Chapter 37

567 39 24
                                    

KAORI POV

"Is that what you want?" malamig na tanong nya sa akin.

"Yes." matapang na sagot ko.

Tumitig siya sa akin na parang napaka imposible ng sinasabi ko.

"Ok." sagot nya habang tumatango tango?

Napayag siya? Na alin? Mag-stay or mag break kami?

Bigla siyang tumalikod at naglakad palabas.

"Jelay! Isa." banta ko sa kanya kahit nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba.

Huminto siya sa tawag ko. Akala ko ay lilingonin nya na ako pero muli siyang naglakad.

"Bumalik ka dito, Jelay!" hindi nya ako pwede iwan.

Muling tawag ko sa kanya pero parang di nya na ako narinig.

Binalot na ako ng kaba kaya agad ako tumakbo sa kanya at niyakap siya mula sa likod..

"Dito ka lang, Jelay.." hindi ko alam pano ko pa nagawang sabihin yun ng hindi nababasag ang boses ko.

Ayuko. Ayukong iwan niya ako. Ayukong maghiwalay kami.

"Let me go.." madiin na utos nya pero mas hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya.

"Mas pipiliin mo pa talaga ang kaibigan mo kaysa sakin? Kaysa sa relasyon natin?" hindi ko naman gusto papiliin siya dahil ito ang kinakatakot ko. Ang hindi ako ang piliin niya pero nadala ang sitwasyon kanina.

Nagseselos ako dahil sa Date nila at pagsisinungaling niya sa akin.

Karapatan ko naman magalit dahil nagsinungaling siya sakin diba?

"Why do i need to choose?!" pikon na tanong nya.

"Why don't you choose me?" gusto kong magmakaawa sa kanya na piliin niya ako. Na wag nya akong iwan pero pinilit nyang tanggalin ang kamay kong nakayakap sa kanya.

Humarap siya sakin at tinitigan ako sa mata.

Nakikita ko ang mga pagod sa mata niya.

"Ayuko na Kaori.. Ayuko na. You're so controlling! Nakakapagod. May sariling pag-iisip din naman ako. I can decide for my own sake! Sobrang selosa mo. Nakakasakal na!" bawat salitang binato niya ay sobrang sakit sa akin pero alam kong nasasaktan din siya.

Paulit ulit lang tumakbo sa isip ko ang sinabi niya. Lalo na ang mga katagang ayuko na Kaori.

Ayaw nya na sakin. Napagod na siya. Nasakal na siya.

Hindi ko namalayan na wala na pala si Lexus. Wala na si Jelay. Nakaalis na siya.

Dun ko naramdaman ang panghihina ng tuloyan ng mga tuhod ko..

Nanghihina akong pumasok sa loob at naupo sa couch..
Pinigilan kong umiyak pero sumakit lang ang dibdib ko.

Sunod sunod ang naging pag-agos ng luha ko. Hindi ko mapigil ito. Parang walang katapusan at kapagoran ang mata ko sa pag-iyak.

Mahal na mahal ko si Jelay. Binigay ko ang lahat sa kanya. Ginawa ko ang lahat!

Pero ito na naman siya.. Inulit nya na naman. Kung kailan pakiramdam ko ang perfect na ng lahat ng nangyayari sa amin. Kung kailangan pakiramdam ko mahal na mahal niya ako na parang nananaginip ako ay bigla nya akong gigisingin.

Muli niya na naman akong iniwan sa ere.

Ayaw niya na sakin. Napagod na siya sa tulad ko at nasakal na siya sa pagmamahal ko.
Binigay ko na ang lahat, ginawa ko na ang lahat pero hindi talaga kami nagtutugma.

Take My Side (Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon