Chapter 32

651 40 35
                                    

KAORI POV

Nagising ako sa mahihinang katok galing sa pinto.

"Jelay?" narinig kong tawag ni Kare..

Tinapik ko naman si Jelay sa braso nya. Nakayakap pa rin kasi siya ng mahigpit sa akin..

"Uhm?" ungol niya.. Pagod na pagod?

"Bakit?" ako na sumagot kay Karina na nasa labas pa.

"Darating na ang sundo natin papuntang Airport." saad nya. Hindi na ako sumagot. Hindi na rin siya nagsalita.

Ito na yata ang muling pag-uusap namin na hindi kami nagbangayan. Well, kung usap bang matatawag yun.

"Love.." i'm tracing Jelay's face using my finger tip.

Nakikiliti naman siya kaya di ko maiwasan mapangiti.

"Love, quick shower tayo. Darating na daw sundo maya maya." pagkasabi ko ng shower tayo ay mabilis na nagdilat ng mata si Jelay at ngumisi sa akin.

Napaka-manyak!

Nag-shower na kami hindi nga lang quick. Alam nyo na kung bakit kami medyo natagalan.

Naghintay kami sa Lobby ng hotel ng sundo.
Natutulog si Jelay sa balikat ko habang nasa tabi nya si Kare na naka-earphone.

Pinagmamasdan ko lang ang galaw niya..

"Puyat ka?" tanong ko sa kanya ng mapaharap siya sakin..

Nagtanggal naman siya ng earphone kaya inulit ko tanong ko.

"Puyat ka ba? Namamaga mata mo e" ulit tanong ko.. Umarko ang kilay niya sakin.

Nag-poker face lang ako sa ginawa niya.

"Sino kaya makakatulog ng maayos sa ingay nyo?" sagot nya sakin.

I just gave her a victorious smile.

"Ano feeling?" tanong ko

"Ng alin?"

"Marinig ang mahal mo na nakikipag-make love sa iba?" matapang na tanong ko sa kanya

Inirapan niya naman ako at tumingin sa ibang gawi

"Wag mo ko umpisahan, Kaori." may bantang saad niya

"Bakit di mo masagot tanong ko?" kunwaring inosenteng tanong ko

Nakita ko ang pagtatangis ng panga niya. I knew it. She has secret admiration towards Jelay. Noon pa man.

"Ano bang gusto mo mangyari? Ikaw ang girlfriend. Ikaw ang mahal. Ikaw ang naka-una. Bakit parang napaka-insecure mo naman ata sa akin?!" sunod sunod na pahayag niya. Nawawalan ata sya ng pasensya sa akin o nasagi ko ang pride niya?

"Hindi ako insecure. Ayuko lang ng mga taong oportunista." sagot ko sa kanya

Kalmado lang ako habang siya nang-gigil sakin.

"Oportunista? Ako?" tumawa siya ng pagak na animo'y di makapaniwala sa sinabi ko.

"Hindi mo alam sinasabi mo" sagot niya at sinalpak ang earphones sa tenga nya.

Rinig na rinig ko pa ang volume nun na mukang tinodo nya..

Oportunista naman talaga siya. Kunwari kaibigan lang pero ang totoo may tinatago. Pwede niya i-deny sa akin ang sinabi ko at sabihin na wala siyang nararamdaman kay Jelay pero di nya ginawa.

So it means, tama ako ng hinala.

Kaya hindi siya nagkaka-boyfriend or what dahil masaya na siyang bumuntot kay Jelay.
Alam niya lang talaga na hindi siya ang gusto ni Jelay kaya di siya umaamin dito.

Take My Side (Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon