[Chapter 24]
Para akong napipi at hindi makapagsalita, tila naubusan ako bigla ng mga sasabihin. Tinitigan nya 'ko sa mga mata, pulido at ni hindi man lang kumukurap. Parang nanghina ang tuhod ko, hindi ko alam kung bakit, dahil ba ito sa paraan ng pagtingin nya?o dahil ito sa interpretasyon kong nagseselos sya?.
Alam kong mali at hindi tama ang bigyan ng ibang kahulugan ang kaswal nyang salita, ngunit hindi ko masisisi ang utak ko matapos ko ba namang marinig mula sa kanya ang mga banat na.
“ Singganda ng buwan ang iyong mga mata ”
“ Simpula ng Rosas ang iyong mga labi ”
Lalo tuloy'ng nanghina ang tuhod ko, at sa ngayon ay alam kong dahil na ito sa nakakahalina nyang kayumangging mga mata.
Natinag lamang ako sa mga iniisip ko matapos syang tumalikod ng walang pasabi, naguguluhan at nakataas ang dalawang kilay kong sinundan sya ng tingin. Nakapangalumbaba lang ang dalawa nyang balikat na tila walang buhay, habang nanatili namang nakasiksik ang dalaw nyang kamay sa bulsa ng slock nya.
" Binibini ano ang nangyari? ", ang tinig ni Sanya ang syang nakapukaw sa 'kin mula sa mga pag-iisip ko. Umikot ako at bumaling sa kanya ng tingin, napakibit-balikat na lang ako sa kanya dahil kahit ako ay hindi alam ang sagot sa tanong nya.
Weird.
Nag-iindakan sa saliw ng musika ang karamihan ng mga tao, habang ang iba naman ay nakaupo lang sa mga hinandang mesa at nakikipag-usap sa kapwa nila Kastila, habang tumatawa paminsan-minsan. Tagumpay na naidaos ang kainan at ang mga dekorasyon sa kaarawan ni tiyo Simon at mukhang halos lahat ng mga bisita ay nasisiyahan sa naturang pagdiriwang.
Malaya kong tinatanaw mula rito ang sumasayaw na si Sansa 2 kasama si Francis. Si Francis na nagpagulo sa isipan ko at naging dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi. Kailan lang ay umakto sya na parang nagseselos tapos ngayon ay ayun na sya at parang nakalimot na dahil sa ngiting taglay kasama si Sansa 2.
" Maaari ko bang maisayaw ka marilag kong liyag ", biglang wika ni Hastin, sabay lahad ng kamay nya sa harapan ko at bahagya pa syang nakayuko na para bang isa syang prinsipe na humihingi ng permiso sa isang prinsesa. Hindi ko masyadong maunawaan ang huling salita na binitawan nya kaya napakunot ako ng noo, at mukhang napansin naman nya iyon.
" Ang ibig kong sabihin ay maari ba kitang maisayaw marilag na binibini? ", Pag-uulit nya, inosente na lang din akong tumango sa kanya.
Kalauna'y matapos ang isang sayaw, ay hindi na ako nag-atubili pang lumabas na sa bahay, iniwan ko na lang din si Sanya kasama nila Hastin at Anel.
Nagsimula akong maglakad papalabas, hindi na rin ako nagpaalam pa kay mama dahil baka pasamahan nya na naman ako ng isang gwardya personal para maging bantay, at ayaw kong mangyari yun. Mukhang alas dos pa lang ng hapon kung pagbabasehan ko ang estado ng araw, pero kahit ganun man ay hindi mo mararamdaman ang init sa oras na ito, hindi katulad sa modernong Pilipinas na kung saan, kahit alas dyes pa lang ng umaga ay para ka ng piniprito dahil sa init.
Nagtungo ako sa isang puno na natanaw ko sa 'di kalayuan, isa itong malaking puno ng Acacia, mahahaba at malalaki ang mga sanga nito, perpekto para maging tambayan. Gaya ng palagi kong ginagawa ay umupo ako at sumandal sa malaking puno ng kahoy.
Mula rito ay malaya kong tinatanaw ang mga tao sa labas ng mansyon na hanggang ngayon ay kumakain pa rin, marahil ang iba sa kanila ay kakadating lang. Nakasuot sila ng makukupas na baro at saya, at kamiso at slak —marahil ay iyon na ang pinakadesente at pinakamaganda nilang damit, para sa mga tulad nilang kapwa ko Pilipino na hindi pinalad na maging marangya sa buhay.
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Historical Fiction"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...