LUCAS POV
Bumagsak sa sahig si Samantha kasabay ng pagbukas ng pinto ng elevator. Agad akong napalayo sa biglang lumapit ang isang lalaki dito.
"Samantha!" rinig kong sigaw nito habang papalapit kay Samantha na walang malay.
"Sir James, the medic is already here." sagot ng maintenance ng elevator. Daglian nitong binuhat si Samantha palabas ng elevator. Napakunot ang noo kong tinitigan ang pagbuhat nito kay Samantha. Agad akong napasunod sa mga ito. Isinakay nila sa ambulance si Samantha.
Napatitig ako sa lalaking nakahawak sa kamay ni Samantha.
"Sus! Makahawak naman sa kamay ni Samantha!" inis na sambit ko. Naasar akong tinitigan ito mula ulo mukang paa este mula ulo hanggang paa. "Mas gwapo pa rin ako sa'yo." naiiritang sambit ko.
Wala pang ilang minuto nang makarating kami sa ospital. Agad namang inasikaso ng mga nurses si Samantha. Sumunod ako sa mga ito at pinanood ang kilos ng mga ito kay Samantha.
"Who's with the patient?" tawag pansin ng doktor.
"Me." rinig kong sagot ni James. Napalingon ako sa mga ito at lumapit sa kinatatayuan nila upang marinig ko ang kanilang usapan.
"She's already fine and mabuti na lang at narescue niyo siya agad dahil kung hindi baka kung napano na siya sa loob ng elevator at maging sanhi pa ng kanyang pagkamatay." sambit ng doktor. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito.
"Thank you Doc." maikling sambit ni James.
"Ililipat na namin siya sa kanyang kwarto. She needs to rest. Tomorrow she can go home." usal pa ni Doc. Napatango lamang si James at lumapit sa nakahigang si Samantha.
Makalipas lang ang ilang minuto ay nailipat na sa isang kwarto si Samantha. Naupo ako sa kaliwang bahagi ng gilid ng kama nito at pinagmasdan ang mahimbing na pagtulog nito.
"I'm sorry Samantha." mahinang bulong ni James. Agad naman akong napalingon dito na kasalukuyang nakaupo sa kanan ni Samantha. "Sorry kung mas pinili ko sila kesa sayo." dugtong pa nito."Ikaw ang mahal ko, Samantha pero magkakaroon na ako ng anak sa iba." pagpapatuloy nito habang nakatingin sa nakapikit na si Samantha.
"Walang may pake! Booo!" sigaw ko kay James.
Napukaw ng atensyon ko ang kaliwang kamay ni Samantha na mahigpit na nakakapit sa kobre-kama. Napalingon ako sa mukha nito at tila mariing napapikit.
"I still love you, Samantha. I really do." malungkot na usal nito. "Kung pumayag ka lang sana sa gusto kong mangyari." Maya-maya lamang ay tumunog ang telepono ni James napalingon naman ako dito. Hinugot nito ang cellphone at sinagot ang tawag.
"Yes, Baby?" sagot nito. Napasapo pa ito sa noo at nagpabalik-balik ang tingin kay Samantha."Yes, I'll be there in a minute. N-nagkaroon lang ako ng biglaan meeting." pagsisinungaling nito sa kausap.
Nakaramdam naman ako ng pagka-irita. Muli kong ibinalik ang tingin kay Samantha na napapakunot pa ang noo sa naririnig ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata.
"Wait, I can't hear you. I-i call you back when i got there." pagpapaalam ni James sa kausap. Kinuha lamang nito ang ilang gamit at akmang hahalik sa noo ni Samantha. Buong lakas ko sinigawan sa kaliwang tenga si James at natigilan naman ito sa binabalak. Napahawak pa ito sa magkabilang tenga.
"Bakit biglang lumamig? "Lumingon si James sa magkabilang gilid. Buti na lang talaga hindi niya ako nakikita.
"Ako yon tanga!" muling sigaw ko at napaatras naman ito. Napahawak pa ito sa batok at tila kinikilabutan pa si James na napatingin sa side ko. Napapailing itong lumabas ng kwarto ni Samantha."I-score ka pa ahh!" malakas na sigaw ko habang tinatanaw ang paglabas ni James.
BINABASA MO ANG
The Sky Above Us (COMPLETED)
FantasiSamantha as a Marketing Administrator finally decided to cut ties with her long time boyfriend James who happened to be the owner of Xenon Publishing Company. Lucas as a famous and mysterious writer of a best selling book met an accident and got hi...