Kabanata 29: Tali

82 5 0
                                    

[Chapter 29]

" Ang aking akala'y tuluyan ng bibigay ang bulaklak sa mungkahi ng isang bubuyog, " aniya, ngayon alam ko na kung ano ang namana nya sa lolo nya sa talampakan, at iyon ay ang pagiging makata.

" Salamat sa bulaklak, " tanging tugon ko na lang, habang pinagmamasdan ko ang kulay dilaw na Mirasol. Napakaganda!

" Iyo bang na-ibigan binibini?, " Muling tanong nya, tumango lang naman ako sa kanya bilang sagot.

" Halika tumuloy ka muna, " anyaya ko na lang sa kanya, matapos mapagtanto na ilang minuto na rin pala kaming nakatayo malapit sa tarangkahan, nakatingin na rin sa 'min ang mga gwardya personal na nagbabantay dito.

" Paumanhin ngunit ako'y may kailangan pang asikasuhin na pasyente sa bahay pagamutan, dumaan lamang ako rito saglit upang masilayan ang iyong kagandahan, at upang humingi ng paumanhin ukol sa mapusok kong naga—, " agad ko nang pinutol ang sasabihin nya, nahihiya akong ungkatin ang bagay na iyon, dahil nagdudulot ito ng ilang sa pakiramdam ko at sya ngang nararamdaman ko ngayon.

" P-paumanhin, " wika nya matapos mapansin na hindi ako komportable na pag-usapan ang ukol sa nangyari kahapon. Tumango na lang ako sa kanya nang hindi pa rin sya tinitingnan.

" Ika'y aking susunduin bukas ng hapon sa inyong tahanan, nais kitang imbitahan lumabas may nais akong ipakita sa iyo binibini, kung iyon ay ayos lamang sa iyo, " wika nya, sumilay naman ang ngiti sa labi ko ngunit pilit ko itong pinipigilan.

" Maghihintay ako rito, " wika ko habang pinipigilan pa rin ang pagngiti ko. Muli nyang itinapat ang sumbrero nya sa dibdib nya bilang paalam, tumango lang naman ako sa kanya. Ngunit bago pa man sya makahakbang ay narinig ko nang magsalita si mama, mula sa pangunahing pasukan ng bahay.

" Sandya, " mahinahon ang pagtawag nya, ngunit naroon ang awtoridad nito.

" Magandang umaga po Doña Eliza, " agad na bati sa kanya ni Francis, saka muling itinapat ang sumbrero nya sa dibdib bilang paggalang.

" Magandang umaga rin sa iyo ginoo, " magalang na tugon ni mama, ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pagtaas ng isang kilay nya na wari bang sinusuri ang itsura ni Francis.

" Napadaan lang po ako upang sabihin kay binibining Sandya ang kalagayan ng aleng kanyang idinulog kahapon sa aking bahay pagamutan matapos nya itong makitang nanghihina sa daan, " magalang na tugon ni Francis, nakakunot ang noo ko naman syang tiningnan. Pero nginitian nya lang ako na para bang sinasabi nyang, makisakay ka na lang.

Ibinaling ni mama ang tingin nya sa 'kin, na may mga tinging nangu-nguwestyon. " A-ah opo mama, may nakasalubong kasi ako kahapon na ale, habang tinatahak ko ang daan pauwi galing sa pamilihan. Nanghihina na ito nang tingnan ko kaya agad ko syang dinala sa isang doktor, at si Fr- ah ginoong Francis lang naman ang kilala kong mahusay na doktor, at malapit din, " sagot ko na lang, kahit hindi ko alam kung para saan ang pagsisinungaling ni Francis. Ngumiti naman si mama saka tumango.

" Bueno, " maikling tugon ni mama, umalis naman na si Francis ngunit bago sya tuluyang maglaho sa paningin ko ay binigyan nya pa ako ng isang makahulugang tingin at isang matamis na ngiti. Kaya napangiti na lang din ako sa isip ko.

" Pumasok ka na Sandya, mainit sa labas, " wika ni mama saka pumasok na.

Isinilid ko naman sa isang porselanang palayok ang bulaklak na Mirasol, saka ko ito binitbit pa-akyat sa kwarto ko. Ngunit napatigil ako matapos makita si mama na nakatayo na ngayon sa pintuan ng kwarto ko.

" Kanino nanggaling ang mga bulaklak na iyan?, " Tanong nya matapos mapansin ang bitbit ko.

" A-ah pinitas ko po kanina sa hardin matapos ang aming pag-uusap ni ginoong Hastin, " saad ko, hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi, ngunit nang maalala ko ang pagsisinungaling na ginawa kanina ni Francis ay napili ko na lang din na ilihim ang pagbigay nya sa 'kin ng bulaklak.

Té Amo Mí Amor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon