Chapter 6

686 46 32
                                    

KAORI POV

Katulad ng normal na pasok ko alas-syete ng umaga ay dumating ako sa office. Di tulad kahapon ay wala pa si Jelay.

Sa una lang magaling talaga! Tsk

I relax myself by listening to my favorite song..

When love and hate collide

After listening ay nagsimula na akong mag-work.

Before 8am ay dumating na din si Lara.

8am na wala pa rin si Jelay. Late na siya!

8:06am ng dumating siya..

Sinalubong ko siya ng masamang titig.

"You're late! I told you i don't like late comers." inis na sa saad ko sa kanya.

"Good morning Lara" bati nya dito na hindi agad ako pinansin.

Nang makaupo siya sa upuan nya ay doon siya muling nagsalita.

"No matter what i do, you still hate me. So what's new?" seryosong sagot nya.

"Sumusunod ka dapat sakin! Pina-train ka sakin ng Daddy mo. And that's my rule. You shouldn't be late!" sumasagot pa..

"Ok. Will not happen again." walang ganang sagot nya at nagbukas ng laptop.

"Lara, can i ask a favor?" malanding tanong nya dito.

Ang aga aga sinisira nya ang araw ko.
Nag-trabaho na lang ako.

Lumapit naman si Lara sa kanya.

"I haven't eat breakfast. Can you buy a food for me?" request nya dito. Landi talaga pwede namang siya na lang.

"Sure Ma'am" ngiting sagot ni Lara

"Tsaka baka may gamot ka sa sakit ng ulo diyan.. Penge ako. Thank you!"

"Okay Ma'am" magalang na sagot ni Lara.

Nilingon ko naman siya sa sinabi nya

"May headache ka?" tumango lang siya sakin at binalik ang tingin sa laptop.

Medyo nakonsensya naman ako sa pagsusungit ko.
Wala pa syang kain at masakit ulo nya. Kaya pala parang wala sa mood.

Mabilis na bumalik si Lara na may dalang white flower at tablet.

"Gusto nyo Ma'am i-massage ko kayo?" tanong ni Lara dito

"No!! May pinapagawa ako sayo Lara diba?!" napayuko naman si Lara sa sinabi ko.

"It's okay Lara. I can handle myself" ani ni Jelay

"Sorry Ma'am" nakayukong paumanhin ni Lara. Tsk

Puro kalandian.

"Halika nga dito!" pinaharap ko sya sakin at naiirita kong kinuha sa kamay niya ang white flower.

"Saan ba masakit?" tanong ko habang nagpapahid ng white flower sa kamay ko.

"Dito. Parang pinipitik e" sagot nya na tinuro sakin ang sintido nya at noo.

Mas lumapit naman ako sa kanya, nagtatama ang tuhod namin so i parted my legs to have her in between and move closer to her.

Sinimulan ko ng haplosin ang kanyang ulo.

Nararamdaman kong nakatingin lang siya sakin habang hinihilot ko siya.

Sinalubong ko ang tingin niya.

*dub *dub *dub *dub

Her eyes saying a thousand words..
Her lips parted a bit. So i automatically change my gaze unto her inviting lips.

Take My Side (Book II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon