Kabanata 10:Kalesa

169 17 4
                                    

[Chapter 10]

Naalimpungatan ako sa malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Pagkabangon ko sa kama ko ay nakita ko ang sarili kong wala ng kumot, kaya pala ang lamig lamig!, sinubukan kong tumayo at pagka lundag ko sa sahig ay nakita ko ang kumot kong nakahiga na sa sahig.

Dinampot ko ito at inihagis sa kama ko, suot ang isang roba ay nagtungo ako sa bintana ko, bahagya itong nakabukas, kaya pala nakakapasok ang hangin!. Tuluyan ko itong binuksan nang malawak, at tumambad sa 'kin ang as usual garden na kung saan nasisinagan na nang kaunting liwanag ang mga bulaklak mula sa papasikat pa lang na araw.

Napakaganda ng tanawin na bumati sa umaga ko, sapagka't mula sa bintana ko ay tanaw na tanaw ko ang sunrise, idagdag mo pa ang mga ibon na ngayon ay panay ang kanta at lipad sa himpapawid, na para bang masaya nilang sinasalubong ang bagong araw habang tinatamasa nila nang maigi ang kalayaan. Hayst.. mabuti pa sila masaya sa bawat araw na paparating, habang ako?eto naloloka pa rin kay Francis, at lalong lalo na sa kung ano na namang mga kababalaghan ang sisira sa araw ko ngayon.

" Anak!, bakit kay aga mong nagising?, " Nagulat ako sa biglaang pagbukas ng pinto ko at sa biglaang pagsasalita ni mama, napasulyap naman ako sa gawi nya, nakasuot sya ngayon ng kulay asul na baro at saya, simple ito ngunit mahahalata parin ang karangyaan, nakatakip naman sa dalawa nyang balikat ang isang kulay asul ding bandana.

Lumapit sya sa 'kin saka kinapa ang noo ko, napangiti naman sya ng hindi na iyon mainit. Iginiya nya ako pabalik sa kama ko at pina upo, " mabuti naba ang iyong pakiramdam anak?, " paninigurado nya pa,vtumango naman ako sa kanya at ngumiti. Mukhang nakikiayon sa plano ni Francis ang tadhana at naging maayos ang pakiramdam ko, gusto kong isipin na nagdilang anghel si Francis pero dahil na rin siguro ito sa niresetang gamot ni Don Epifanio na pinainom sa 'kin ni mama Kagabi.

Ayaw ko sanang inumin dahil ang weird niyon, hindi iyon katulad sa mga gamot na normal mong makikita sa botika, dahil imbes na tablet o capsule ay isa iyong likidong gamot na nakasilid sa maliit na garapon, may ugat pa ng kung anong halaman ang nakapaloob. Pero sa huli ay wala na akong nagawa nang ipagpilitan ito ni mama, napangiwi pa nga ako dahil sa pait ng lasa nun, pero mukhang worth it naman dahil okay na ang pakiramdam ko.

" Sya nga pala anak bakit tila kay aga mong nagising? hindi ba dapat ay nagpapahinga ka pa? sapagkat kagagaling mo lamang sa sakit," wika nya pa, habang marahang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay nya. Naalala ko na naman tuloy ang totoong mama ko, palagi nya akong sinusuklayan habang nagkukuwento sya ng mga fairytales, bago ako matutulog. Sayang nga lang dahil wala na sya, ibang iba sa parati nyang kinukwento sakin na mga fairytales ang nangyari sa kanya, dahil kabaligtaran sa ending ng mga nito ang nangyari.

Her life ends with a tragic ending...

Pero nagpapasalamat naman ako ngayon dahil sa kahit papano, ay naramdaman kong muli ang pagmamahal ng isang ina, naranasan kong muli ang mga bagay na madalas ginagawa ng isang ina para sa anak nya. " Maari ko bang malaman ang dahilan kung bakit tila nakangiti ngayon ang aking anak?, " muli, bigla nyang tanong na may malapad na rin ngayong ngiti sa mga labi nya. Napaka-maalaga, at napaka-mapagmahal na ina ang character ni Doña Eliza, ang swerte nga naman ni Sandya.

" Sapagkat iyon ay marahil sa pagkakaroon ko ng isang ina, na katulad nyong mapagmahal at maalaga, " may matamis na ngiti sa labi kong wika sa kanya, at habang binabanggit ko ang bawat salita ay tila sa sobrang genuine ng pagkasabi ko ay para bang ang puso ko na mismo ang nagsabi nun sa kanya, kung sana lang ay nasabi ko ang mga bagay na ito noon sa tunay kong mama.

" Nakakataba ng puso ang iyong sinabi anak ko!, " wika nya pa saka hinila ako patungo sa isang mahigpit na yakap. Hindi ito ang inaasahan kong reaction nya, dahil ang inaasahan ko ay ngingiti lang sya at pabirong kukurutin ang singit ko tapos sasabihan nya ako ng bolero at na wala syang piso.

Té Amo Mí Amor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon