CHAPTER TWENTY-SEVEN

105 27 16
                                    


SAMANTHA'S POV

The day has come. Kasalukuyan kaming nasa malawak na event hall ng isang kilalang Mall sa Quezon City. Booksigning event not just for me but also for the other authors. Ang iba published book from Xenon, Psicom at Lib. Ilan lang yan sa mga publisher na nandirito sa event. Iginala ko pa ang tingin sa buong paligid, ang bawat author ay may kanya kanyang table kung saan maaring magpapirma ang kanilang reader. May iilan akong nakikilala sa mga manunulat na naroon. Si Stephenlie ay writer ng halos anim na libro. Maging si Chanel Tan ang author ng Dangerous Woman ay nakadalo rin. Wala pang gaanong readers ang nasa loob dahil hindi pa tuluyang binubuksan ang pinto. Hindi rin mawawala si Park Min Bin at si MisterTsaa ang writer ng As I sleep. 

"Ang tagal naman mag-start." reklamo ni Lana na nasa gilid ko. 

"Ano ka ba, inaayos pa yung mga tao na nasa labas. Nakita mo ba kung gaano kahaba yung pila doon and take note may mga bata din ang nakapila mukhang kay Samantha magpapapirma." saad ni Sandy.

"Ang taray! May fansessss!" pang-aasar pa ni Lana sa akin sabay palo sa balikat ko. Napangiwi naman ako at napapailing. "Panis ka sa isang author!"

Napanguso ako at napatingin sa kanya. "Bakit? Anong meron?"

"Kilala mo si Stephenlie diba?" sabay turo sa author na nasa harap lang namin. "YUng nagsulat ng Hear me, Demi."

"Oo, siya yun diba? Bakit?" tanong ko at napabulong na si Lana sa akin.

"Actually hindi lahat ng nakapila ay mga readers." at napatingin ako sa kanya sabay kunot ng noo."Yung iba dyan K-pop Fans!"

"Huh?! Bakit?"

"Eh Pano dinala niya yung mga portrayer niya na galing pa sa Korea." Natigilan ako at muling napatingin sa gawi ng babae. "Sila IU, Park Seo Joon, Lalisa Manoban at Taeyhung. Oh diba, bigatin!"

"Talaga? Sana orl." pang-gagaya ko ng tono ni Lisa Manoban.

"Wait, kilala niyo ba yung writer na yun.?" turo ni Sandy sa lalaking papasok ng event hall habang kalong-kalong ang isang bata. Napakunot ang noo kong tumingin sa direksyong iyon. "T-Teka di ba siya yung nakita natin sa labas ng Xenon kahapon?"

"Oo nga noh. Writer pala si pogi. Balita ko ayan yung may upcoming release ng story ehh. Ano nga ulit title non, Sandy?" tanong ni Lana

"Finding, Ms.Flatito." maikling sagot ni Sandy. "Wala ba silang platito sa bahay?"

"Anong kwento yun?" tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa lalaking kakapasok lang.

"Actually nung mabasa ko yung synopsis ng book niya may pagkakapareho ang story niyo. It's seems like sequel siya ng story mo." sagot ni Lana.

"Saan mo naman nabasa yun? Eh hindi pa nga narerelease yung story na yun ehh." tanong ni Sandy. Napatingin ako kay Lana habang hinihintay ang sagot niya.

"May friend ako kung saan nakapirma si Pogi ng contract. Ehh ma-chika ang lola mo kaya na-share niya sakin yun." sagot naman ni Lana. "Oh my God! papalapit sila dito." napalingon ako sa tinuro niya. "Ayy joke. Katabi mo pala si pogi."

Napapailing kong inilibot ang tingin sa buong paligid. "Nasan na nga pala si James?" takang tanong ko kina Sandy. Nagkibit-balikat na lamang ito at akmang tatayo ako ng biglang hawakan ni Lana ang braso ko.

"Saan ka pupunta? Magsisimula na ohh." saad niya sabay nguso sa mga papasok nang mga readers.

"M-mag-babanyo sana." maikling sagot ko.

"Ganun ba? O, siya sige bilisan mo at papipilahin na lang muna namin sila." sagot niya sabay alis ng pagkakahawak niya sa akin. 

Dumiretso ako sa isang hallway kung saan nagtuturo ng daan patungo sa banyo. Akmang papasok na ako sa loob ng banyo ng makita ko si James papasok sa exit door malapit sa c.r at pabagsak niya itong sinara. Nangunot ang noo ko sa inasta ni James kung kaya't sinundan ko siya. Agad naman akong natigilan ng makita ko ang isang magandang  babae na kausap niya. Bahagya akong gumilid upang hindi nila ako makita at pinakinggan ang kanilang usapan.

The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon