal ko talaga ang malas ngayon dahil kahit sentimo ay wala ako. "Heto"wikang Francis sabay abot ng bayad dun sa motel granny,tiningnan ko naman so Sansa 2 na para bang sa pamamagitan nito ay tinatanong ko kung magpapalibre ba sya. At mukhang na gets nya naman dahil nag kibit balikat lang sya bago nag salita,"likas na ang pagiging maginoo ni Francis,at may sarili syang prinsipyo,kaya iyo na lamang hayaan Señorita Sandya,nasanay narin lang naman ako sa kanya"wika nya pa.

Gusto ko sana syang sagutin na oo alam ko dahil ako ang gumawa ng personality nya, at isa pa hindi yan ang gusto Kong tanungin,dahil gusto ko lang namang tanungin kung ganyan na ba talaga kakapal ang mukha mo para mag palibre pa. Pero sa huli ay wala ni isa rin sa mga ito ang isinatinig ko,tumango nalang ako sa kanya bilang Pag-sang ayon,saka tahimik na naglakad pasunod sa kanila ng nagsimula na nilang ihakbang ang paa nila.

Nasa hallway pa lang man kami ng motel,ay hindi ko na maiwasang mamangha habang tintingnan ang bawat sulok nito. Spanish na Spanish ang awra ng motel,hindi man ito gawa sa konkretong semento ay halata parin ang tibay nito dahil sa naglalakihan at matitigas nitong haligi. Two storey ito at gawa sa matibay na kahoy,may mga obra pang nakasabit sa mga dingding na sobrang nakakahalina. Kaya tumigil muna ako sandali at isa isa itong tiningnan,may painting na kung saan ay makikita ang magandang baybayin ng Manila bay na niyakap ng kulay ng sunset. May roon ding isang painting na makikita ang mga lalaking nakasakay sa kanya kanyang kabayo habang itinataas isa isa ang espadang hawak nila.

Iba't iba at lahat ay magaganda ang mga paintings, makikita mo talaga ang husay ng mga pintor nama'y likha nito. kapansin pansin naman ang pagiging hilig nito sa nature dahil karamihan ng obra nya ay kalikasan ang larawan. Pero isang painting ang syang pumukaw ng atensyon ko, napakaganda ng pagka pinta nito na aakalin mong pinicturan lang ang isang lalaking naka suot ng damit pang Europa habang,nakaluhod sa gitna ng makakapal na tumpok na dahon ng Narra,habang yakap yakap ang isang duguan na babae. Umiiyak sya at kitang kita sa mga mata nya ang labis na lungkot at sakit.

Té Amo Mí Amor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon