[Chapter 25]
Tatlong araw na rin ang lumipas mula noong kaarawan ni tiyo Simon, at tatlong araw na rin mula noong maramdaman kong iniiwasan ako ni Francis, at hindi ko alam kung bakit.
Kahit hindi ako sanay, ay iniisip ko na lang na siguro ay mabuti na rin ang ganito, at hindi na ako makakaramdam pang muli ng mga kababalaghan sa sarili kong katawan..
Magkasama kami ngayon ni mama, tiya Mariana, at Sanya, sa pamilihan ng Cebu. Bukas na ang magiging uwi namin, kaya suhestyun ni tiya ay mamimili raw kami ngayon ng kung anong pwedeng gawing souvenir at isa pa ay napagpasyahan naming sulitin na lang ang araw na ito sa paggala.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa mga iba't-ibang bagay na nakikita ko. Nasa taong 1898 nga kami, pero hindi ito naging hadlang para mapahanga ka sa mga uri ng kagamitan na meron sila. Napaka-unique at classic nito kung tanawin, at karamihan sa mga ito ay yung mga bagay na, na ipene-preserve na sa modernong panahon.
Siguro nga ay maswerte ako at nagawa ko pang tingnan at hawakan ang mga bagay na naka-preserve na sa modernong panahon, sa bago at preskong anyo nito. Lahat ay magaganda ngunit isang bagay lang ang pumukaw ng atensyon ko. Sinulyapan ko sila mama at tiya, at kasalukuyan silang abala ngayon sa pamimili ng kagamitan pang kusina, kaya agaran kong hinila si Sanya, nabigla man ay wala na rin syang nagawa kundi magpatangay na lang sa hila ko.
" Binibini, ano ang ating ginagawa rito?wala ka namang mabibili rito binibini ", wika nya pa, napangisi naman ako sa isip ko. Talagang iisipin ni Sanya na wala akong mabibili sa hilerang pinuntan namin dahil naka-hilera lang naman dito ang iba't-ibang uri ng patalim.
Dinampot ko ang nagustuhan kong punyal, ito ang uri ng punyal na matagal ko nang pinapangarap ma-angkin. Mula sa hawakan nito hanggang, sa dulo ng talim nito, ay halata ang pulidong pagkagawa. May naka-ukit pa na larawan ng crescent moon sa hawakan nitong gawa sa matibay na uri ng kahoy. Habang ang talim naman nito ay ginuhitan ng pilak na kurba, at ang dulo nito ay walang kasing tuwid, siguradong maganda ang balanse nito pag-inihagis.
" Binibini? ano ang iyong gagawin sa punyal na iyan? ", Kinakabahang tanong ni Sanya, hindi ko naman sya masisisi kung kinakabahan nga sya. Dahil una ay babae ako at kung iisipin ay wala akong pwedeng gawin sa isang punyal maliban na lang kung ito ay gagamitin ko para sa isang tao—at yun mismo ang layunin ko. Dahil kung meron mang isang masugid na tagahanga ng maaksyong mga pelikula, ay ako iyon. Bata pa man ay kinahihiligan ko na ang manuod ng maaksyong pelikula, mapa-hollywood, Thai, at Chinese, o Japanese man ay hindi ko ito pinapalampas. Ngunit iisang estrelya lamang ang hinahangaan ko pagdating sa larangang aksyon, at iyon ay walang iba kundi ang kilalang si Bruce Lee.
Dahil na rin siguro sa sobrang pagkahilig ko sa aksyon ay tila na impluwensyahan na rin nito ang isip ko. Layunin ko lang namang magkaroon ng patalim palagi sa tabi ko para kung kakailanganin ko man ay may magagamit ako panlaban, lalo na't dumarami na ang mga masasamang tao sa panahon ngayon, o kahit sa kinasasadlakan ko man ngayon na taon.
" Huwag kang mag-alala Sanya, hindi naman ako mamatay tao ", natatawa kong ani sa kanya, pero hindi nito nabago ang nagugulat at tila natatakot nyang mukha. " Ngunit—," hindi ko na sya pinatapos pa sa sasabihin nya at ako na mismo ang pumutol nito, sa pamamagitan ng pagtatanong ng presyo sa tindero.
" Manong, magkano po ito?, " tanong ko sa matandang mamang nagtitinda nito. " Dos pesos Señorita, " sagot nya, tumango naman ako sa kanya saka nya ibinalot sa isang dyaryo ang binili ko. " Kung dili ninyo ikalain, para asa diay ni nimo gamiton Señorita?(mawalang galang na po pero saan nyo ito gagamitin Señorita?), " Muling wika nung manong na nagpakunot ng noo ko. " Ah pasensya na po pero 'di po 'ko nakakaintindi ng Cebuano, " nakangiting aso kong wika sa kanya, napatungo naman sya.
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Historical Fiction"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...