CHAPTER TWENTY-EIGHT

125 27 28
                                    


SAMANTHA'S POV

"Sam, Are you okay?" tanong sa akin ni James dahilan upang mapabalik ako sa kasalukuyan. Napatitig ako sa mga mata niya at marahang tumango. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa saka inilapit sa labi nito. Bahagya niyang hinalikan ang likod ng palad ko at muling tumingin sa mga mata ko. "I love you Sam."

Napayuko ako at napapikit ng mariin, tila ba may isang lalaki akong nais makita sa aking imahinasyon. Napahawak sa dibdib na parang iba na ang taong tinitibok nito. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ba dapat matuwa ako dahil mahal ako ng taong kaharap ko? Bakit pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko? Bakit parang may mali na hindi ko alam kung ano..

"Sam." muling pagtawag sa akin ni James at napatingin ako sa kanya.

"I-I'll go to the restroom." at marahang binawi ang kamay na hawak niya. 

Nang makapasok sa loob ng banyo ay napalapit ako sa sink at napahinga ng malalim. Binuksan ang gripo at sinimulang maghilamos upang magising ako sa isang nakakalitong nararamdaman ko.  Iniangat ko ang tingin sa repleksyon ko sa salamin at napahawak ng mariin sa lababo. "What's wrong with you, Samantha?"seryosong sambit ko sa sarili at napalapit pa ang mukha ko sa salamin. " Alam kong mahal ko si James. Natatandaan kong mahal ko siya at mahal niya ako. Pero bakit ganito?" at ramdam ko ang pamumuo ng luha ko sa mga mata. "Parang sa kada paggising ko sa umaga ay siyang pagbawas ng pagmamahal ko sa kanya." 

Gusto kong marinig ang tatlong salitang iyon pero hindi kay James. May boses akong nais marinig habang sinasabi ang katagang iyon. Isang malalim na boses na hinahanap ng tenga ko at isang matamis na himig para sa akin.  

Napapikit ako ng mariin at muling nag-isip, "Ano bang nangyayari sa akin?"

 "Naguguluhan ka na ba?" isang mahinhin na boses ang aking narinig. Napadilat ako at saktong pagmulat ng mata ay katabi ko na ang isang magandang babae. Nakatingin siya sa salamin habang nag-aayos pa ng sarili. "Napakaganda naman ng kwintas na suot mo." usal nito ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Napapayuko akong napahawak sa pendant at muling tumingin sa babae. 

"Hindi ko nga po alam kung saan ko ito nakuha at hindi ko rin naisip na tanggalin." sagot ko at napangiti siyang lumapit sa akin. "Parang may kulang kasi sa akin kapag inalis ko ito sa katawan ko."

Hinawakan niya ang pendant ko at isang nakakalokong ngiti ang kanyang pinakita habang nakatingin siya sa pendant ko. "Maybe you can't remember him, but your heart does." Natigilan ako sa isang makahulugang saad niya sa akin at napatingin sa mga mata niya. 

Parang may kung anong hiwaga sa babaeng ito para hindi ako makapag-react sa kanya. Hinawakan niya ang baba ko at napatingin pa sa mga mata ko. Ramdam ko ang unti-unting pagpikit ng mga mata ko kasabay ng isang mala-anghel na boses na nasa harap ko.

"Mababago niyo ang itinadhana sa inyo sa oras na isa sainyo ang makaalala sa isa't isa." sambit niya sa akin na mas lalo pang nagpagulo ng isip ko.

"A-Anong ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong ko kasabay ng pagdilat ng mga mata ko  gayun din naman ang paglaho ng babae sa harap ko. Bahagya akong napaatras at mahigpit na napahawak sa kwintas na suot. Dali-dali akong lumabas ng c.r at napasandal sa pader. Ramdam ko ang kaba at ang takot sa nasaksihan. Muli pa akong lumingon sa banyo bago tuluyang bumalik sa mesa namin ni James.  

"What's wrong, Sam? Bakit namumutla ka?" nag-aalalang tanong niya sa akin ng tuluyan akong makalapit sa kanya. Napahawak ako sa pisngi ko at ramdam ko ang panlalamig nito. 

"W-Wala." nanginginig na sagot ko. Kasunod niyon ang paglapit ng waiter sa amin bitbit ang pagkaing inorder niya.

"Are you sure?" tanong pa niya. Napatango na lamang ako sa kanya. "baka napagod ka lang sa event kanina." sagot niya sabay senyas sa waiter paalis matapos mailapag lahat ng pagkain. Napatitig ako sa mga mata niyang abala sa pag-aasikaso sa akin.

The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon