CHAPTER ELEVEN

103 37 3
                                    


SAMANTHA'S POV

Riiiiiiinnnngggggg!

Napakislot ako sa tunog ng alarm clock, napabangon ako at marahan kong iminulat ang mga mata ko. Muli rin akong napapikit sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Marahan kong kinusot ang mga mata ko at dahan-dahang dumilat. Nang masanay sa liwanag ang ito ay doon ko lang napagtanto kung nasan ako. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid .

"Bakit nandito ako?" bulong ko sa aking sarili. Nasa loob ako ng dati kong silid, hindi ako maaring magkamali napatingin ako sa mga kagamitan na nasa loob ng kwarto. Tumayo ako at nilapitan ang isang picture frame ng aming pamilya na nakadisplay sa maliit kong study table. Napapabuntong hininga ko itong hinaplos. Ramdam ko ang pangingilid ng mga luha ko. Napapalunok kong hinawakan ang bawat kanto ng picture frame namin. 

"Sam-sam! Ilang beses ka ba dapat tawagin?" isang pamilyar na boses na tumawag sakin.

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig at walang ano-ano'y tumulo ang mga luha ko sa taong nasa harap ko.

"Nay."  mahinang sambit ko. Inisang hakbang ko ang iilang distansya  nito sa akin at mahigpit na niyakap ito. Ramdam ko ang gulat nito sa ginawa ko.

"Ano bang nangyayari sa'yong bata ka?" tila naiirita nitong sambit sakin.

"Nay, sobrang miss na kita!" napahagulgol ako habang sinasabe ang mga salitang iyon. Ganun pa man ay mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko dito at hinayaang dumaloy ang luha sa balikat nito. Gumanti rin ito sa pagkakayap ko. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko sa aking mga mata. "Bakit niyo ako iniwan?"

"Anak." isang salita na mas lalo pang nagpa-iyak sa akin. Marahan nitong hinaplos ang likuran ko maging ang ulo ko. Ilang minuto rin kaming nanatili sa ganoong pwesto. Bahagya ako nitong inilayo at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at diretsong tumingin sa akin. "Anak, patawarin mo si Nanay. Magpakatatag ka lang, Anak ko. Lahat ng pangarap mo maaabot mo. Pagpasensyahan mo na ang nanay." Bumuhos ang luha nito at muli nya akong niyakap ng mahigpit. 

"Mahal na mahal kita Nay." hikbing usal ko.

"Mahal din kita anak ko." Marahan nitong pinunasan ang mga luhang walang tigil sa pag-agos sa mga mata ko. 

"Kung paniginip lang ito ayoko nang magising pa." Napayakap ng mahigpit si nanay sakin at muli kong naramdaman ang mainit niyang pagmamahal. "P-Pakiusap dito ka lang.." Hagulgol ko sakanya at bigla akong nakaramdam ng paglaho niya. 

Nanlaki ang mga mata kong napayakap ng mahigpit sakanya. "N-No! No! Please!" Pagmamakaawa ko pa kay inay. "H-Huwag mo kong iwan nay! I need you! N-Ngayun kita kailangan!"

Natigilan ako ng unti unti na siyang lumalabo sa aking paningin. Agad akong napakalas sa pagkakayakap sakanya kasabay ng mahigpit kong hawak sa kamay niya. "I'm sorry sam-sam." Mahinang usal ni nanay sakin. "Iiwan kita pero mananatili pa din ako sa tabi mo." at tuluyan na siyang nawala sa harap ko. Agad ko siyang sinunggaban ng yakap pero huli na ang lahat sakin.

Napayakap ako sa aking sarili at unti unting napaupo sa lapag dahil sa lamig ng aking nararamdaman. Iniwan ako ng tuluyan ng aking ina at nabalutan na ng dilim ang aking paligid.

"Kawawa naman ang anak niya. Hindi ba iniwan sila ng asawa niya?"

"Anu na lang ang mangyayare kay Sam kung wala na ang magulang niya?"

Isang tinig ang aking narinig at marahan kong napaangat ang ulo ko. Napatayo ako ng makita ko ang aking sarili na nakatapat sa kabaong ng aking nanay. Hawak ang isang bulaklak at tahimik na umiiyak. Napapalunok ako dahil sa mga bisitang nagbubulungan sa likuran ko. Alam ko ang mga sinasabe nila.  Akmang lalapit na sana ako sa kabaong ng aking ina ng biglang nagbago ang eksena. 

The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon