CHAPTER TWENTY-TWO

72 28 12
                                    


SAMANTHA'S POV

Magmula ng umamin ako sa nararamdaman ko ay hindi na ako tinantanan ni Lucas. Walang oras atang hindi siya nangungulit sa akin. Tulad kanina habang naglilinis ako ng sala ay para siyang siraulong pinapanood ang bawat kilos ko. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa dahil nakuha ko ang atensyon niya o mainis.

Kasalukuyan akong nasa likod bahay at naglalaba ng mga damit ko nang bigla manlamig ang paligid na parang may kung anong hangin ang umihip sa akin. Napaharap ako sa washing machine at natigilan ng marahang umangat ang cover nito. Napapakunot ang noo kong lalapitan na sana para tignan kung anong nangyayari doon. Napapalunok sa bawat hakbang dahil sa biglaang pagbilis ng yugyog ng washing machine, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at panlalamig ng pawis ko ng may nakita akong buhok na nasa loob ng washing machine, marahan pa akong lumapit para silipin ng bigla ....

"Samantha! My loves!"

 "Ayy multong bakla!" sigaw ko ng bigla itong lumitaw mula sa loob ng washing machine. Agad kong naibato sa kanya ang bitbit kong hanger. "Ano ba yan para kang si Sadako na galing sa balon, pero yung sayo sa washing machine!" bulyaw ko dito.

"Oo ako naman si SADako." pagbibiro nito. " You know that I can prove to you na hindi ako bakla." nakangisi nitong sambit habang nakangalumbaba. Ngumiti ito ng pagkalaki-laki at parang tangang nagpaganda pa ng mata. Sinamaan ko ito ng tingin  at sumalok ng isang tabong tubig.

"Lord! Paalisin nyo po ang masamang espiritu sa lugar na ito." sabay wisik ko ng tubig sa gawi nito.

"Seriously, Sam. What do you think of that holy water?" natatawang usal nito. Umikot ang dalawang mata ko at tinalikuran ito, "You should treat me right. Ganyan ba ang asal ng in love?" napahinto ako sa huling sinabi nito at mariin akong napapikit. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng muling bumalik sa ala-ala ko ang pag-amin ko ng nararamdaman ko sa kanya.

"Shut up," napipikong sambit ko.

"What? Sinabi mo kaya sakin iyon sa loob ng c.r." pang-aasar pa nito.

"Binabawi ko na." saad ko kasabay ng pagyuko ko. Yeah right sinong niloko mo, Samantha Gilbana? naasar na usal ko sa sarili. Kahit ata bata mahuhulaan ang tuluyan kong pagkahulog kay Lucas. 

"No. You can't." seryosong tutol nito, "Wala nang bawian." Napaharap ako kay Lucas na magkasalubong ang dalawang kilay na titig na titig sa akin.

"I know naman na si Hannah pa rin eh. Huwag mong pilitin ang sarili mo." usal ko at nilabanan ang matalim na titig nito sa akin. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib ko. Magiging kumplikado ang lahat lalo na kapag nagising na siya ng tuluyan. Kung mapipigilan ko pa ang nararamdaman ko ay gagawin ko.

"Don't put words in my mouth." inis na sambit nito sa akin. "Look, when I took a risked to kiss you, it means I'm willing to sacrifice my life just to express my feeling for you." Ang matalim na tingin nito sa akin kanina ay napalitan ng pagsusumamo. "Ganyan ka na ba talaga ka-slow?"

Napayuko ako at tuluyang tinalikuran ito dire-diretso akong lumabas ng bahay upang makahinga. Napasandal pa ako sa poste habang nakahawak sa dibdib ko ng muli itong kumabog ng malakas.

"Are you okay, miss?"

Napaayos ako ng tayo at napatingin sa lalaking nagsalita. Marahan akong tumango at sumagot,"Ahh oo. Ayos lang ako." bahagya akong ngumiti at akmang tatalikod na.

"I'm Eric by the way." pagpapakilala nito sa akin sabay lahad ng kamay sa harap ko. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kamay nito at sa mukha. Agad ko itong inabot at nagpakilala din.

The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon