Kabanata 26: Ang pag-iba ng ihip ng hangin

76 5 0
                                    

[ Chapter 26 ]

Kasalukuyan kaming naghahanda ngayon ni Sanya, para sa pag-alis namin bukas ng madaling araw.

" Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maunawaan kung saan ninyo gagamitin ang punyal na iyong binili kanina binibini, " kapagkuway tanong ni Sanya, matapos ang ginagawa nya. Isinilid ko ang huling pares ng damit ko sa dala kong maliit na maleta saka umupo sa kamang kinauupuan din ngayon ni Sanya.

Napabuntong-hininga ako bago nagsalita, kahit kailan talaga ay hindi matatahimik ang kaluluwa nya 'pag hindi sya nakakakuha ng eksaktong sagot.

" Gaya nga ng sabi ko sayo kanina, ay gagamitin ko iyon laban sa mga taong masasama ang loob, ngunit iyon naman ay kung kinakailangan, " mahinahon kong sagot sa kanya, tumango naman sya at 'di na sumagot pa. Ramdam kong may gusto pa syang sabihin pero pinipigilan nya lang ang sarili nya.

Tumayo na lang ako at nagtungo sa isang vanity table sa kwarto namin. Mula roon ay kinuha ko ang librong binili ko kanina para kay Sanya, nang damputin ko ito ay muli ko na namang naalala ang mga pangyayari kanina.

Paanong nandito sa Cebu ang weird notebook?at bakit ito kinuha ni Sansa 2?. Kung iisipin ay wala namang maaaring gawin si Sansa 2 sa libretang iyon, dahil kung pagbabasehan ko ang personalidad nya ngayon ay ibang-iba na ito mula sa sinulat ko, at mukhang ang lahat ng isinulat kong hilig kong gawin ay naglaho na sa katangian nya. Idadagdag mo pa ang tila seryuso at natataranta nyang reaksyon kanina, matapos makita ang weird notebook.

" Binibini?, " Biglang tanong ni Sanya, hindi ko man lang napansin ang paglapit nya.

" Halika Sanya tuturuan kita tungkol sa mga nakapaloob sa librong ito, " wika ko na lang sa kanya sabay turo sa libro ng alpabeto. Tumango naman sya at ngumiti.

" Maraming salamat nga pala binibini, ako'y nagagalak at napakabuti ng iyong puso, " sinsero nyang sabi, na touch naman ako sa sinabi nya, pero nginitian ko na lang sya bilang sagot.

Kasalukuyan naming binabaybay ngayon ang daan patungo sa daungan ng Cebu sakay sa isang kalesa. Papasikat pa lang ang araw pero kailangan na raw naming umalis ng maaga para maaga rin kaming makarating sa Manila.

Malamig-lamig pa ang simoy ng hangin, buhat ng madaling araw pa lamang. Kaya lalo kung hinila ang suot kong bupanda para pantakip sa braso ko na ngayon ay tinatamaan na rin ng ihip ng hangin.

Habang binabaybay ang daan, ay hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko ang mga bagay na ginawa namin dito sa Sugbo. Naroon yung minsan kaming namasyal sa kalapit na talon sa mansyon nila tiya.

Papasikat pa lang ang araw, kaya't napakaganda kung tanawin ang sinag nito sa luntiang paligid. Hindi naman mapirme ang kasabikan sa puso ko. Lalo na't pupunta kami ngayon sa isang napakagandang talon gaya ng sabi ni tiya, ito ang unang pagkakataon na mararanasan ko ang bagay na ito, at sa mismong parte ng Pilipinas na pinangarap ko pa talagang mapuntahan!

Nakahanay ang tatlong kalesang sinasakyan namin ngayon. Kasama ko syempre si mama at tiya Mariana sa loob ng kalesang sinasakyan ko. Habang nasa hiwalay na kalesa naman si Sanya kasama sila Sansa 2 at ang ina nya, dahil hindi na rin magkakasya si Sanya sa kalesa namin dahil na rin sa mga kagamitan at pagkaing dala namin.

Pagkarating sa lugar ay hindi ko mapigilang mamangha, bahagya pang nakaawang ang bibig ko habang tinititigan ang madilaw-dilaw na tubig ng talon dahil sa sinag ng araw nito. Nay kataasan ang talon, at mala-kristal ang tubig na ibinabagsak nito. Gayun din ang ilog sa ibaba nito, na ngayon ay tila gintong kumikislap dahil sa matingkad na sinag ng araw.

Agad akong tumakbo sa gilid nito, saka nakangiting isinawsaw ang mga kamay ko rito na para bang isa akong batang nasasabik na maligo sa isang dagat. Hindi ko alam pero labis ang pagkamangha ko talaga sa iba't-ibang uri ng katawang tubig " Sandya huwag kang masyadong lumapit sa tubig! baka ikaw ay mahulog!, hindi natin natitiyak ang lalim ng ilog, " naghihisteryang sigaw ni mama, narinig ko naman ang pagtawa ni tiya sa tabi nya.

Té Amo Mí Amor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon