Samantha's POV
Tag-ulan na naman. Habang nakatanaw sa madilim na kalangitan ay marahan akong humigop ng mainit na kape. Nasa kalagitnaang taon na, nalalapit na naman ang tag-ulan. Hindi ako fan ng wet season. Hindi ko rin gusto ang tunog nito sa twing tumatama sa bubong ng bahay. Pakiramdam ko sinisigawan ako nito. Ang weird ba?
"Sam." tawag sakin ni Lana.
Napatingin ako rito at bahagyang umusod ng kaunti para makaupo sya sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nasa terasa ng bahay nila hawak ang kaniya-kaniyang kapeng pinatimpla nya sa kasambahay nila.
"Naipasa mo na ba yung resignation mo?" tanong nito sa akin. Napatingin ako rito at marahang tumango.
"Nung isang araw pa." sagot ko rito at muli akong humigop ng kape.
"Sigurado kana ba?" tanong muli nito sa akin
"Alam mo namang matagal ko nang plano ito diba?" sagot ko rito.
Napahinga ako ng malalim at dahan dahan ipinikit ang mga mata. Ang totoo may personal akong dahilan kung bakit nais kong umalis sa kompanyang pinapasukan ko.
Si James Torres ay ang dating kasintahan ko. Siya rin ang dahilan kung bakit ako nanatili sa kompanya ngunit ng malaman kong ikakasal na sya sa iba, napagpasyahan kong umalis na. Halos limang taon akong naghabol sa kanya maski siya ang may kasalanan saming dalawa. Kahit alam kong wala akong pag-asa ay itinuloy ko pa din dahil gusto kong isalba ang meron samin. Siguro nagtataka kayo kung bakit parang ako pa ang naghahabol sakanya. Siya na lang kasi ang pinagkukunan ko ng lakas ng loob. Ulilang lubos na kasi ako. Masyado kong itinuon ang atensyon ko sa kanya. Nakalimutan ko ng magtira ng para sakin, kaya naman masakit mang isipin na hindi siya para sakin ay nandito pa din ako sakanya.
Beep.. Beep.. Beep..
Pumasok ako sa loob ng kwarto kung saan ako pansamantalang naglalagi. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellhpone ko. Tumatawag sya. Napahinga ako ng malalim bago ko pinindot ang answer button. Itinapat ko ito sa tainga ko.
"Sam, What's this?" tanong nito na may halong pagka-irita. Wala man ako sa harap nya. Alam ko ang tinutukoy nya.
"I'm sorry . I quit" Seryosong sambit ko sakanya. Marahan kong pinunasan ang mga luhang nag-uunahang bumagsak sa pisngi ko.
"You can't do that, Sam. You promise me that you will never leave by my side." Mariing sabi nito sakin sa kabilang linya. Marahas kong pinunasan ang mga mata kong puno ng luha at napatingala.
"Ayoko na James. Please lang . Itigil na natin ito! Pagod nakong maghabol at umasa sa mga sinasabe mo!" sigaw ko rito.
"Sam, please can we talk in person? I badly need you right now." sabi nito sa kabilang linya.
"Sorry. Ayokong maging kabit . Pabayaan mo nako James. Magfocus kana lang sa magiging pamilya mo." pagkatapos kong sabihin iyon. I hung up. Nahiga ako sa aking kama habang patuloy sa pag-iyak. Hinayaan kong lunurin ng kalungkot ang sarili ko. Matagal ko ng nais gawin ito. Hanggang sa dalawin na ako ng antok.
KINABUKASAN
"Sam!"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng marinig ang malakas na tawag ni Lana . Kinusot kusot ko ng bahagya ang mga mata ko. Umaga na pala. Anu bang problema nung babaeng yun?
Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito kasabay ng pagpasok ni Lana sa loob. Dire-diretso itong pumasok sa kwarto ko at tila may hinahanap.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko rito.
BINABASA MO ANG
The Sky Above Us (COMPLETED)
FantasíaSamantha as a Marketing Administrator finally decided to cut ties with her long time boyfriend James who happened to be the owner of Xenon Publishing Company. Lucas as a famous and mysterious writer of a best selling book met an accident and got hi...