SAMANTHA'S POV
Halos dalawang linggo na din ang lumipas nung huli naming pagkikita ni Lucas. "Akala ko ba manliligaw siya?"bulong ko sa sarili habang abala sa pagtingin ng mga libro sa isang bookstore. "Baka nga talaga nagpa-power trip lang yung taong yun?" inis kong tanong sa sarili ko. Baka naman nagsasabi siya ng totoo? sagot ng utak ko na agad ko rin iwinaksi. Ano kamo? Ghost? Sa tanda niyang iyon naniniwala siya sa multo? Naiinis akong dinampot ang isang aklat at di sinasadyang matabig ko ang librong isinulat ni Lucas. Dahan-dahan ko itong dinampot at akmang ibabalik sa shelves.
"Fine, wala naman sigurong mawawala sa akin kung babasahin ko ang iilang pahina dito." bulong ko at akmang bubuklatin ko na libro ng may biglang magsalita sa likuran ko.
"There you are."
Agad akong napaharap sa taong nagsalita kasabay niyon ang pagtago ko ng libro sa likuran ko. "L-Lucas."
Ngumiti ito sa akin at dahan-dahang lumapit sa akin.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
"Looking for you." maikling sagot niya sa akin.
"W-What?" hindi makapaniwalang sambit ko at bahagya pa akong napaatras dahil sa patuloy na paglapit nito sa akin. "P-Paano mo nalamang nandito ako?"
"I saw you earlier sa parking lot ng mall when I'm about to call you bigla ka namang nawala sa paningin ko." sagot niya. "Two weeks is enough. Siguro naman naniniwala kana sa akin?"
"If it's about the ghost you are saying. I still don't believe you. Stop bothering me." sagot ko sabay talikod dito mabilis akong lumakad papunta sa cashier at nagbayad ng mga pinamili.
Akmang lalabas na ako ng store ng may biglang humapit ng bewang ko dahilan para mapadikit ako sa kanya.
"Not so fast, babe." malambing nitong usal sa likod ng tenga ko. "Magde-date pa tayo. Lagi mo na lang ako tinatalikuran." may halong pagtatampong sambit nito. "I still court you, Samantha."
"At kailan naman ako pumayag magpaligaw sa'yo?!" matapang na tanong ko sa kanya. Bahagya itong yumuko upang magpantay ang tingin namin na sa sobrang lapit ay amoy ko ang mabangong hininga nito. At mas lalo pang hinapit ang bewang ko.
"Mamili ka magpapaligaw ka o isisigaw ko ditong girlfriend na kita?"
Agad na nanlaki ang mata ko sa inusal nito at ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko, "Nababaliw ka na ba?!" usal ko sabay tulak ko dito.
"Nope. You choose. You'll date me or I'll announce here na girlfriend na kita at soon to be my wife." mapang-asar na sambit niya na lalong nagpapula ng pisngi ko. "2 points for Lucas. I made you blush!" nakangiting usal niya pa habang nakaturo sa akin. Saka hinawakan ang kamay ko at hinila paalis sa bookstore.
Napatingin ako sa kamay kong kapit niya na animo'y mawawala ako pagbinitawan niya ito. Bakit ang taong ito pa ang nakakapagparamdam sa akin ng ganitong pakiramdam. Sa bawat pagdampi ng balat namin parang gustong kumawala ng puso ko sabay kaming magtatalon sa tuwang idinudulot niya sa akin.
"Hello?"
"Aww." usal ko ng biglang huminto si Lucas dahilan para mauntog ako sa likuran nito. Agad rin itong humarap sa akin ngunit ang isang kamay ay hawak ang cellphone nakadikit sa kabilang tenga.
'You okay?' walang tinig na tanong nito sa akin. Marahan lamang ako tumango at akmang bibitaw na sa pagkakahawak kay Lucas ngunit mas hinigpitan pa nito ang paghawak sa akin. "Yes, Lily. I can hear you."
Lily? na agad na nagpakunot ng noo ko. Babae yung kausap niya? napasimangot ako at inabala ang sarili sa pagtingin sa paligid.
"I'll be there in a minute." sagot nito sabay baba ng telepono. Marahan siyang humarap sa akin at halos mapunit ang kanyang labi sa pagkakangiti. Napapakagat pa ng labi habang nakatingin sa akin.

BINABASA MO ANG
The Sky Above Us (COMPLETED)
FantasiSamantha as a Marketing Administrator finally decided to cut ties with her long time boyfriend James who happened to be the owner of Xenon Publishing Company. Lucas as a famous and mysterious writer of a best selling book met an accident and got hi...