CHAPTER ONE

572 95 60
                                    

Lucas's POV

5 years ago

February 14, 2014  Valentines Day ng makilala kita sa isang cafè, busy akong tapusin ang manuscripts ko. Maulan ang gabe na yun at masarap magkape, nakaka-senti din ang kanta ni Juris na Forevermore. Lalo na't maraming magkakasintahan ang nagde-date sa café na yun. Ibat-ibang klase ng tao ang nasa loob ng cafe.

 May mga estudyante na mukhang pinag-uusapan ang ipapasang project sa prof at ang iba naman ay nagpapatila lang ng ulan sa loob. Naagaw ang atensyon ko ng marinig kitang sumigaw at puno ng luha ang mga mukha. Nakatingin ka sa lalaking kaharap mo at walang humpay na pinaghahampas mo ito. 

Halos lahat ng tao sa loob ay pinapanuod kayo. May lumapit ng staff sa inyo at kinausap kayo. Parang dun mo lang napansin ang mga matang nakatingin sa inyo. Nasa kabilang table lamang kayo malapit sa akin.

"Anong tinitingin-tingin nyu dyan?!" sigaw mo at awtomatikong nagbalikan sa kanya kanyang ginagawa ang lahat. Tumingin ulit ako sayo. Sakto namang nagtama ang ating paningin. Napaiwas agad ako maya maya lang ay lumabas ka ng cafe at ang lalaking kasama mo. Muli kong ibinalik ang atensyon sa isinusulat kong kwento. 

Kulang raw sa emosyon ang kwentong ginagawa ko. Kaya heto ineedit na naman. Pangarap ko talagang maging sikat na manunulat..

Maya-maya lamang nagpasya akong lisanin ang cafè. Isa-isa kong niligpit ang mga gamit ko at palabas na sana ako ng cafè ng tawagin ako ng isang staff.

"Sir, Nahulog po ang wallet nyo." napatingin ako sa hawak nitong wallet na kulay brown.

"Pero  hin.."

"Bilisan mo dyan. Marami tayong customer dito." sigaw ng isa pang staff . Walang ano-anong inabot sa akin ang wallet na brown at nagmadaling bumalik sa ginagawa.


PRESENT 2020


Beep..... Beep.... Beep....

Napakislot ako ng maramdaman ang pagtunog ng cellphone ko. 3 messages.

To: Lily

Good evening Sir Lucas, May I remind you po for Tommorow po ang schedule nyo for Ms.Samantha ng publishing company.

To: Babe

Can we talk? I have something to tell you. Meet me at the cafè downtown. 7pm

To : 8080

Expired na ang iyong subscription.
Your GoSAKTO promo has expired. Go for more GBs with Go140! Enjoy 11GB data for ALL websites and apps + unli calls & texts for 7 days, for only P140. Just access the GlobeOne app at bit.ly/globeone to register.

Halos tatlong linggo tayong hindi nag-kausap, huling pagkikita natin ay nagtalo pa tayo dahil gusto mong maging modelo. May mga opportunity kana kamong naghihintay sa iyo sa Paris. Humingi ka sakin ng space. Cool off ika nga ng iba. Pumayag ako sa nais mo. Sa loob ng tatlong linggo napagtanto kong dapat suportahan kita tulad ng pagsuporta mo sa pagsusulat ko.
Napatingin ako sa orasan, 6:30pm na. 

Nabigla man sa biglaang pagyaya. Napangiti ako ng bahagya marahil eto na yung pinakahihintay kong pagkakataon. Suot ang V-neck shirt at itim na pantalon. Wala na kong panahon para magsuot ng amerikana. Nagmadali akong kumilos at hinablot ang jacket na nakasampay sa likod ng pinto ng kwarto ko. 

Kinuha ko ang helmet at ang susing nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Kinapa pa ang maliit na kahita kung saan nakapaloob ang singsing na ibibigay ko sa iyo. Madali akong sumakay at inistart ang motor. Sinuot ko ang helmet, walang ano-ano'y pinaharurot ko ang motor na tila mauubusan ng daan.

Wala pang 10 minuto ng makarating ako sa Cafè. Mula sa labas ay tanaw ko na si Hannah sa loob ng cafè na marahang humihigop ng kanyang coffee. Tulala sa kung sa kung saan na tila malayo na ang nalakbay ng kayang isipin.

Pumasok ako sa loob ng cafè at naupo sa harap ni Hannah na tila hindi pa rin napapansin ang pagdating ko. Marahan kong kinatok ang lamesa at doon lamang sya napatingin sa akin.

"May problema ba?" tanong ko.

Napaiwas ng tingin si Hannah sakin at marahang yumuko.

"I'm sorry." maluha-luha nitong sambit.

Nagtataka man ay hinawakan ko ang kamay nya na nasa ibabaw ng lamesa. Kapa-kapa ko ang kahita sa bulsa. Humahanap lamang ako ng magandang tyempo.

Wala pa man syang binabanggit ay tila alam ko na kung ano ang kanyang ibig sabihin. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis at akmang ilalabas na ang kahitang nakatago sa bulsa. Nang bigla kang nagsalita.

"Let's end this."  kasabay ng pagsambit ng katagang yan ang pagtulo ng iyong luha.

Marahil marami akong pagkukulang sa relasyon natin, ngunit hindi ko naisip na hahantanong tayo rito. Katulad ng ibang normal na relasyon. Napayuko ako at napabitaw sa pagkakahawak sa kahitang . Mataman kong tinitigan ang iyong mga mata. Na tila ay nagtatanong .

Bakit?

"Magma-migrate na ang buong pamilya ko sa Paris ako na lang ang hinihintay nila. Sorry kung ngayon ko lang ito sinabe sa iyo. Pangarap kong maging modelo at hindi ako handa sa nais mong mangyari. Tinanggap ko na rin yubg offer sakin sa Paris. Baka tama nga sila. Hindi ako para sayo." walang hintong sambit mo. Habang pinupunasan ang luhang nagpapaunahang tumulo mula sa iyong mga mata.

Napayuko ako. Marahang hinawakan ni Hannah ang baba ko upang mapatingin muli ako sa kanya. Bakas sa mga mata nya ang pag-aalala. Ngunit desidido sa kanyang desisyon. Napahawak ako sa kanyang kamay na humahaplos sa aking pisngi. Tumayo si Hannah at dahan-dahang lumakad palayo sa akin.

Sakay ng motor walang ano-ano'y pinaharurot ito paalis sa cafè.

Why would they call it a heart break? When in feels like you are thrown into a never ending pit of hell.

Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ang pagbagsak ng ulan na tila nakikisabay sa sakit na aking nararamdaman. Mas pinabilis ko pa ang pagmamaneho at hindi iniinda ang mga kasabayang saksakyan. 

Babe, Pinagluto na kita ng agahan.
Babe, Gising na pinakagwapo kong mahal.
Babe, Mahal na mahal kita.

Mas lalo akong naluha ng maalala ko ang mga katagang sinabe nya..

BEEEEEEEEPPPPPPPPP !!!!!!!!!!
BLLLAAAAGGGGGG !!!!

Kasabay non ang pagbagsak ko sa lupa. At dahan dahang nawalan ng malay.

AUTHOR'S NOTE

Hindi ako sing-galing ng iniisip nyo. Pero kung susuportahan nyo ako . Gagawin ko ang lahat makatapos lang ng isang storya na ako mismo ang gumawa . Maraming salamat. Don't forget to vote and follow. Salamat ng hard .



The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon