Chapter 24

661 47 24
                                    

KAORI POV

Bweset na Karina! Hindi marunong makiramdam. Ito namang si Jelay hinahayaan lang.

Pagkatapos kumain ay hinanda ko na ang mga susuotin namin ni Jelay sa pagtulog.
Nauna na siyang maligo dahil wala na ako sa mood.
Yung magaling nyang bestfriend nasa Sala at nag-sosolo uminom.

Hindi ko alam paano kaming umabot sa ganito ni Karina. Okay naman kami dati pero simula ng kinausap nya ako para sa pag-alis ni Jelay, nakaramdam ako ng inis sa kanya.

Paki-ramdam ko talaga may gusto siya kay Jelay. Hindi naman malabong mangyari yun, matagal na silang magkaibigan malay ko ba kung na develop feelings nya kay Jelay.

Kahit naman may pagka-self centered si Jelay, mabait naman sya, maalaga, malambing dagdag mo pa na sobrang bango nya. Nakakadagdag talaga sa appeal.

Napapitlag ako ng bigla kong maramdaman ang yakap ni Jelay mula sa likod ko.. Ang kamay niya ay dumapo sa tiyan ko kaya naramdaman ko ang init nun.

Ang init ng katawan niya.

"What are you thinking?" parang nagiging hobby na ni Jelay tanongin ako kung ano iniisip ko.

"I am thinking that your bestfriend is really into you." matapat kong sagot sa kanya.
She just chuckled.

"That's impossible! Hahaha" natatawang sagot nya.

"At bakit?" taas kilay na tanong ko.

"Para na kaming mag-kapatid, Love. Di kami talo! Haha" tinitigan ko siya ng mapanuri.

"What if i'm right?" seryosong tanong ko sa kanya.

Nahinto naman siya sa pagtawa.

"I-imposible yang sinasabi mo." nauutal na sagot niya

"Kung totoo nga, ano gagawin mo?" pagpipilit ko sa kanya

"Edi wala. Ano naman gagawin ko?" inamoy amoy niya ang leeg ko.. Nakaramdam naman ako ng kiliti sa ginagawa nya.

"Hindi mo siya lalayuan?" tanong ko pa ulit

"I can't do that. She's my best friend. No matter what happened she will always be my bestfriend." kinalas ko ang kamay nyang nakayakap sakin at nilingon ko siya..

She is so serious. I felt a little stang in my heart.

"Okay. Maliligo na ako" paalam ko sa kanya at tumayo.

Habang nararamdaman ko ang tubig na dumadampi sa balat ko ay winawaglit ko sa isip ko ang hindi magandang nararamdaman ko.

Jelay loves you so much Kaori. Don't be so jealous. They are just friends.

Paulit ulit kong nireremind ang sarili ko na magkaibigan lang sila at di dapat ako magpa-apekto.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nilalagyan ni Jelay ng unan at kumot si Karina na natutulog sa couch.

"She fell asleep" paliwanag niya sakin. Tinangoan ko siya. Pakiramdam ko naubos ang lakas ko.

Si Jelay din ang naglinis ng mga kalat ni Karina sa sala. Pagkatapos nya asikasohin ang kaibigan nya ay tumabi na siya matulog sakin.

Niyakap nya ako mula sa likod at siniksik ang muka sa leeg ko.

"I'm gonna miss you" bulong nya sa akin..

Hinawakan ko ang kamay nyang nakayapos sakin at hinaplos haplos ang muka niya.

"Ayos ka lang ba, Love?" masuyong tanong nya.

"Yes." tipid na sagot ko at hinarap siya..

Nakayakap pa rin siya sa akin at halos tatlong pulgada lang ang pagitan ng muka namin.

Take My Side (Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon