CHAPTER TWENTY-NINE

104 25 23
                                    

LUCAS POV

(Before the booksigning event.)

Nagmulat ako ng mata at bahagyang nagulat ng salubungin ako ng kadiliman. Iginala ko ang aking tingin ngunit ni isa ay wala akong makita. Nandirito na naman ako sa lugar na nababalutan ng lamig at kalungkutan. Pero sa bawat pagpikit ko ng aking mata ay siyang liwanag ng aking nakikita. Ang kahapon na parang kulang sakin ay unti-unting nadadagdagan dahil sa mga bagay na aking nararamdaman.  Ngayon ay may hawak na akong kandila na nagsisilbing liwanag ko sa lugar na ito.

Napakunot ang noo ko at marahan kong iginala ang kamay kong may bitbit na kandila upang makita ang lugar pero ni isa ay wala akong maaninag.

"TULONG ! TULUNGAN NYO AKO!!"

Isang malakas na sigaw ang aking narinig mula sa kadiliman kung kaya't agad ko itong sinundan. Natigilan ako ng makita ko ang aking sarili habang may hawak na kandila at parang takot na takot pa.

"NASAN KAYO? TULUNGAN NYO KO! NANDITO AKO!" 

Muling sigaw niya na lalo ko pang pinagtaka, napukaw ng atensyon ko ang kandilang dala ko dahil sa apoy na umiihip papunta sa kabilang direksyon.

"How is he?"

Isang pamilyar na boses para sa akin. Isang matamis na tinig na parang hinahanap-hanap ng tenga ko. Napahawak ako sa dibdib ko at tangkang lalapitan ang tinig ng biglang magliwanag ang paligid. Laking gulat ko ng makita ang aking katawan na nakaratay sa isang ospital, gayundin naman ang paglapit ng isa ko pang katauhan sa babaeng nakatalikod sa akin.

"Not good Ms.Sam. Ang sabi ng doktor tanging milagro na lang ang makakaligtas sa kanya"  Napakunot ang noo ko ng makita ang aking assistant na kausap ang babaeng nakatalikod sa akin.

Sam? Sam is her name?

"Ang gandang lalaki noh?"  sambit ng isa ko pang pagkatao na tila hindi niya ako nakikita. Napapangiti sa nakakatuwang nangyayari sa akin ngayon. Tatlong Lucas Del Fonzo ang nandito sa kwarto. Isang walang malay na nakahiga sa kama, isang lalaking nasa harap kong may hawak na kandila at ako na naghihintay sa mga susunod na mangyayari.

"Oo, Napaka gwapo nya"  mahinhing bulong ni Sam habang hindi inaalis ang tingin sa nakahiga kong katawan. At tila may kung anong kiliti akong naramdaman sa kaibuturan ng puso ko. May kung anong pananabik ang aking naramdaman kung kaya't napalapit pa ako ng bahagya upang makita ang kanyang mukha 

 "Who are you?" bulong ko at lalo pang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Ito na ba si Miss Flatitong hinahanap ko? Malalaman ko na ba ang kanyang pagkatao?  Napahakbang pa papunta sa harap niya nang biglang...

"LUCAS WAKE UP!" Isang malakas na yugyog ang gumising at nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Agad kong idinilat ang mga mata at makita si Hannah na nag-aalalang nakatitig sa akin. "Are you okay?" bakas sa tinig niya ang pag-aalala. "I've been calling you many times."  

"Panaginip na naman pala." mahinang usal ko at napasapo ako sa noo ko. Iginala ko ang tingin sa buong paligid at nakita ko ang aking sarili sa salamin. "I'm fine, j-just go back to sleep." sabay bangon sa higaan upang tumungo sa kusina. 

Ilang saglit pa ay may tumawag sa akin ng isang makulit na boses.

"Papa?" tanong ni Jam habang kinukusot ang mumunting mga mata. Hawak niya ang paborito niyang libro na lagi niyang katabi sa kama. Napasulyap ako sa orasan na nakasabit sa pader. It's Four thirty in the morning 

Lumuhod ako upang magpantay ang aming paningin at napahawak sa mukha niya, "You're awake. It's too early baby." 

Ngumiti siya nang bahagya sa akin at napapahikab pang  ipinakita ang hawak na libro. "Today is her day, Papa! I'm gonna meet Ate Sam!" Natigilan ako ng marinig muli ang pangalan na binanggit ni Jam. Inilahad niya sa akin ang hawak na aklat at isang matamis na ngiti ang kanyang ipinakita. "She's gonna sign my book po!" 

The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon