[Chapter 30]
" Sandya anak, ibig kong ipakilala sa iyo ang mga magulang ni Hastin, " wika ni papa, na nagpakunot ng noo ko.
Bakit narito ang mga magulang ni Hastin?
" Narito sila upang pag-usapan natin ang pag-iisang dibdib ninyo ni ginoong Hastin, " dagdag pa ni papa. Para namang nanlambot ang mga tuhod ko at nanghina.
Anong kasal, ang sinasabi nila?
" Po?, " Naguguluhang saad ko.
" Disculpa,(excuse us) " Saad ni papa, saka ako sinenyasan na sumunod sa kanya.
Tahimik lang akong naglakad pasunod sa kanya, hanggang sa narating namin ang asotea. Malayo ang tingin nya habang nakahimlay ang mga kamay sa baras nito.
Tumabi ako sa kanya, saka tinanaw ang kasalukuyan nyang tinatanaw. Mula rito ay kitang-kita ang kagubatan sa 'di kalayuan na waring nagliliwanag na rin dahil sa sinag ng buwan.
" Nawa'y maintindihan mo sana ang aming pasya anak, " bigla nyang wika, nakakunot ang noo kong tiningnan sya. Nilingon nya rin naman ako, ang mga mata nya ay bahid ng kalungkutan.
" Ano po bang ibig sabihin nyo papa?, " Tanong ko sa kanya, napabuntong-hininga naman sya saka hinawakan ang dalawang balikat ko.
" Nanganganib na ang aking pwesto anak, at bukod pa roon ay kumikilos na ang aking kalaban, patawad kong hindi namin sinabi sa iyo ng mama mo. Anak nanganganib na ang ating apilyedo, " sagot nya, napatulala naman ako sa kanya habang pilit na pinoproseso ang mga sinabi nya. Pero sadyang hirap talaga ng utak kong tanggapin ang mga salitang binibitawan nya
" Hindi ko pa rin po maunawaan pa, " wika ko, dahil hindi ko makuha kung ano ang kaugnayan ng pagpapakasal namin ni Hastin sa pangyayaring nanganganib na nga ang estado ng pamilyang kinabibilangan ko.
" Ang kaso na hinahawakan ko, yung tungkol sa pagkamatay ng ama ni Don Epifanio, iyon na lang ang tanging paraan upang muli kong maipakita sa madla maging sa mga ibang opisyales, na nararapat pa rin ako sa pwesto ko. Pero nabigo ako, nabigo ako sa kasong yun, dahil halos isang taon ko na ring hinahanap ang taong nasa likod ng kanyang pagkamatay ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari, hindi pa rin umuusad ang takbo ng kaso, " malayo ang tingin na saad nya, unti-unti ko namang naunawaan ang mga nangyayari.
" Bakit kailangan nyo pong ipakita na nararapat kayo sa pwesto?, " Kalmadong tanong ko sa kanya, umaasang mapapawi ko ang lungkot at pangamba na namumutawi sa kanyang mga mata. Kalauna'y nagulat ako matapos makita ang biglaang pagtakas ng luha sa mga mata nya.
" Wala na... U-unti-unti nang nawawala ang mga ari-arian natin, patawarin nyo 'ko anak. Sapagka't nasangkot ako sa isang katiwalian sa pamahalaan. At ngayon unti-unti nang nilalabas ng katunggali ko ang kasalanang nasangkutan ko. " Mangiyak-ngiyak na saad nya, nanghina ang katawan ko matapos makita ang mga luhang sunod-sunod na pumapatak, sa mata ng taong minahal at itinuring kong ikalawang ama.
" Ang pakikipag-isang-dibdib mo sa isang Mañano, ang syang tanging natitirang pag-asa na lang ng ating pamilya, mataas ang katayuan at makapangyarihan ang pamilya nila anak, at iyon lang ang magliligtas sa 'tin sa kahihiyan maging sa pagkawala ng ating mga ari-arian, " dagdag nya, na lalong nagpahina sa sistema ko.
Ganito nga ba ang pag-ibig? Hindi mo tuluyang makakamtan hangga't hindi nauubos ang mga hadlang?
Manila, Nobyembre 18, 1898,
Isang Linggo na rin ang nakalipas, mula noong namasyal kami ni Francis. Ngunit hindi lang doon nagtapos yun, dahil naging madalas na kaming magkasama at mamasyal, yun nga lang ang lahat ng yun ay patago. Hindi ko naman masisisi kung iyon ang nais nya, dahil alam kong sa simula pa lang ay mali nang magkaroon kami ng ugnayan na higit pa sa magkaibigan. Pero, wala naman kaming label.
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Historische Romane"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...