After 6 years....
"Wow! Is that your niece? So cute!" masayang puri ng isang gwapong lalaki kay Jelay..
"Ahh.. No.. Hehe" kakamot kamot sa ulong sagot ni Jelay
"She's our daughter. Any problem?" nagulat na lamang sya ng biglang may humawak sa bewang nya at hapitin siya palapit..
Nagtatanong ang mata ng lalaki kay Jelay..
"Ahh.. Mich, she's my wife. Love, he's Mich. My friend from Toronto." paki lala ni Jelay dito.
Nagtaas ng kilay si Kaori dito.
"I knew him. Isa sya sa nasa listahan kong lumandi sayo. And he is not your friend!" madiin na sagot ni Kaori.
Nangangatog naman ang tuhod ni Jelay sa takot sa kanyang asawa ngunit tinitibayan nya ang kanyang pagkakatayo dahil karga nya ang anak nilang 8 months..
Si Jelay ang nag-buntis sa baby dahil busy sa work si Kaori. They named their baby girl as Jin Koemi Oinuma Pilones.
A beutiful baby girl. Singkit ang mata nito na nakuha sa parehas na magulang. Maputi, malambot at makinis ang balat. Ang hugis ng labi nito na mapupula ay nakuha nya kay Jelay. Ang ilong ay nakuha niya kay Kaori pati ang nunal nito sa gilid ay namana nya.
"Ah. Love, nakasalubong ko lang siya dito while waiting for you here." paliwang ni Jelay sa asawa.
Kahit na 4 years na silang mag-asawa ay di pa rin nagbabago ang pagiging selosa nito. Halos lahat pa rin ng lalapit sa asawa ay pinagseselosan niya.
Nasanay na rin naman si Jelay sa ganitong ugali ng asawa. Konting lambing nya lang naman ay kumakalma na ito pero di nya pa rin maiwasan ang matakot.
"Whatever! Akin na si Koemi." marahan na kinuha ni Kaori ang anak kay Jelay. Hinalikan nya ito sa labi na nagpangiti sa anak nila..
"Javi! Come here!" tawag ni Jelay kay Javi na busy sa paglalaro sa kanyang Ipad.
Nang ikasal sila ni Kaori ay na-approved ang petition ni Jelay to adopt Javi and be their Son.
Masayang tinanggap naman ito ni Kaori."Why Mommy?" tanong ni Javi kay Jelay.
Sa apat na taon na pagtira ni Javi kay Jelay at Kaori ay magaling na rin itong mag-english.
Pinag-aral din ito ng dalawa sa mamahaling paaralan.Matalinong bata si Javi at hindi nawawala sa honor. Magalang na bata din ito at masunurin.
Sinong hindi magiging masunurin kung isang Kaori Oinuma ang Mommy mo?
"He's my Son too.." pakilala ni Jelay kay Javi.
"Hello po!" magalang na bati nito kay Mich.
Hindi nila ito tinuturing na iba at kinikilala talaga nila si Javi bilang tunay na anak..
"Oww.. You already have a big family." komento na lang nito
"A one big HAPPY Family. So if you excuse us. My wife and I need to go." masungit na sagot ni Kaori dito habang hinahagod ang likod ni Koemi na natutulog sa braso niya.
"Yeah sure! I'll go ahead.." kumaway na lang ito at ngumiti kay Jelay bago tuloyang umalis..
Nauna ng maglakad si Kaori na sinusundan naman agad ni Jelay..
Sabay silang naglalakad ng mapansin ni Kaori na wala si Javi sa tabi nila."Jelay, hawakan mo ng maayos ang anak natin!" pagalit nito kay Jelay dahil nahuhuli si Javi sa paglalakad dahil sa kakalaro ng kanyang Ipad.
"Stop playing on your Ipad baka madapa ka. Parehas tayong lagot sa Mommy mo" suway ni Jelay dito at hinawakan ang kamay ni Javi.
BINABASA MO ANG
Take My Side (Book II)
FanfictionBOOK TWO po ito ng The Other Side so bago nyo po ito basahin, paki basa muna yung The Other Side hehehe SALAMAT SA WALANG SAWANG PAGSAMA KAY MS. PRESIDENT at MS. NARCISSIST!