Chapter 19

607 42 40
                                    

JELAY POV

"Who's with you?" napalunok ako sa tanong niya.

I can foresee my body full of blood now. Help!

"Love, you look prettier kapag bagong gising" she glared at me.

"Who's with you?!" mas may diin na tanong nya.

"Mommy..." sagot ko

"And?" napalunok ulit ako.

I hug her sideways.. I rest my chin in her shoulder.

"You know that i love you so much right?" kinakabahang tanong ko.

"Wag mo kong dinadaan sa mga pambobola mo Jelay!" galit na turan nya.

Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

Where's the sweet Kaori go? I miss her. Nakakatakot ang Kaori na yakap ko ngayon..

"Don't be mad, Love.. It's not my decision. It's my Mom's decision." depensa ko na sa kanya..

She arch her brow..

"Sino nga?" mahinahon na tanong nya

"Si Kare. She's my bestfriend, Love." i've waited for her answer pero ng hindi siya umimik ay unti unti kong niluwagan ang yakap ko sa kanya para matitigan siya sa muka.

She's just serious.

"What are you thinking, Love?" tanong ko sa kanya.

"Nothing but we need to talk bago ka umalis." tumayo na siya at pumasok sa office nya.

Mabilis ko naman siyang hinabol.
Napatingin naman ako kay Lara na nginingitian ako.

"Bakit?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"Ang sweet ni Ma'am Kaori sayo" sagot nya sakin..

Napatawa naman ako na parang di naniniwala.

"Si Kaori sweet? Haha" natatawang tanong ko at lumapit sa kanya.

"You never saw the sweet side of Kaori." may halong lungkot na saad ko

"Pero sweet po talaga siya sayo. Ang cute nyo nga tingnan." pagpipilit nito

"Sweet kasi ako" nakangising sagot ko

"Hehe oo nga po. Kay Ma'am Kaori lang kayo nagpapahawak pero sweet po talaga si Ma'am Kaori sa inyo. Maliban sa negosyo, sayo lang siya may paki-alam" pagtatanggol nya sa amo niya.

If only she know how sweet the old Kaori is. I wouldn't argue with her. And maybe she don't know Kaori have a secret affair with Lance. Sabagay, secret nga e. Tsk

"Oras ng trabaho diba?! Bakit nakikipaglandian ka pa dyan?!" bulyaw sakin ni Kaori..

"Sweet nga." bulong ko kay Lara na natatawa.

"Ito na po Ma'am" sagot ko kay Kaori at pumasok na sa office nya.

Padabog na sinara ni Kaori ang pinto.

"Malingat lang talaga ako saglit lalandi ka talaga e! Ano pa kaya yung isang linggo." saad nya habang naupo sa pwesto nya..

"Have a little faith in me, Love." inirapan nya lang ako sa sinabi ko at nagsimula ng magtipa sa laptop niya.

"Mas gugustohin ko pa mabulag kaysa tumingin sa iba." i said to her while dancing my brows.

"Linyahan ng mga manloloko talaga yan." napahawak naman ako sa puso ko sa sinabi nya..

"Aww.. I'm not one of them" malungkot na sagot ko.

Narinig ko naman ang malakas na pagbuntong hininga nya.

Take My Side (Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon