CHAPTER SEVENTEEN

92 29 6
                                    

SAMANTHA'S POV

"Mount Pulag is the highest peak here in Luzon, It's also known as the roof of Luzon." Panimula ng guide namin. Kasalukuyan kaming nasa headquarters kung saan ino-orient ang mga beginners sa pag-akyat. Napalinga ako sa paligid ko dahil iilan lang kami. Higit kumulang sampu lamang kaming aakyat ang ilan ay foreigner pa.

"Everyone brought something warm to wear?" tanong ni Kuya na nag-oorient sa amin habang iginagala ang tingin sa mga kasamahan ko. "We have here emergency blanket. Just in case you need one don't hesitate to ask me. We just want to avoid people getting hypothermia." Pagpapatuloy ni Kuyang Guide.

Napalinga ako sa paligid ko at mukhang pinaghandaan nga ng mga kasama ko ang lamig sa tuktok ng Mt.Pulag. Buti na lang naisipan kong mag-research muna. Hindi nga nagbibiro si Lucas ng sabihin nito ang lamig sa lugar na ito.

Napabaling ang tingin ko kay Lucas na abot tenga ang ngiti. Marahan akong humilig sa gawi nito na kasalukyang nakaupo sa kanan ko at bumulong.

"Happy na?" tanong ko dito. Lumingon ito sa akin at marahas na napatango habang hindi inaalis ang ngiti sa mga mukha. Balak ko sana magbiro kay Lucas. H'wag na pala baka masira ko ang mood niya.

"Hi." Isang maliit na boses ang tumawag ng pansin ko.

Napaangat ang tingin ko sa taong nagsalita. Isang lalaking taga ibang bansa ang lumapit sa akin. Matangkad at brusko ang tindig nito. Halos nahahawig siya kay Ji Chang Wook ng k-drama.

"Are you alone?" tanong nito sa akin. Napatutop ako ng bibig ng muli itong nagsalita. Pigil ang tawang hindi makatingin dito.

"No, she's with me." madiing sagot ni Lucas as if naman maririnig siya nang lalaki.

Napalunok ako ng bigla nitong inilahad ang kamay sa harap ko.

"I'm David, and you are?" nakangiti nitong pagpapakilala. Napakunot ang noo ko dito.

"Everyone, the jeepney we are going to use is already outside." Napatingin ako sa tour guide at pinaghanda na kami upang makaalis. Ngumiti lamang ako kay David at iniwan itong nakalahad pa rin sa ere ang palad. Tumayo na ko at bitbit ang isang backpack na naglalaman ng mga kakailanganin ko sa pag-akyat. Napatingin ako sa kaluluwang kasama ko.

"Bakit ganyan ka maka-ngiti?" takang tanong ko dito . Mukha siyang nanalo sa lotto kung makangiti. Bumaling ito sa akin at parang may ningning sa mga mata nito.

I rolled my eyes on him at lalo pang nagpalawak sa ngiti nito. Sumampa na kami sa pinakabubungan ng jeep at doon pumwesto. Kailangan pa daw namin bumyahe ng halos isang oras para makarating sa ranger station na tinatawag nila.

"Ang ganda." Namamanghang usal ko habang abala ang mga mata ko sa paligid. Naglalakihang puno at halos tanaw ang rice terraces. Ang araw na halos hindi maramdaman ang init dahil sa lamig na klima na dala ng sariwang hangin.

"This is the reason why I want to go here." Rinig kong sambit ni Lucas. Napalingon ako dito at bakas sa mata nito ang pagkamangha habang nakatingin sa rice terraces. Bahagya akong napakislot ng bigla itong humarap sa akin. "Napakaganda." Bulong nito ng hindi inaalis ang tingin sa akin.

Napalunok ako at agad napaiwas ng tingin dito.

Matunog itong natawa, "This is life!" malakas na sigaw ni Lucas na kahit ako lang ang nakakarinig sa kanya.

Makalipas ang isang oras ay narating namin ang Ranger Station. Dito daw maaring maka-rent ng tent na pwedeng gamitin kung nais magcamping. Isa-isa kaming bumaba ng jeep. Nang makababa ako ay bahagya kong binuksan ang suot na jacket dahil medyo uminit. Ibabalik ko na lang pag-paakyat na kami sa bundok.

The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon