SAMANTHA'S POV
"Excuse me, Everyone" tawag pansin ko sa mga empleyado sa team ko habang magkasalikop ang dalawa kong kamay. Lahat sila ay napatingin sa gawi ko at napahinto sa mga ginagawa. "This is Ms.Scarlet Dizon who will take over my position as a Marketing Administrator." pagpapakilala ko kay Scarlet. Kasalukuyan kaming nasa opisina.
Tumingin ako rito at sinenyasang batiin ang mga kapwa empleyado at buti na lang hindi masyadong revealing ang suot nito ngayon medyo hapit lang talaga sa katawan nito ang puting blusa at itim na palda na hanggang tuhod. Mukhang na-orient siya ng maayos ni Sandy.
"Good morning everyone. It's nice to meet you all." bati naman ni Scarlet sa mga kaharap.
"From there, That is our Marketing Strategies manager Ms. Luna Melbourne and on that left side That is our Market Research Director Mr. Alfredo Soledad."
Isa-isa kong pinakilala ang lahat ng empleyado sa kanya. Gumanti naman ng ngiti ang mga ito.
Muli kaming pumasok sa loob ng opisina ko at itinuro ang mga papeles. Pinaupo ko ito sa sofa at lumapit ako sa file cabinet ko. Hinugot ko ang ilang porfolio na itu-turn over ko sa kanya.
"These are the marketing log by year. Everything is organized here. So, hindi kana masyadong malilito sa mga ito." pagpapaliwanag ko. Habang inaabot ang makakapal na porfolio. "and this are the list of our clients. Twice a month kailangan mag-conduct ka ng meeting sa team mo."
Bakas sa mukha ni Scarlet na tila mahihirapan siya. Ngumiti ako dito at tumabi sa kinauupuan nito. Marahang kong ipinatong ang kamay sa balikat nito.
"Don't worry. Sandy will help you. Kapag may mga kailangan ka. Andyan si Sandy to guide you." pag-aassure ko dito. At tila nakahinga naman ito maluwag.
"Do I really need to memorize this?" mahinhing tanong nito sa akin. Tumango ako dito bilang pagtugon. Muling tinuon ni Scarlet ang sarili sa pagbabasa ng mga porfolio inabot ko.
"You can go back to your table. Inform me if your already done." maawtoridad kong usal dito. Tumango lamang ito at nilisan ang opisina ko.
Pumunta ako sa swivel chair at tangkang uupo ng biglang magsalita si Lucas. Nakatayo ito malapit sa bintana at nakatanaw sa labas.
"I miss my old life." saad ni Lucas. Agad naman akong napatingin dito. Ramdam ko ang lungkot na nagmumula kay Lucas. Nakatanaw pa rin ito sa labas ng bintana at tinatanaw ang mga taong naglalakad. "If I know that this would happened to me, mas pinahalagahan ko siguro ang buhay ko."
Napangisi ako sabay hinawakan ang likod ng swivel chair at lumapit kay Lucas na hatak-hatak ito. Natigilan si Lucas at napakunot ang noo ng bigla kong hinarap sa kanya ang swivel chair na dala ko. Ngumiti ako ng malaki sa kanya at napahawak ang dalawang kamay ko sa upuan.
"Upo ka." maawtoridad kong utos kay Lucas.
"Bakit?" nagtatatakang tanong nito.
"Basta upo ka."pangungumbinsi ko dito.
Naningkit ang mga mata ni Lucas at tila nagtatakang naupo sa swivel chair. Napahinga ako ng malalim at mahigpit kong hinawakan ang sandalan ng upuan at tulak ng malakas dito sabay sigaw ng...
"CHAIR UP MANYAK!"
Nanlaki ang mga mata ni Lucas ng tumama siya sa likod ng pintuan dahilan para tumagos siya sa upuan at tuluyang nalaglag sa kinauupuan. Inis siyang lumingon sa akin at pigil ko ang pagtawa sa natunghayan. Nasira ko ata ang kadramahan niya.
"What the heck! Samantha." asar na tanong ni Lucas sa akin ng makalapit ito sa akin.
"Ang gloomy kasi ng mood mo, hindi ako sanay. Nakakahawa." pigil tawang usal ko. Nagkrus naman braso nito at masama pa rin akong tinitigan nito.

BINABASA MO ANG
The Sky Above Us (COMPLETED)
FantasiaSamantha as a Marketing Administrator finally decided to cut ties with her long time boyfriend James who happened to be the owner of Xenon Publishing Company. Lucas as a famous and mysterious writer of a best selling book met an accident and got hi...