SAMANTHA'S POV
"As you can see, Mr. Del Fonzo is experiencing vegetative state." pagpapaliwanag ni Doc Mendez habang nakatingin sa nakaratay na si Lucas. "vegetative state meaning he can open his eyes but doesn't show any meaningful responses, such as following an object with their eyes or responding to voices."
"Oh, ganon pala yun." rinig kong usal ng kaluluwang si Lucas. "I thought someone take over my body." dagdag pa nito. Ang totoo niyan kinabahan din ako nang sabihin ni Lily iyon.
"It's a good sign that he is not under comatose anymore. May improvements sa katawan niya at sa nakikita ko lumalaban pa si Mr.Del Fonzo." pagpapatuloy nang doktor.
"Hanggang kailan siya mananatiling ganyan?" nag-aalalang tanong ko habang tinatanaw ang nakaratay na katawan ni Lucas. "May chance naman siyang bumalik hindi ba?"
"About 50% of persons who are in a vegetative state one month after traumatic brain injury eventually recover consciousness. They are likely to have a slow course of recovery and usually have some ongoing cognitive and physical impairments and disabilities." paliwanag nito. "It's a good sign though that he can open his eyes."
"Thank you, Doc Mendez."
"Everything is gonna be okay. Mr. Del Fonzo is strong and as I can see he is fighting." pag-aassure nito sa akin. Nakaramdam ako nang kaginhawaan sa sinabi nang doktor. "Anyway, how are you related to Mr. Del Fonzo?" tanong nito sakin sabay harap sa gawi ko. Naramdaman ko naman ang titig ni Lucas at parang tangang naghihintay nang sagot.
"K-kaibigan po." nauutal na usal ko at napasinghal naman si Lucas sa sinabi ko.
"Kaibigan your face. I don't want to be your friend." naasar na sambit ni Lucas at lumayo sa akin. Palihim naman akong napapanguso.
"Ahh I see. I hope na maging okay na nang tuluyan si Mr.Del Fonzo. Anyway, maiwan ko na muna kayo. I have to check my other patients." paalam nito at saka lumabas nang kwarto. Naupo ako sa isang monoblock malapit sa kama ni Lucas.
"Ahh, Ms.Samantha pwede na po kayo umuwi ako na pong magbabantay kay Sir Lucas." sambit ni Lily.
"Ako na muna magbabantay sa kanya ngayong gabi, umuwi kana lang muna balikan mo ako bukas ng umaga." nakangiting usal ko.
"Sigurado po ba kayo?"
Tumango lamang ako dito at nag-ayos na ito upang makauwi na.
"Hay Lucas. Bumangon kana dyan. Hindi yung nakatanaw ka lang sa kisame." usal ko nang maiwan na ako mag-isa sa kwarto.
"I can actually hear you, and you're aware na nandito pa din ako." reklamo nito sa akin.
"Subukan mo kayang humiga dito sa katawan mo, yun kasi ung mga napapanood ko sa palabas ehh." suhestyon ko. Tumayo ako at lumapit sa kaluluwang si Lucas na kasalukuyang nakaupo sa sofa.
"I don't like you're idea." inis na saad nito. Napanguso naman ako at mas lalo pang nagpa-cute sa harap nito. "Would you stop it." usal nito at napalayo sa akin.
"Dali na! Wala namang mawawala sa'yo kung susubukan mo ehh!" naasar na sambit ko. Ang arte nang multong to nakakabwiset!
"Your idea is stupid. I told you this is not a movie scene." naiiritang sambit nito.
"Gusto ko lang naman masubukan natin eh. Malay mo ito pala kasagutan para makabalik ka sa katawan mo." malungkot na sambit ko at naupo muli sa monoblock. Bahagya akong yumuko sa kama ni Lucas.
"Hindi uubra sa akin yang guilt-tripping mo." saad nito. Itinaas ko ang ulo ko at tinitigan ito.
"Talaga?" mas lalo ko pang pinalungkot ang boses ko. Napaikot sa kawalan ang dalawang mata nito at bakas sa muka nito ang pagkairita.
BINABASA MO ANG
The Sky Above Us (COMPLETED)
FantasySamantha as a Marketing Administrator finally decided to cut ties with her long time boyfriend James who happened to be the owner of Xenon Publishing Company. Lucas as a famous and mysterious writer of a best selling book met an accident and got hi...