Chapter 27

570 45 12
                                    

4 days has passed and it feels like 4 years again without Kaori.
I can't even call or text her. I miss her so bad.

Mabuti na lang ay nalilibang ako dahil sa sayang nakikita ko sa muka ng mga natutulongan namin.
And Kare never left my side kaya kinakaya ko pa pagkamiss ko kay Kaori.

I hope she miss me too.
What is she thinking or doing right now kaya?

"Jelay, wag mo laruin ang pagkain. Nakakahiya sa mga taong taga rito na kapos sa pagkain" narinig kong bulong ni Kare. Hindi ko napansin na nilalaro ko na pala ang pagkain ko.

I'm at the deep thought of thinking my love.

I hope she's doing fine.

"Sorry." hinging paumanhin ko kay Kare.

Nagsimula na rin akong kumain. Ang sarap nga ng mga luto nila dito.

"Gusto mo?" alok sakin ni Kare ng mangga na nahinog sa puno..

Tumango tango naman ako sa kanya. She slice it for me and put in my plate.

"Thank you bessy!" nakangiting saad ko.

This Charity event is one of the best moment we shared ni Kare. Masusulat ko sya sa best friendship moment namin.

We help each other. We care for each other at marami pa kaming napapasaya.

How i wish andito din si Kaori. It's good to share this kind of happiness with your love ones.

Sabi nga nila, the best feeling in the World is when you help someone.

Nang matapos kumain ay naglakad lakad kami sa labas para magpababa.

Kumukuha ako ng picture ng ibon ng lumapit sakin si Kare.
Binaba ko ang camera ko at lumingon sa kanya.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya. Para kasi siyang may gustong sabihin.

"Yep." tipid na sagot nya habang nakatingin sa paa nya.

She's scratching her knuckles.

"Spill it." ani ko

"E kasi! 4 days na tayo dito. Wala pa tayong selfie" parang batang sagot nya.

Tinawanan ko naman siya.

"I thought you have a big problem."

Hinampas niya ako sa braso pero di ganon kalakas. Mas malakas talaga mamalo si Kaori, may halong gigil yun kapag pinapalo ako nun e. Akala nya ata ang gaan ng kamay niya makahampas. Tsk

"Wag na nga! Yabang mo talaga. Diyan ka na. Picturan mo yung mga kauri mong hayop!" reklamo niya sa akin at tumalikod.

I focus my camera at her and took a photo.
Sinadya kong lagyan ng flash iyon para mapansin nya..

Napatingin naman siya sa akin.

"Sabi mo, picturan ko mga hayop?" nangingiting tanong ko sa kanya..

Kumunot naman noo niya. I laughed hard with her reactions.

Dumampot siya ng patay na kahoy at binato sakin. Hindi niya naman pinatama yun. Just a warning.

"C'mon! Let's take a selfie." aya ko sa kanya.

Naglakad lang siya palayo sakin habang nakabusangot. Sinundan ko naman siya.

"Ayaw mo? Bahala ka.. Ikaw din." nang-aasar na turan ko. Marahas siya humarap sakin at hinatak ang strap ng camera na nakasabit sa leeg ko kaya napayuko ako..

Take My Side (Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon