SAMANTHA'S POV
Marahan kong nahilamos ang mga kamay sa mukha nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko, idinilat ko ng bahagya ang isang mata ko. Napabaling ako pakaliwa at saktong pag-ikot ko ay mukha ni Lucas ang aking nakita.
"AYY ENGKANTO!" malakas na sigaw ko kasabay nang pagkahulog ko sa kama. Paano ba naman nakatunghay si Lucas habang nakapatong ang mga kamay sa kama at nakatitig sa'kin. "Aray ko po." sambit ko habang hinihimas ang bandang pwet dahil sa aking pagkahulog. Humilata sa kama si Lucas at natatawang napatingin sa akin.
"Stupid."
Sinamaan ko ito ng tingin at unti-unting tumayo habang hawak pa rin ang pwet na parang nalamog sa pagkakahulog. " Ang aga-aga pa Lucas. Nang iistorbo kana agad! At saka hindi mo ba alam ang salitang privacy?!" naasar na sambit ko. Aga-aga bina badtrip ako ng multong to!
"Woah! Hiyang-hiya naman ako sayo. Pinatuloy kaya kita dito sa bahay ko." mayabang na sambit nito. Ipinatong pa nito ang dalawang kamay sa likod ng ulo nito at diretsong tumingin sa akin. "Since dito kana muna magi-stay pansamantagal. Ikaw na muna ang tumao dito sa bahay ko habang hindi pa ako nakakabalik sa katawan ko. Don't worry no one knows this house of mine, except my ex-girlfriend." may halong pait ng banggitin niya ang huling salita.
"Bakit gusto mo akong mag-stay dito?"
"Are you really that stupid? Malamang wala kang matutuluyan kaya kita pinatitira dito. And of course you have a mission right? We have to fulfill your wish so I can go back to my body." pagpapaliwanag nito. "At dahil dito kana muna titira. Ikaw din ang maglilinis ng buong bahay na to."
"What?!" gulat na tanong ko.
"What your face!? Anong akala mo libre lang pagpapatira ko sa'yo dito? You have to do the chores. STUPID!" tumayo ito at dahan-dahang lumapit sa kin. Bahagya itong yumuko upang magka-level ang mga mukha namin at diretsong tumingin sa mga mata ko. Napapalunok akong napatitig dito."There's no free in this world, baby." kasabay ng pagsambit niya ng huling salita ay siyang paglaho nito sa hangin. Naibuga ko ang hangin mula sa akin bibig dahil sa kabang naidulot ni Lucas sa akin. Daglian akong pumasok ng bathroom at binasa ang mukha.
Kinuha ko sa ang nilabhan kong damit kagabi na sinampay ko sa loob ng bathroom, medyo basa-basa pa nga. Lumabas ako at nagpalinga-linga sa paligid upang maghanap ng plantsa.
"Pa-plantsahin ko na lang muna siguro." mahinang bulong ko sa aking sarili. Nakakahiya naman kung gagamitin ko ang mga damit dito. Pwede na to. Napabuntong hininga ako nang maalala ang nagyari kagabi. Ano kayang pwede kong idahilan kay Lana? Napatingin ako sa cp kong na-drain na ang battery. Hinagilap ko ang bag at inilabas ang charger. Naghintay ako ng ilang minuto bago pinindot ang power on. Inilapag ko ito sa side table at muling bumalik sa ginagawa. Napakislot ako ng biglang tumunog ang cp ko.
"James?" bulong ko ng makita ang pangalan nito sa screen. Muli akong nagpakawala ng hangin at pinindot ang answer button.
"Samantha? Where are you?" bungad nito sakin mula sa kabilang linya.
"Why do you ask?" tanong ko rito.
"Lana told me that you didn't came home last night." sagot nito.
"So? Why do you even care?" naasar na tanong ko. Napakunot ang noo ko kasabay ng pagpapakawala ko ng matunog na hangin.
"Fuck! Samantha. Of course I care for you! I'm worried sick!" sigaw nito sa kabilang linya. Napapangiwi akong nailayo sa tenga ko ang cp at hindi makapaniwala sa inaasal ni James.
"Stop the act James. We're through." sambit ko sabay pindot ng end call button. Napatingin ako sa screen ng cp ko at nakita ang maraming messages mula kay Lana at James . Napapabuntong hininga kong binitawan ang cp at muling inilapag ito sa side table. Makalipas ng ilang minuto ay nagpasya na akong bumaba.
BINABASA MO ANG
The Sky Above Us (COMPLETED)
FantasySamantha as a Marketing Administrator finally decided to cut ties with her long time boyfriend James who happened to be the owner of Xenon Publishing Company. Lucas as a famous and mysterious writer of a best selling book met an accident and got hi...