KARINA POV
Kanina pa nagsimula ang birthday party ko pero di ko pa rin nakikita si Jelay.
Nagpasya akong lapitan ang table nila Missy.
"Karina! Happy Birthday!" masayang bati sa akin ni Missy.
"Thank you!" sagot ko at nakipag beso sa kanya.
Binati din ako ni Gian at nung kaibigan nito.
"Wala pa ba sila Jelay at Kaori?" alam ko naman na magkasamang pupunta yung dalawa.
"Wala pa. Hindi pa nadating. Baka kung ano na naman ginawa kaya nahuli. Hahaha" tumatawang biro ni Missy..
Ngumiti na lang ako sa sinabi nya. Alam ko naman tinutukoy niya. At ganon naman palagi ang dalawa kapag nalate asahan mo na gusot ang damit at kung minsan may lipstick stain pa sa damit o leeg.
Hindi ko rin alam kung kailan ko simula naramdaman ito o kailan ko naamin sa sarili ko.
Nang una akala ko simpleng selos lang dahil nawawalan ng oras sa akin si Jelay pero ngayon hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
Normal pa ba nararamdaman ko sa bestfriend ko?
Gusto ko nung una makita lang siyang maging masaya. Kaya nga humiling ako sa libro na paglapitin ang mundo nila ni Kaori kasi alam ko, una pa lang attracted na si Jelay kay Kaori.
Nangangampanya pa lang si Kaori bilang Student Council President noon kung titigan na siya ni Jelay ay parang wala na itong ibang nakikita. Kumikislap ang mata nya habang nakatingin kay Kaori. Noon pa man malaki na paghanga niya dito.
Kaya natuwa ako ng malamang may gusto din si Kaori kay Jelay. Ang kaso lang parehas silang di sumusubok lapitan ang isa't isa.
Si Jelay kasi mataas ang pride. Di nya maamin na humahanga siya kay Kaori. Di nya rin ito nilalapitan kasi sanay siyang siya ang nilalapitan.
Nang magkalapit naman sila ay alam niyang may gusto si Kaori sa kanya pero hindi naman ito nagpapakita ng motibo. Nafrufrustrate si Jelay. Ibang iba si Kaori sa lahat. Hindi ito kailanman naghabol sa kanya.
Natutuwa pa akong panuorin siya nun na nababaliw kay Kaori dahil nilalabanan niya ang feelings niya. Hanggang maging okay sila.
I was genuinely happy. Tinulongan ko pa siyang mag-set up ng Dinner Date nila ni Kaori.
Ayun na ang unang beses na nakaramdam ako ng inggit.
Nang makita ko kung gaano nag-effort si Jelay kay Kaori. Pumasok sa isip ko agad na sana hindi ko na lang sinulat sa libro iyon.
Nagulohan din ako sa sarili ko pero ng mga panahon na iyon, ayuko na. Ayuko ng maging sila.
Hindi ko masabi kay Jelay na baka kaya huminto ang kwento sa libro ay dahil sa akin.
Baka hindi naman nahinto ang kwento dahil hinalikan ni Achi si Jelay. Kundi dahil pagbaba ko ng tawag ay hiniling ko na matapos na ang hiling ko. Matapos na ang paglalapit ng mundo ni Jelay at Kaori.
Pero dahil dun nakita ko kung paano mawasak ang mundo ni Jelay. Nawala sa kanya si Dale at Kaori sa isang iglap.
Sobrang nakukunsensya ako, sobrang nagsisisi ako. Naging makasarili ako.
Araw araw naghahabol si Jelay kay Kaori at sa tuwing nasasaktan sya nito ay dobleng sakit ang nararamdaman ko.
Hindi ko iniwan si Jelay dahil alam kong kasalanan ko bakit sila nagkaganon. Bakit nagkaroon sila ng mis-understanding pero hindi ko maamin.
BINABASA MO ANG
Take My Side (Book II)
FanfictionBOOK TWO po ito ng The Other Side so bago nyo po ito basahin, paki basa muna yung The Other Side hehehe SALAMAT SA WALANG SAWANG PAGSAMA KAY MS. PRESIDENT at MS. NARCISSIST!