One week Earlier...
KAORI POV
I woke up a normal Sunday morning.
"Good morning Dale" bati ko sa picture ni Dale na nasa tabi ng bedside table ko.
Four years na ang mabilis lumipas pero nananatili pa rin sa puso ko si Dale.
I'm asking myself, magkikita pa kaya ulit kami?
Kahit sa langit magkikita pa kaya kami? Kapag ba nagkita kami makikilala nya pa kaya ako?
I'm thinking too much. Ang aga-aga.
Tumayo na ako at dumiretso sa banyo ko para gawin ang morning rituals ko.
Bumaba ako para magluto. Simple bacon with egg lang.
Simula ng nawala si Dale ay tinamad na rin ako magluto.. Ako lang naman kakain.
Habang nakain at nagkakape ay nakaharap din ako sa Laptop ko para sa mga take home work.
Being a President of Big company is not easy. I need to step up big time. Yung responsibility na nakapatong sa balikat ko ay di basta basta. Maraming umaasa sa akin na manggagawa kaya hindi ko na alam ang salitang pahinga.
Nakakapagod? Oo. Wala naman na ako ibang ginagawa kundi magtrabaho. Simula ng ipasa sakin si Daddy ang position nya wala na akong nagawa kundi tanggapin ang responsibilidad.
"Good morning Babe!" masayang bati ni Lance na kakapasok lang ng bahay.. Inirapan ko naman siya.
"Hindi ka na naman nag-lock ng Gate. Ikaw lang mag-isa dito kaya dapat maging vigilant ka. Tsk" pangaral nito.
"Hello Baby!" bati ko kay baby hannah na hindi pinansin ang sinabi ni Lance.
"Grabe si Hannah lang binati!" maktol niya..
"First of all mister, i'm busy at iniistorbo mo ko.. Don't expect me to give you a warm welcome." ngumisi naman siya sakin..
"Yun na nga e. Masyado ka ng stress sa work mo kahit Sunday kaya naisipan ka namin dalawin ni Hannah." nilaro laro ko naman ang kamay ni Baby Hannah.
Ang cute talaga ng maliit na kamay ng baby.
"Thank you! But next time don't call me Babe baka pagselosan ako ni Angela." we've become close friend ni Lance.
Okay naman kasi siyang friend.
"Kahit magselos yun, hindi ako iiwan nun! Mahal na mahal ako nun e hehehe" mayabang na tawa nya pa.
Bakit ba may mga ganyan? Porket alam nilang mahal na mahal sila ng tao, aabusuhin na nila.
Tapos kapag napuno na sa kanila, hahabol habol sila.Hindi ko sinasabi na ganon din si Jelay ha? Tsk
That jerk who left me four years ago...
I was so devastated that time.. I lost myself, i lost everything..
Si Jelay at Dale lang ang alam kong meron ako noon. Dumating sila ng sabay at nawala din sila ng sabay.
Aaarggghh! Enough! Hindi Thursday para mag throwback tayo!
I don't want to talk about her!*Dingdong
Parehas kaming napatingin ni Lance sa may pinto.
Bigla akong kinakabahan. Hindi ko alam bakit.
"Check ko lang muna" paalam ko sa kanya.
Sinisilip ko ang taong nasa labas pero buhok lang nakita ko.
BINABASA MO ANG
Take My Side (Book II)
FanfictionBOOK TWO po ito ng The Other Side so bago nyo po ito basahin, paki basa muna yung The Other Side hehehe SALAMAT SA WALANG SAWANG PAGSAMA KAY MS. PRESIDENT at MS. NARCISSIST!