Chapter 8

695 42 35
                                    

Being corny is one of  the sign that you are inlove.

---

KAORI POV

As expected, andyan na si Lexus sa labas ng bahay. Two weeks straight ng ganyan si Jelay.

Wala pa ring nagbago. Lagi ko siyang sinusungitan at ngingiti lang siya sa akin at mangungulit na naman.
Nasasanay na rin ako sa pangungulit niya.

Lagi nya akong kinakantahan ng kung ano anong love song. Ang ganda nga ng boses nya e pero di ako papadala.

Nakakaasar lang minsan kapag nagnanakaw siya ng halik sa akin sa pisngi. Nakakaasar kasi bakit sa pisngi lang. Charot lang haha

Ang alam niya pa rin ay kabet ako ni Lance. Siguro hindi siya nagtatanong tanong sa iba kasi sensitive topic kaya di niya alam na hindi totoo.
Bahala siya dyan. Yan na naman siya sa mga maling assumption nya.

Mamayang gabi may aattendan kaming Business Gatherings. It's her first time daw kaya kinakabahan siya.

Lumabas na ako ng bahay at nakangiting muka nya ang sumalubong sa akin..

"Good morning, Love!" bati nya at pinagbuksan ako ng pinto. Tahimik lang ako sumakay.

Nakain siya ng burger habang nag ddrive. Halos araw araw na lang ganyan almusal niya. Kailangan nya ng matuto mag-luto or maghanap ng magluluto para sa kanya.

A cook. A maid.

Hindi jowa. Focus muna siya sa Career nya dapat.

Narinig kong may tumawag sa phone nya na agad nya naman sinagot..

"Good morning Kare."

Ah. Si Karina pala..

"Really? Wow! That's great!" parang ang saya saya nya ah.

"Ok. See you! Miss youuu" malanding ani nya na pinahaba pa ang you. Tsk

Ang landi talaga.

Ang ganda ng ngiti nya pagkatapos ng tawag.

Ako lang ba? Iba kasi ngiti nya ngayon parang abot sa mata. Hindi katulad pag ako kausap nya, parang hindi totoo.

Lumingon siya saglit sakin at ngumiti.
Iba talaga yung saya sa mata nya.

Is it because of Karina?

Feeling ko kasi noon pa may secret feelings siya for Jelay. But i don't care. Why would i care right?

I busied myself on checking emails.

"Kumain ka na, Love?" tanong ni Jelay na tumango ako.

Every morning naman akong nakain bago umalis ng bahay pero araw araw din di nakakalimutan ni Jelay itanong sa akin yan.

"I'll pick you up later para sabay na tayo punta sa venue ha?"

"I can handle myself. Dun na tayo magkita sa venue" sagot ko sa kanya na hindi siya tinitignan.

"Okay. Kinakabahan kasi ako pumunta mag-isa. Kay Karina na lang ako sasabay." napa-angat ako ng ulo at tumingin sa kanya.

I cleared my throat..

"But if you insist and really nervous, okay lang sakin kung susunduin mo ko at sabay na tayong pupunta" her face light up and slowly formed a wide smile.

A genuine smile.

"Really???" hindi makapaniwalang tanong nya. Tumango ako binalik ang tingin sa cellphone ko.

"Excited na ako, Love!" masayang pahayag nya pero di ko na pinansin.

Half-day lang kami sa office ngayon. Need ko lang mag-pirma ng mga important documents.

Take My Side (Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon