Kabanata 12: Sa paglubog ng araw

134 8 4
                                    

[Chapter 12]

" Binibini kayo po ay may panauhin, " biglang wika ni Sanya, na syang nag pagising sa ulirat ko. " Sino?," nagtatakang tanong ko sa kanya sapagkat wala naman akong naaalala na may visitor ako.

" Si Señor Francis po binibini, " magalang nyang tugon, kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

Anong ginagawa nya rito?

" Bakit daw?," muling tanong ko Kay Sanya, napailing naman sya agad.

" Hindi ko po batid binibini, ang tangi lang po nyang sinabi ay kung maaari nya ba daw kayong makita," magalang nya pa ring sabi. Bigla akong napalundag mula sa terasa at natatarantang nagtungo sa banyo ng kwarto ko, nang mapagtanto ko ang isang bagay

" Sanya kahit anong mangyari ay wag mong sasabihin na andito ako, " naghihisterya kong tugon saka isinara nang malakas ang pinto ng banyo ko.

Omaygas!ngayon nga pala yung sinasabi nyang pupunta sya sa bahay para malaman ang desisyon ko, wether sasama ako sa gala nya o hindi. Onows!hindi nya talaga ako pwedeng makita.

" Binibini na sabi ko na po na kayo ay nasa inyong silid at nagpapahinga, siya po'y naghihintay sa labas ng pinto ng iyong silid, " Magalang pang sagot ni Sanya napa-face palm naman ako, bakit ba at home na at home sya sa bahay namin? naku!sa susunod talaga ay ipapa ban ko na sya, o kung hindi ay lalagyan ko ng karatula ang gate na 'No entry Francis Verano'

Napa-buntong hininga na lang ako saka lumabas na mula sa banyo ko. Kainis naman oh!bakit kanina pa tila nakikisama ang tadhana sa kanya mula pa kanina, tapos sa 'kin , ano to gipit gipitan challenge lang?.

" Bakit nga pala ayaw nyong magpakita kay señor binibini? " Magalang na tanong ni Sanya, napaisip naman ako kung pwede ko bang sabihin ang dahilan sa kanya o hindi. Pero mukhang mapagkakatiwalaan ko naman siguro 'to si Sanya kahit pa madaldal sya, para lang syang si Leica eh madaldal na maingat. Kaya hala sige! Sasabihin ko na lang sa kanya ng lahat, wala namn sigurong mawawala sa 'kin hindi ba?

Kaya umupo na ako sa kama ko saka kinuwento sa kanya ang lahat-lahat ng kahihiyan na nangyari kanina, medyo umabot pa ako ng ilang minuto sa pagkukuwento. Pero wala akong pakialam, na kahit manigas pang maghintay si Francis sa labas ay bahala sya. Nagpipigil naman ng tawa ang kigwang Sanya, sarap batukan eh, tinatawanan pa ang mga kahihiyan ko.

Nagulat ako sa biglaang pagbukas ng pinto ko na para bang kanina pa ito pinangigilan na buksan. Napatingin ako sa direksyon nito at nakahiga ng maluwag,si mama lang pala.

" Sandya! masamang pinaghihintay ang panauhin, " biglang sermon nya pa sa'kin ngayon hindi lang pala sya si mama, dahil sya na si mad mother. Napa what-are-you-talking-about look naman ako. Halos magdikit na ang kilay ko matapos makita ko si Francis na pumasok taglay ang isang nakakalokong ngisi, sarap bunutin ng ngipin nya eh.

Napatingin naman ako pabalik kay mama, mukhang high blood ngayon si mama, " kayo na ay mag-usap Sandya halika na Sanya!, " pasermon pa rin ang tono nyang sabi, at agad hinila si Sanya palabas.

Nawawalan ng pag-asa akong bumusangot, nakakainis!

" Buenas tardes (good afternoon)Binibini, ako ay narito upang hingin ang iyong pasya, " biglang wika ni Francis napa I-don't-care-look naman ako. Talagang may gana syang yayain pa talaga akong lumabas after sa mga kahihiyang ginawa nya?. " Ikaw ba ay sasama binibini?ika'y pinahintulutan na ng iyong ama't ina, " dagdag nya pa, kahit ano talagang gwapo nito ni Francis minsan talaga nakakainit din sya ng ulo. Hindi ko sya sinagot at inikutan ko lang ng mata, anong akala nya sa'kin? Gagalahin?.

" Binibini ikaw ba ay galit? " tanong nya pa, saka tiningnan ako na para bang ako na yung pinaka wirdong tao sa mundo. Tanga.

" Pwede ba Francis bakit mo ba ako isasama sa gala mo?hindi naman tayo close kaya wag nang feeling close! " inis kong wika sa kanya, pero lalo lang nya akong tiningnan ng weird look nya.

Té Amo Mí Amor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon