Chapter 30 (FILLER)

846 45 49
                                    

8pm pa lang pero nandito na kami sa kanya kanyang tent namin.
Syempre share kami ni Jelay. Hindi ako nagdala ng Tent ko e. Hehe

Nakahiga kami at magkaharapan na kinakabisado ang muka ng isa't isa..

"Ang swerte mo nuh?" paninimula niya. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.

"Akalain mo, dati crush mo lang ako tapos ngayon girlfriend mo na ako." mayabang na saad niya.

Inisip ko naman ang sinabi niya.

Oo nga nuh? Dati crush na crush ko lang siya. Dalawang taon akong ligaw tingin lang tapos isang araw nagising na lang ako katabi na siya sa kama.

Hindi naging madali din dahil may hinihintay pa siya nun. Masaya na ako noon kapag napapansin niya. Sa simpleng mga gesture niya. Grabe.. Ang swerte ko nga! Pero di ako papahalata dahil lalaki ang ulo niya.

Naalala ko ang sinabi ni Achi sakin.

"Bakit sabi ni Achi, umpisa pa lang daw gusto mo na ako?" tanong ko sa kanya.

Kahit madilim ay nakita ko ang pamumula niya.

"Di nuh!" nag-iwas siya ng tingin sakin at nagkamot sa ilong nya..

Namasa din ang ibabang bahagi ng ilong nya kaya pinunasan ko ng kamay ko..

"Deny ng bibig pero naamin ang buong katawan mo.." seryosong pahayag ko. Kung conceited sya, conceited din ako.

"Hindi nga!" bulyaw nya sakin kaya mabilis kong pinitik ang noo nya.

"Binubulyawan mo ko?!" bulyaw ko rin sa kanya.

Hinihimas nya naman ang noo nyang pinitik ko.

"Hindi naman e" mahinang sagot niya.

Inalis ko ang kamay niya sa noo nya at hinimas yun..

"Kiss mo yan!" matinis na naman na utos nya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kiss mo na po" mas mabait na utos nya..

Hinimas ko ang muka niya..

"I love you, Jelay" dahan dahan syang ngumiti na animo'y mapupunit ang labi..
May ilang mga luha ang pumatak sa kanyang mata.

Natataranta akong pinunasan iyon.

"B-bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong ko.

"That's the first time you say, you love me after 4 effing years." umiiyak pa rin na sagot niya..

I chuckled.

"Remember? Hindi kailangan sabihin ang salitang mahal kita para mapadama iyon." sagot ko sa kanya at dinampian ng halik ang kanyang mga mata.

I kissed her nose. Her both cheeks down to her chin back on top to her forehead, to her temple. My gosh!

My lips want to touch every part of her. I look at her lips who's screaming for attention..

I stare at her.. Her eyes are twinkling as if it's looking on a star. Her lips partly separated.

"I love you" pag-uulit ko sa sinabi ko kanina.

*dub *dub *dub *dub

Hindi ko na alam kung kaninong tibok ng puso ang naririnig ko. Sa akin ba? Sa kanya? O baka saming dalawa?

Take My Side (Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon