[Chapter 8]
" Feliz cumpleaños mi amigo!(Happy birthday my friend) ", bati pa ni General Marcelo, kay Don Epifanio pagka+baba pa lang namin sa kalesa, nag-yakapan pa silang dalawa, " muchas gracias mi amigo(Thank you my friend) ", sagot pa ni Don Epifanio sa gitna ng yakap nila, " denada (Your welcome) ", sagot naman ni General Marcelo at tinapik-tapik ang likod nito.
Sunod naman ay bumaba kami ni mama sa kalesa inalayan pa kami ng ilang gwardya personal. Magkaterno ang suot namin ngayon ni mama na isang kulay pulang magarbong baro at saya, magkapareho rin kami ng kulay sa hawak naming abaniko, isang kulay pula ring abaniko na gawa sa buntot ng Paboreal na nagagayakan din ng makikintab na bato at mga hiyas.
Iginiya na ako ni mama papunta sa kanila General, " Feliz compleaños don Epifanio ", bati pa ni mama sa kanya ngumiti naman si Don Epifanio at nagpasalamat sa pagdating namin, " Por como mi amigo esta es Sandya, mi única hija acababa de llegar de España( by the way my friend this is Sandya my only daughter she'd just arrive from Spain this past 6 days) ", pakilala pa ni General Marcelo sakin kay
Don Epifanio, " oh,una jovencita tan hermosa (oh such a beautiful young lady) ", papuri naman ni Fon Epifanio, parang gusto ko na talaga tong character ng manugang ko, " ah hehehe muchas gracias señor(thank you senor) ", nakangiting labas ang ngipin ko na pasalamat sa kanya, nag+iwas naman ng tingin si Don Epifanio at agad kinuha ni mama ang kamay kong may hawak na abaniko at itinakip nya sa bibig ko, " No hagas eso es una cosa impulsiva( don't do that,it's an impulsive thing) ", bulong pa sa 'kin ni mama napatango naman ako, bawal pala sa panahong to ang makita ang ngipin ng babae 'pag ngumingiti." Vayamos adentro(Let's go inside) ", yaya ni don Epifanio, kaya nag-simula na kaming lumakad papasok sa gate nila, pagkapasok ko ay tumambad sa 'kin ang maraming Pilipino na hindi nabibilang sa alta sociedad ang nakatayo sa gilid ng hacienda nila at kumakain sa isang mahabang mesa na inihanda talaga para sa mga tulad nila, para tuloy'ng may racism sa pagitan nila at sa mga taong nabibilang sa alta sociedad.
Dahil pagkapasok namin sa kanilang mansyon ay naka upo na ang mga principales, mga opisyal, mga taong nabibilang sa alta sociedad, at mga kastilang may posisyon sa bayan, sa isang mahabang mesa na puno nang makikinang nang mga kubyertos ibang iba sa mga nakakamay lang na mga Pilipino sa labas, may wine ding nakahanda, habang tubig lang ang meron sa labas, napailing nalang ako.
Bago pa man kami maka upo sa silyang nakahanda para sa 'min ay tumambad si Francis sa harap namin at bumati, " Ah, porcierto Francis quieroconocerte Su señorita aquí, Sandya, la hija de heneral Marcelo ( ah by the way Francis I want you to meet this young lady here Sandya General Marcelo's daughter) ", pakilala pa sa 'kin ni Don Epifanio, inilagay naman ni Francis ang sumbrero nya sa kanyang dibdib bilang pag-galang, " buenas días Señorita Sandya", tugon nya pa pinanlakihan ko naman sya ng mata, dahil tinawag nya na naman akong Señorita, pero hindi nya na ito pinansin pa sa halip ay ngumiti na lang sya.
Inaya na kami ni Don Epifanio na umupo kaya wala na akong nagawa kundi umupo na lang kahit pa gusto kong sumama na lang sa buddle fight ng mga kapwa ko Pilipino sa labas dahil mukhang mas masaya pa naman yun, at kapag minamalas ka nga naman katapat ko pa si Francis na napapagitnaan ng ama't ina nya, katulad sa pwesto ko ngayon.
" Saludos por el otro ano de la vida de Don Epifanio(Cheers for the another year of don Epifanio's life) ", biglang sigaw nung isang lalakeng may mahabang bigote at naka suot ng isang damit pang Europa, itinaas nya ang kanang kamay nyang may hawak na red wine, nakitaas naman ang lahat ng nasa mesa kaya wala na akong nagawa kundi itaas na rin ang kalapit kong baso, na ang laman lang pala ay tubig.
Pagkatapos nun ay kanya-kanya nang bumalik sa pag-kain ang iba habang panay naman ang tawanan at kwentuhan ng mga lalakeng may edad na, ngunit bigla silang napatigil nang marinig ang masayang sigaw ng isang lalake, " Feliz compleaños mi amigo! ", bati nito napa-tingin naman ako sa pinanggalingan ng tinig, at halos lumuwa ang mata ko sa gulat.
BINABASA MO ANG
Té Amo Mí Amor
Fiction Historique"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an underrated writer whose fond of writing historical fiction stories with a tragic endings. But when she...