Kabanata 5:

247 33 9
                                    

[Chapter 5]

" Señorita kayo po ay gumising na ".

Muling katok ng isang boses babae na kanina pa pabalik-balik sa kwartong inuokupa ko na marahil ay sya ring kwarto ni Sandya na character ng story ko.

Sa totoo lang kanina pa talaga ako gising dahil talagang nahirapan akong makatulog, na kung noon ay dahil sa ala-alang hatid ng ulan, ngayon ay dahil na sa kakaisip ko sa mga nangyayari.

" Señorita kanina pa po kayo hinihintay sa hapag ni Doña Eliza, " muli nya pang sambit.

At dahil ayaw ko namang maging ganun ka sama na tao para maging dahilan nang pagkakapaos nya ay pinilit ko na lang ang sarili kong bumangon.

Ngunit sa halip na buksan ang pinto ay naglakad ako papunta sa isang mesa malapit sa bintana na kung saan may isang malaking salamin na nakapatong, sumasakit man ang mata ko dahil sa kakulangan ng tulog ay pilit ko paring inaninag ang sarili ko.

" HALA!?ANONG NANGYARI?! " malakas na sigaw ko dahil sa gulat, nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Nagbago ang mukha ko!

" Señorita! kayo ba ay ayos lang? " narinig kong wika nung babae sa pinto.

Pero hindi ko ito pinansin at hinawak-hawakan ko lang ang mukha ko.

Hindi naman talaga malaki ang ipinagbago ng mukha ko pero yun nga lang may ilang parte ang nag-bago, nadagdagan ang tangos ng ilong ko at naging hazel din ang kulay ng mga mata ko na noon ay kayumangging-kayumanggi.

At naging mapupula ang labi at pisngi ko, at higit sa lahat ay nawala ang tatlong tigyawat sa mukha ko. 

Ang ganda-ganda ko!halos magkapantay na kami ng ganda nung babae.

" La hija de Sandya es hay un problema? (Sandya daughter is there a problem?), " nag-aalalang tanong ng isang magandang babaeng mukhang may edad na rin.

Sinakop nya pa ng dalawa nyang palad ang mukha ko at pilit pinapatingin ako sa kanya hindi ko man lang napansin na nakapasok na pala sila sa kwarto ko.

" ¿Estás bien?(are you alright?), " nag-aalalang tanong nya pa sa'kin.

Kung hindi ako nagkakamali ay sya na siguro si Doña Eliza ang ina ni Sandya.

" Hablar Sandya!(speak Sandya), " muli nya pang sambit at niyugyug pa 'ko, ang sakit pa nang pagkakahawak nya sa mukha ko.

" Si, no se preocupe (yes, don't worry), " sagot ko sa kany.

Napahinga naman sya nang maluwag pero andun pa rin yung pag-aalala sa mukha nya, ganito pala talaga mag-alala ang isang ina.

" ¿Estas sigura?(are you sure), " muli nya pang tanong tumango naman ako at ngumiti nang pilit

" Está bien, vamos, necisitas comer(all right let's go you need to eat) " wika ng Doña at saka inalayan akong maglakad palabas ng kwarto ko.

Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang ayaw ko namang pagalitan nya ako.

Tahimik lang akong kumakain ng kaldereta, kakaiba ang lasa nito hindi katulad ng mga kalderetang karaniwan kong nakakain sa Filipino restaurants at sa mga karinderya.

Speaking of restaurant and karinderya kamusta na kaya yung modern world?

Baka hinahanap na ako ni Leica, namimiss ko na tuloy sya, hayst kailangan ko na talagang makalabas sa kahibangang to kailangan ko nang gumawa ng paraan.

Pero pano? saan ako magsisimulang maghanap? e kahit nga ang dahilan kung bakit ako nandito eh hindi ko nga alam.

Nakakabaliw!.

Té Amo Mí Amor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon