CHAPTER TWENTY-SIX

98 28 19
                                    


LUCAS POV

"Morning babe." Isang boses ang nakapagpabalik sakin sa realidad. Pansin ko ang isang babaeng nakasuot ng polo kong puti na may hawak ng sandok habang amoy na amoy ang sunog na pagkaing kanyang niluluto. Nakapusod ang itim na itim at mahaba niyang buhok. Kita ko ang pawis na dumadaloy sa leeg niya at parang nahihirapan pa.

"Sana ginising mo nalang ako para ako ang nagluto sainyo." saad ko at napanguso naman siyang humarap sa akin. Pansin ko ang isang batang nakapalumbaba na nakaupo sa harap ng babaeng mahal ko, lumapit ako sa kanya at naipatong ko ang kamay ko sa ulo niya."Good morning, Jam." bati ko sa anak ko at napatinigin naman siyang nakanguso sa akin. Marahan kong inilayo ang plato nito at napanguso naman itong tumingin sa akin. "Don't worry, I'll cook for the both of you." Pareho silang napabuntong hiningang dahil sa sunog na pagkain nasa harap nila. Bahagya naman akong natawa sa naging reaksyon nilang mag-ina dahil halos wala kasing pinagkaiba ang reaksyon nila at iisa lang ang kanilang galaw

"I told mommy to follow the instructions on youtube, but she didn't listen to me." nakangusong sumbong sa akin ni Jam.

"I'm more on experiment, baby." natatawang sagot ni Hannah sa anak namin. "Look, our experiment didn't went well but we had fun."

"But you make sunog the eggs." sagot pa ni Jam habang sinusundot ang itlog na nasa harapan niya. "And look Papa, I can't recognize the hotdog. It's not hotdog anymore, It's 'burned' dog" 

Nagkatinginan kami ni Hannah at sabay kaming napahagalpak ng tawa sa tinuran ng aming anak. Binuhat ko si Jam at iniupo sa silya. Marahan kong ginulo ang buhok nito sabay halik sa ulo niya. Hinigit ko palapit sa akin si Hannah at marahang sinayaw-sayaw na animo'y may tugtog na kami dalawa lang ang nakakarinig. Kinuha ko ang hawak nitong sandok at saka inalalayan sa pag-upo. 

Kumuha ako ng paper towel at pinunasan ang pawis na nagmumula sa leeg ni Hannah at saka siya hinalikan sa noo. "Stay put lang kayo dyan, I'll cook your favorite food."

Napahagikgik naman si Jam sa paghalik ko sa ulo niya. "Watch and learn." mayabang na saad ko habang nakatunghay sa akin si Hannah. "Ayokong napapagod ang reyna ko at ang prinsesa ko." dugtong ko pa at pina-alon alon ko pa ang dalawang kilay habang nakatingin sa mag-ina ko.

"Hmp! Yabang." natatawang usal ni Hannah. Nginitian ko lamang ito at saka pinagpatuloy ang pagluluto. 

Ito yung klase ng pamilyang pinapangarap ko, simula't sapul si Hannah talaga ang gusto kong maging ina ng magiging anak ko. Nang matapos akong magluto ay inihain ko na ang pagkain sa harap nila. Napapalakpak naman si Jam ng makita ang niluto ko.

"Kain ng mabuti." usal ko habang minamasdan ang reaksyon ng mag-ina kong humihigop ng mainit na sabaw, napapangiti akong sumandok na rin ng kanin at nagsimulang kumain.

"Oh. How's the book your writing pala?" tanong ni Hannah sa gitna ng paghigop nito ng sabaw. Natigilan ako at napatitig sa mukha niya.

"Good, but some of it is parang may kulang." sagot ko sa kanya. Totoo para akong bumalik sa pag-uumpisa ng pagsusulat ko, I mean walang kabuhay-buhay at parang may hinahanap akong isang bagay. Walang emosyon at maski ako ay parang hindi kuntento sa aking likha. There's a part of me that's not into that story.

"What's the title again?" muling tanong ni Hannah.

"Finding Ms.Fla---"

"Finding, Ms.Flatito." pagtutuloy ni Jam, napangiti ako at marahang ginulo ang buhok nito.

"How did you come up with that title for your book?" saad ni Hannah. "Sounds like you are looking for a fish."

"I don't know. I just woke up and finding myself writing that title." seryosong sagot ko sa kanya. It's true kahit ako ay hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit iyon ang naisulat ko na para bang may hinahanap ako. 

The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon